EPILOGUE

38 2 0
                                    

5 years later........

"It's been 5 years, and it's still the same" sambit ni Troy sa kaniyang sarili habang nakatingin sa bintana ng eroplano

Limang taon na ang nakalipas ng umalis siya ng pilipinas, ramdam niya ang pagkasabik na masilayan muli ang bansang kaniyang sinilangan. Bago man sa kaniya ang lahat dahil nabuhay siya sa loob ng Mysterious Place Academy, handa siyang harapin ang panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Nilabas niya ang isang larawan mula sa kaniyang pitaka. Larawan ng isang tao na lubos niyang hindi nalimutan, hindi niya namamalayan na may likido na ang kaniyang nga mata

"Ito nanaman ako mahal, umiiyak nanaman. Limang taon na nung nawala ka pero nandito pa din yung sakit. Sa tuwing naaalala ko na wala kana parang gusto ko nalang sumunod sayo, gusto kong magkasama nalang tayo"

Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata.

Langhap na langhap na niya ang amoy ng Pilipinas. Agad siyang sinalubong ng kaniyang mga kapatid na si Moreen na ngayon ay asawa na si Sir Crumpos o mas kilala na sa kaniyang tunay na pangalan na Patrick S. Avello

"Kumusta kana?" mahigipit ang pagkakayakap nito sa kapatid

"Okay lang ako"

"Nako paglulutuan kita ng maraming pagkain!"

Agad din namang lumapit si Francis kasama ang nobya

"Kayo talaga nagkatuluyan ha!"

Nagyakapan ang dalawa, ito ang unang beses na niyakap niya ang kapatid

"Wala eh nagayuma ako" pabirong sambit ni Francis

"Hoy ang kapal ng mukha mo! Araw araw ka ngang pumupunta sa bahay namin!" biglang singit na sambit ni Kate

Nakaukit ang ngiti sa kaniyang labi, kahit na maraming pinagdaanan ay masaya siyang nakikita ang mga taong mahahalaga sa kaniya na masaya sa kani-kanilang buhay

Sumakay na sila sa kotse ni Patrick at mayroon silang pupuntahan na matagal na niyang hinihintay

**

"Nandito na tayo" sambit ni Kuya Patrick

Kinakabahan ako, kasi sa loob ng limang taon ngayon lang ako makakapunta

"It's nice to see you, Troy"

Nagulat ako sa lalaking nagsalita mula sa aking harapan. Malaki ang pinagbago ni Taewan at halos hindi ko siya nakilala.

"You look great"

"You too, tara puntahan na natin siya"

Naglakad kami papunta sa puntod ni Kristine, simula ng mamatay siya ay ni minsan ay hindi ko siya nadalaw sa puntod niya dahil na din sa takot at nahihiya akong harapin siya noon dahik hindi ko siya na proptektahan

"Ahmm, iwan ka muna namin ha"

Humarap ako sa pangalang nakaukit sa lapida. Pangalan hindi ko malilimutan hanggang sa pagtanda ko. Nilagay ko yung bulaklak na hawak ko malapit sa puntod niya

"Kumusta kana mahal? Sorry ngayon lang ako nakadalaw ha. Binago ko yung buhay ko, ginawa ko lahat para makalimot sa nakaraan kaso hindi ko magawa. Ang hirap na hindi kita kasama sa mga panahong natatakot ako, masaya ako, naguguluhan ako. Wala kong masabihan Kristine"

Biglang tumulo ang nga luha sa aking mata. Nilabas ko yung box na binigay niya sakin.

"Natatandaan mo ba to? Ito yung huling bagay na meron ako mula sayo. Pinaka iniingatan ko to. Sa pagtulog ko kasama ko to. Thank you mahal kasi hindi moko iniwang mag-isa"

Napalingon ako sa likod ko ng makitang may papalapit sa akin

"Da--daddy!"

Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa anak ko

"Siya nga pala mahal ito yung dahilan kung bakit kahit papano naiibsan yung sakit na nararamdaman ko. Yung box na to yung naging dahilan mung bakit masaya ako dahil nakilala kita"

//

"Sa---ve...... Save...sa----"

Tuluyan ng nawala ng hininga si Kristine. Tinignan kong muli ang laman ng box, pregnancy test na may dalawang guhit.

//

"Ito nga pala si Dutch Kassandra, yung anghel na iniwan mo sakin. She really looks like you mahal. Lagi ka niyang tinatanong sakin she wanted to see you kaya umuwi talaga kami ng Pilipinas para magkita kayo"

Wala akong ibang pangarap kundi magkaroon ng masayang pamilya. Hindi man kami kumpleto ang mahalaga alam ng anak namin ang sitwasyon na meron kami

"Daddy, she's mommy?" tanong ni Dutch

"Yes baby, she's your mom. Bu she's in heaven now"

"She's with Jesus?"

"Yes, she's with Jesus. She's protecting us"

Tatlong buwang buntis noon si Kristine bago siya mawala, ng malaman naming nagdadalang tao siya at buhay ang baby na nasa tiyan niya agad na nagkaroon ng operation para matanggal ang bata siya tiyan niya at ilalagay sa incubation para mag grow pa din ang bata.

"Don't worry about us mahal, I will take a good care to our little princess. Palalakihin ko siya na may takot sa diyos at higit sa lahat mapagmahal at marespeto na tao. I will keep moving forward, kaya please batayan mo kami ni Dutch. I love you so much Kristine"

END

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon