Bumalik na si Francis sa room niya, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandon sa tapat ng pinto si Sir Crumpos
"Ano ginagawa nyo rito sir?"
"Ah, kasi pina aabot to ni Taewan. Dokumento yan tungkol kay Kristine, sabi niya kailangan mo daw yang basahin"
Iniabot nito ang brown envelope at umalis na rin. Hindi na nag tanong si Francis dahil baka may makakita pa sa kanila na nag uusap ni Sir Crumpos. Agad siyang pumasok sa kaniyang silid, wala pa din si Kate kaya mas panatag ang loob niya na buksan ang laman ng envelope.
Nagbabagang balita: Ang bunsong anak nila Monette Go at Cristoffer Go ay natagpuang walang malay sa isang liblib na lugar.
Ayon sa kaibigan nito na Apat ma taong gulang na si Kate Hernandez, mayroong humahabol sa kanila na lalaki at pilit na kinukuha ang bunsong anak ng mga Go na si Kristine agad namang nakaakyat ang bata sa puno ngunit nagkamali ito ng hakbang kaya nahulog ito at nawalan ng malay.
Ayon sa balita nakarecover ang bata matapos kunan at obserbahan ng mga doctor. Nasa ICU na ito at patuloy na nagpapagaling.
Matapos basahin ni Francis ang isang dyaryo ay kinuha naman niya ang isang medical report.
Severe trauma, head damage.
Serious Condition: AmnesiaHindi na niya binasa ng buo dahil nakita naman niya ang dapat niyang makita. Agad niyang itinuon ang mga mata niya sa gamot na iniabot sa kaniya ni Taewan, ibig sabihin ang gamot na ito ang nagbibigay ng dahilan para mas lalong hindi matandaan ni Kristine ang lahat. Natigilan siya ng makarinig ng mga yapak ng mga paa, nakakasiguro siya na nasa loob na si Kate
"Bakit parang malungkot ka?" sambit nito, hindi kasi mapinta ang pagmumukha ngayon ng dalaga "Ah, wala naman pagod lang siguro ako" bago pa man to makapasok sa kaniyang silid ay may nahulog na maliit na bagay mula sa bulsa nito
"Kate, teka may nahulog ka"
Agad na naalarma si Kate at hinablot ang nahulog na bagay. Hindi na nagtanong si Francis, pero bigla nalang nag panic sa Kate nung sinabi niyang may nahulog ito.
1 new message
From: Ate Moreen
Pumunta ka ngayon sa meeting room bilisan mo.
Nagpunta si Francis sa meeting room dahik sa utos ng kapatid niya, pagbukas niya ng pinto ay nandoon si Troy, Moreen, Margaux, at Taewan
"Okay na lahat, nandito na tayo" sambit ni Margaux
"Pano ka nakapasok dito? Dumaan lahat sa inspection" walang ganang sambit ni Troy na nakatingin ngayon kay Taewan
"As far as I know, registered student pa din ako dito. No need for inspection" tugon ni Taewan
"Ano ba kailangan mo Taewan? Wala naman na si Maragux at Troy, ano pa bang dapat mong gawin dito?" tanong ni Moreen na halatang kinakabahan
"Moreen, hindi ka pa din nagbabago. Limang taon na nakalipas, takot ka pa din sakin -- Simple lang naman gusto ko, bantayan nyo si Kristine" nakangising sambit nito
"Kahit hindi mo yan sabihin gagawin namin yun" sambit ni Troy
"Fine, take a good care of her"
Tumayo na si Margaux at Taewan para umalis. Natigilan sila sa huling sinambit ni Troy
"Don't you dare touch her Taewan, wag mo igawa si Kristine kay Margaux. She's brave and strong. While Margaux, she's pathetic"
Akamang lalapit si Margaux pero pinigilan ito ni Taewan.
--
"I told you! Hindi pa to yung tamang oras para magpakita ka!" sambit ni Margaux. Ngayon ay nasa cafeteria sila ni Taewan "Kumalma ka nga, nasaktan ka sa sinabi niya? Eh totoo naman Kristine is much stronger than you"
"Dahan dahan ka sa pananalita Taewan, kayang kaya ko patayin yang si Kristine. Wag moko sagadin!"
"Mapapatay mo? Sa pagkaka alam ko magkatulad lang kayo, kaso ikaw nagpa uto kay Troy noon"
"Bwisit ka talaga!"
