"You have to spy her, yan lang naman trabaho mo Kate. If you failed to do your job I will kill you"
Napabuntong hininga si Kate habang inalala ang mga katagang sinabi ng lalaking ngayon ay "Boss" na nya. Sinali siya ni Margaux sa isang grupo na maski siya hindi alam kung bakit isinali siya.
*FLASHBACK
"Kate, right?" napalingon si Kate sa kaniyang likuran na may isang boses ng babae siyang narinig "Yes, ako nga" sambit niya habang inaanalisa ang mukha ng babaeng ngayon ay kaharap niya
"I have a group, do you want to join?"
"Ayoko" agad niyang tugon, ngunit imbes na umalis ay may matalas na bagay na ngayon ay naka ambang isasaksak sa kaniyang tagiliran
"Ayaw mo? Mamili ka, buhay mo o sasali ka samin?"
Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa gusto nito. Wala siyang choice gusto niya pang masinagan ng araw at ayaw niyang dito siya mamamatay. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay kaya pumayag nalang siya.
"Fine! Stop harassing me! Sasali na ko!"
"Good girl! Susunod ka din pala kailangan mo pang magpakipot, tara sumama ka sakin at may ipapakilala ako sayo"
*END OF FLASHBACK
Natigilan siya sa pag iisip ng marinig nyang bumukas ang pinto.
"Oh bakit balisa yang mukha mo?" tanong nya kay Francis ng makapasok sa room nila. "Hindi mo ba alam? Nasaksak si Kristine, hindi naman ganun ka critical yung kondisyon nya"
Nagulat sya sa narinig mula sa binata "Ano?! Sino sumaksak sa kaniya? Nasan sya? Okay na ba sya?"
"So far, she's fine. Nothing to worry she have 12 stitches sa may tagiliran niya"
"12 stitches? What the fuck! Ibig sabihin ganun ka tindi yung saksak sa kaniya? Eh sino kasama niya ngayon?"
"Si Troy nagbabantay sa kaniya. Kung gusto mong dumalaw bukas nalang, gabi na at madilim sa labas sira ang mga CCTV cameras ngayon kaya hindi safe umalis ng ganitong oras"
Walang ganang sambit ni Francis at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya. Nakaramdam naman si Kate ng pagkadismaya hindi nya kasi aakalaing si Troy ang magbabantay sa kaibigan niya at hindi si Francis.
**
"You look better than yesterday" sambit ni Troy habang nagluluto ng lugaw para sa almusal ko. Hindi ako pwede kumain ng sobrang dami dahil sa tahi ko, kaya mas minabuting mga liquid foods lang muna at iwas sa solid foods para hindi na bumuka yung tahi ko
"Sus ang putla ko pa nga din eh"
"Pero atleast hindi tulad kahapon na mas maputla pa"
Ngumiti nalang ako bilang tugon sa sinabi niya. Hindi siya umalus sa tabi ko buong gabi, naging instant body guard ko siya kahapon.
*tok
*tok
*tokNapalingon kami sa may pinto na mayroong kumatok. Pinagbuksan naman ito ni Troy at laking gulat ko sa taong papasok magmula sa pinto
"Kate!!!" sambit ko. Hindi ko inaasahang bibisitahin niya ako dito dahil nagkaroon nga kami ni alitan
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ha! Baliw ka ba? Pano kung mas malala pa dito ang nangyari sayo? Bakit mo sinalo yung kutsilyo na hindi para sayo?" habang sinasambit nya ang mga katagang iyon ay tumulo ang mga likido sa kaniyang mga mata
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...