"Manmanan mo lang si Troy, at dating gawi irereport mo sakin lahat ng nakita mo habang minamanmanan siya" sambit ko sa isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. "Oo naman Margaux, makaka asa ka sakin"
Umalis na ito, at ako naman ay naiwan dito sa loob ng silid kung saan nagtatago si Taewan. Wala akong tiwala sa kaniya na makukuha ko ulit si Troy kaya palihim akong nag uutos sa mga kasamahan ko para manmanan siya. Hangga't hindi pa nagagawa ni Taewan ang mga plano niya mananatili akong nasa side niya, dahil malaki magiging pakinabang ko pag nag tagumpay siya.
"What are you doing on my precious chair?" nagulat ako ng sumulpot si Taewan galing sa labas "Bakit bawal bang umupo dito? Wala namang nakasulat na pangalan mo"
"But it has my symbol! Kaya hindi ka pwedeng umupo dyan!"
"Napaka damot mo talaga!"
"Hindi ako naging madamot sayo, sa pag kakaalam ko I risk my life just to comfort you 5 years ago"
"Ito nanaman ba tayo Taewan? I told you it's a mistake! Hindi na dapat balikan amg nakaraan, so Please stop talking about the past. Lets focus on your plans para maayos na to at makuha na ang gusto mo ganun din ang gusto ko" litanya ko sa kaniya
"Mahal na mahal mo talaga si Troy, akala ko pa naman after natin gawim yun makakalimutan mo na siya"
Tarantadong lalaki to! Anung palagay niya sa sarili niya? Wala siya sa kalingkingan ni Troy
"I told you to stop Taewan! Why don't you just tell me why Kristine is part of this plan? Kasi naguguluhan ako, bago lang siya dito. Pero nasa plano mo na agad siya? I'm just wondering naging girlfriend mo ba siya?"
Bigla itong tumawa ng malakas. Parang gago diba, wala namang mali sa tanong ko. Kung sinasabi niya kasi yung dahilan edi sana di ako parang tanga na nanghuhula
"Malalaman mo din, pero hindi pa sa ngayon. Masyadong kumplikado kung malalaman mo kaagad"
Bwisit talaga to, kahit kailangan hindi pwedeng pagkatiwalaan!
**
2 weeks na din ang nakakalipas simula nung bumalik sila Kristine at Kate sa dati nilang room, masaya si Kristine dahil tahimik na ang mundo niya, walang maingay at walang nag aaway. Gusto niya ang ganitong sistema na tahimik at peaceful kang makakapag isip.
"Kristine, inumin mo to" may inabot na gamot si Francis sa kaniya "Teka, ganito yung lagayan ng gamot ko. Saan ka nakakuha nito?"
"May drugstore akong pinuntahan, dinescribe ko yung nararamdaman mo since na kwento ni Kate na nahimatay ka"
Tuwang tuwa ang dalaga dahil sa wakas maiibsan na ang paghihirap niya. Ilang linggo na niyang tinitiis ang pananakit ng ulo niya. Everytime na sasakit yung ulo niya ay may mga visual images talaga siyang nakikita.
"Just take that medicine, para gumaan na pakiramdam mo ha. Aalis muna ako"
Hindi na ito nagsalita. Masaya ang dalaga ngayon kasi may gamot na ulit ako
"Just please love me Kristine"
Bigla nalang pumasok sa isip ni Kristine ang huling usapan nila ni Troy, hindi siya mapakali at laging iniisip yun. Kung minsan ay binabalak niyang puntahan ang binata para maka usap pero nahihiya ito.
Naglibot libot siya sa labas para hindi mabagot sa loob ng room nila
"Give me some time Troy"
"Please ako nalang"
"Kaya kong maging siya"Nakarinig siya ng pamilyar na boses sa gilid ng isang abandonadong silid. Nagtago siya sa may gilid nito para hindi mahalata
"Ayoko nga sayo, bakit paulit ulit ka?"
"Pwede ba tigilan mo na ko"
"Kung inaalala mo yung nahalikan kita. Lasing ako nun, lahat ng ginawa ko walang malisya don"Habang nakikinig ay bigla niyang nasanggi ang isang kahoy dahilan para matigilan ang sinasabi ng lalaki
"Lumabas ka dyan" sambit ni Troy, agad naman niya itong sinunod
"Kri--kristine, kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Kate ng makita ang kaibigan "Ah oo, pero wag kayo mag alala hindi ko sasabihin sa iba na nan--" agad siyang hinatak ni Troy para makaharap ni Kate
"Kate, ito yung babaeng gusto ko hindi ikaw. Please stop! Ayokong saktan ka, ayokong maging miserable buhay mo"
"So sa tingin mo hindi magiging miserable buhay ni Kristine sa mga kamay mo? Troy, ako willing akong gawin lahat para magustuhan mo ako. Handa akong pumatay kung kina kailangan gaya ng pagpatay ko sa sumaksak kay kris--" natigilan sa pagsasalita si Kate dahil natauhan siya sa sinabi niya
"Ano? Pumatay ka? Sino pinatay mo?" tanong ni Kristine
Akmang aalis na sana si Kate ng hawakan siya sa kamay ni Troy ay nahilog ang isang keychain na may nakalagay na letrang "S"
"Kanino to?" tanong nito
"Ano kasi, ano. Hindi ko naman ginusto yun eh pero kailangan! Para Kristine naman yung ginawa ko!"
"So pumatay ka nga? Sino pinatay mo?"
"Si Samantha Montereal! Yung sumaksak kay Kristine!"
Agad namang napabitaw sa kaniyang pagkakahawak sa kamay ni Kate si Troy "Bakit mo ginawa yun? Alam mong hinahanap namin siya ni Francis diba!"
"Para kay Kristine! Lahat gagawin ko para sa kaibigan ko! Sorry hindi ko sinabi! Natatakot ako"
Niyakap ni Kristine ang kaibigan, hindi niya lubos maisip na gagawain iyon ng kaibigan para sa kaniya
"Hindi mo kailangang pumatay para sakin, diba sabi ko sayo choice ko yun ginusto ko yun"
"Sorry, nadala ako ng emosyon ng makita ko yung tagiliran mo pati na rin paghihirap mo. Sorry talaga"
Lumabas na ito habang umiiyak, naiwan si Troy at Kristine sa silid
"Kristine, about sa narinig mo kasi amo hin--" hindi na pinatapos ni Kristine magsalita si Troy
"Okay lang, narinig ko naman paliwanag mo. Wala ka dapat ipag alala" sambit nito
"Talaga? Akala ko magagalit ka, sorry"
"Naging harsh ako sayo nung huli nating pag uusap Troy hindi ko alam kung ano naging epekto sayo ng mga sinabi ko. Ako kasi hindi ko malimutan yung mga sinabi mo, hindi ko din maintindihan yung nararamdaman ko. Sa tuwing mag isa ako naaalala ko lahat ng mga nagawa mong kabutihan sakin, lalo na nung nasaksak ako. You almost blamed yourself, but you still never leave on my side. Gusto kitang makita araw-araw, gusto ko masigurado kung kumain kana ba. Naguguluhan ako sa sarili ko ewan ko ba pero parang iba nararamdam--"
Hindi natiis ng binata ang bugso ng damdamin na naramdaman. Hinila niya ito at hinalikan sa labi. Sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon, hindi pa man sinasabi ng dalaga ang tunay na nararamdaman. Alam ni Troy na may gusto ito sa kaniya.
"I promise that I will never leave you, I promise I will not hurt you, I promise that I will make you happy each day. I love you Kristine"
"I love you too Troy"
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
De TodoMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...