Agad namang nabaling ang paningin ni Taewan sa babaeng nakaupo sa dulo ng cafeteria. Wala itong kasama. Lumapit siya rito upang kausapin
"Hi, Okay ka lang?" agad niyang bati sa dalaga "I know you, ikaw ba yung nakabangga ko?" sambit ni Kristine
"Oo, akala ko nalimutan mo. Mag isa ka lang?"
"Yeah" matipid nitong tugon
"Ganun ba, bago ka lang dito noh?"
"Oo bago lang ako, ikaw? Mukhang hindi kasi ikaw nagtanong kung bago ako dito"
"Matagal na ko dito, umalis lang. Pero bumalik"
Tinignan ni Taewan ang peklat sa may kanang kamay ni Kristine, laging sinasabi ng magulang nila na peklat yun noong nahulog ito sa puno pero hindi. Birth mark niya yun, ahas ang simbolong nakalagay rito. Simbolo na naging dahilan kung bakit walang maalala ang kapatid niya, agad namang tumulo ang mga likido sa kaniyang mata.
"B--bakit ka umiiyak?" tanong ni Kristine "Ah, wala to. Namiss ko lang yung kapatid ko" tugon nito
"Nasan ba siya? Hindi niya magugustuhang makita kang ganyan sa mga panahon na ganito. Kung namimiss mo siya, isipin mo nalang yung mga panahong magkasama kayo. Yung masasayang ala-ala na pinagsamahan niyo" litanya nito.
"Sana ganun lang kadali, ganun lang sana kabilis pero hindi almost 15 years ko ng kinikimkim to. Nakikita ko siya pero hindi ko mahawakan, gustong ko hawakan yung pisngi nya, gusto kong sabihin kung gaano ako kasabik na ipakita yung pagmamahal ko biglang kuya niya. Pero bawal eh, hindi pa sa ngayon"
Naramdaman ni Kristine ang awa sa lalaking nasa harap niya, hindi niya lubos maisip na may lalaking iiyak sa harapan niya. Mapag mahal na kapatid.
"I warned you!" nagulat ang lahat ng biglang sumulpot si Troy at sinuntok si Taewan "Hindi ka ba talaga mananahimik? Tama na yung ginawa mo noon! Umalis kana dito" walang gusting umawat sa dalawa dahil ang iba na nasa cafeteria ay mga dating estudyante na, kilala nila ang dalawa na hindi nag papaawat.
"Troy! Stop! You're making scene!" pag aawat ni Kristine, nakinig naman si Troy at binitawan ang kwelyo ng binata "Hindi pa din nagbabago ang demonyo, pero anung panaman ng demonyo sa totoong demonyo. I'm the king!" nakangising sambit ni Taewan at umalis na.
**
"Nakita mo ba yung ginawa mo kanina ha? Nakakahiya Troy! Nakikipag usap lang naman yung tao bakit mo sinuntok? Ganyan ka ba kabarumbado?" sambit ni Kristine, hindi ako maka imik at nanatiling nakaupo lang sa sofa
May mali ba sa ginawa ko? Nilayo ko lang naman siya sa lalaking yun dahil alam kong walang maidudulot sa kaniyang mabuti si Taewan.
"Tinanong moko kung pwede ka manligaw sakin pero pano ako papayag kung ganyan ka? Hindi ako mapapakali kung ganyan ugali mo!"
Sa pagkakataong ito ay sumagot na ako sa kaniya "Kung gusto moko tatanggapin mong ganito ako! Ito na ako Kristine! Wala ng magbabago! Demonyo na ako noon pa man! , pero I'm willing to protect you no matter what! Hindi pa ba sapat yun? Handa kong gawin lahat! Pero yung magbago? Hindi ko magagawa yun! Kasi ito na ako!"
Alam kong mali tong ginagawa ko. Na mauulit ulit yung nangyari samin ni Margaux, ayokong mangyari yun pero hindi ko din naman pwedeng diktahan tong puso ko na hindi siya mahalin. Sa napaka iksing panahon tinamaan ako sa babaeng ito, oo mabilis sobrang bilis kahit ako din hindi ko mapaliwanag kung bakit ako nagkakaganito sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Lalo mo lang pinapalala yung sitwasyon! Babalik din ako sa room ko, kung saan ako nababagay! Si Kate gusto ka niya! Nakikita ko yun sa bawat sandali na tinititigan ka niya. Hindi ba pwedeng siya nalang? Wag ako?" sambit niya na agad namang uminit ang ulo ko sa mga narinig mula sa kaniya
"Si Kate? Hindi ko siya gusto! If she likes me then I will do anything para hindi niya ko magustuhan! Just please love me Kristine"
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...