"H-Hindi! M-May ibang paraan pa. Alam kong may ibang paraan pa para masalba natin si Mama. P-please!" Pagmamakaawa ko kay papa habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.
Walang tigil sa pagbagsak ng mga luha ko.
Hindi!
Hindi ko magagawang iwanan s'ya rito!
M-May ibang paraan pa!
"Regan, anak." mahinahong pagtawag sa akin ni papa. Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. "K-Kailangan ako ng mama ninyo. H-Hindi ko s'ya pupweding pabayaan..." Humagulgol si papa kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"P-Paano naman kami? K-Kailangan ka rin namin, Pa! Kailangan ka ni Rei! H-Hindi gugustuhin ni mama na iwanan mo kami!"
Nagimbal ako nang ibaba ni papa ang kwelyo ng suot n'yang polo. Tumambad sa akin ang nagsisilabasang ugat sa leeg n'ya. Nangingitim na ang mga ito at mayroon din s'yang malaking sugat na para bang binuhusan ng maiinit na tubig dahil sa sobrang pagkalapnos nito. Hindi ko mapigilang mandiri dahil sa maliliit na uod na nagsisilabasan mula sa sugat n'ya.
Katulad na katulad iyon sa mga sugat ni mama na halos sumakop at sumira sa buo n'yang katawan.
"Papa, p-paanong..."
"U-Umalis na kayo rito bago pa dumating ang mga awtoridad. Regan, alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Kahit anong mangyari ay 'wag na 'wag ninyong hahayaan na paghiwalayin kayo ng kahit na sino. A-Alagaan ninyo ang isa't isa."
Hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ko alam kung magagawa kong protektahan ang kapatid ko.
"Ate, why you crying? And papa too?"
Naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa kamay ko kaya nabaling ang tingin ko kay Rei.
Hindi ko lubos na maisip na matatamaan din ng sakit ang pamilya ko. Ano na lang ang kahihinatnan namin ng kapatid ko. Masyado pang bata si Rei para mawalan ng magulang at maranasan ang ganitong dilubyo.
"Umalis na kayo R-Regan. M-Mahal na mahal ko kayo."
Mga katagang sa alaala ko na lang nakatatak.
"B-Bye Papa. M-Mahal na mahal ko kayo." Humihikbing pahayag ko bago tuluyang lisanin ang bahay kung saan ako lumaki at bumuo ng masasayang alaala kasama ang pamilya ko.
Sa ngayon, si Rei na ang prioridad ko. Hindi ko hahayaang mapahamak ang nag-iisang taong natitira sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...