Chapter 21: The Mass Killing

431 39 0
                                    

REGAN

Kasabay ng pagbangon ko ay s'ya ring pag-ikot ng paningin ko dahil sa matinding pagkahilo. Gawa ito ng paghampas ng sundalo sa ulo ko kanina. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa tingin ko ay umabot rin 'yon ng ilang oras dahil madilim na ang paligid.

Ramdam ko pa rin ang likido na dumadaloy mula sa sugat ko sa ulo. Nang hawakan ko ito ay napadaing ako sa sakit.

Nilibot ko ang tingin sa lugar. Kasalukuyan nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. Nasa isang open field kami habang napapalibutan ng wire mesh ang malawak na field na nagsisilbing kulungan naming lahat.

Pasuray-suray akong naglakad papunta sa isang pila kung saan isa-isang sinisiyasat ng mga naka-protective suit ang mga nag-uunahang tao. Kahit hindi ko alam ang meron 'don ay nakipagsiksikan na rin ako pero bago ko marating ang unahang pila ay  nakipahbuno muna ako.

Sinunod ko ang sinabi ng babaing nakasuot ng protective suit bago pumasok sa loob ng kwarto. Hinubad ko ang hoody jacket ko, t-shirt at ang pantalon ko kaya manipis na sando, bra at underwear na lang ang naiwan sa katawan ko.

Habang sinusuri ng babae ang katawan ko ay tanaw ko mula sa maliit na bintana ang isang malaking tent kung saan nila pinapapasok ang mga nanggaling sa kwartong kinalalagyan ko. Napansin kong nagkakagulo sila sa loob ng malaking tent na para bang pinipilit ng mga tao na makalabas. Hindi nagtagal ay unti-unti ring tumahimik ang loob. Isang dilaw na usok ang napansin ko na lumabas mula sa tent.

T-Toxic gas ba 'yon?

Tumalon ako pababa sa steel bed habang abala pa ang babae sa pagsusulat ng kung ano. Kinuha ko ang isang syringe sa ibabaw ng katabi kong mesa saka 'yon itinurok sa leeg n'ya.

Nang mawalan ng malay ang babae ay kaagad kong hinubad ang protective suit n'ya para isuot iyon bilang disguise. Nahihilo pa rin ako dahil sa sugat ko sa ulo pero pinilit ko ang sarili kong maglakad ng maayos.

Dalawang sundalo ang nakita kong nakabantay sa labas kwarto. Taas-noo ang ginawa kong paglalakad para hindi nila mapansin na hindi ako ang doctor kanina. Nang magawa kong lampasan ang mga sundalo ay doon na ako nakahinga nang maluwag.

Now what?

Mahina akong napamura nang mapagtantong nawawala ang dalawa kong baril.

Of course they will take it from me. Ang magagawa ko na lang sa ngayon ay naging maingat sa magiging mga galaw ko.

Malalaki ang mga hakbang ko habang binabaybay ang open field kung saan ako nanggaling kanina. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa akin ng ilang mga tao habang nakakulong sa wire mesh fence na kinalalagyan nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa ng gobyernong pabayaan ang mga inosenting taong ito.

Diretso lang ang tingin ko sa daan. Ayoko ng tingnan pa sila dahil mas lalo lang ako nakakaramdam nang matinding pagkaawa sa kanila

Si Rei at Mervin ang prioridad ko. Kailangan ko silang mahanap bago pa mahuli ang lahat. Pinapatay ng mga sundalo ang mga sibilyan na nahuhuli nila at kung hindi ako magmamadali ay baka ganun din ang kahinatnan namin.

Muli akong bumalik sa area kung saan kami naghiwa-hiwalay nina Mags. Sinubukan kong buksan ang pinto na kaninang pinasukan nina Mags pero bigo ako dahil naka-lock na ito.

Marahas kong hinampas at sinipa ang bakal na pinto dahil sa inis na nararamdamn ko. Hindi ko alam kung saan sila hanapin. Masyadong malaki ang base na 'to para isa-isahin ang bawat sulok ng lugar at sa sitwasyon ko ngayon ay baka mauna pa akong malagutan ng hininga bago ko sila mahanap.

Mabilis akong napakapit sa pinto ng maramdaman ang matinding pagkahilo. Kinapa ko ang sugat ko at hanggang ngayon ay wala pa rin itong tigil sa pagdurugo. Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang dumilim ang paningin ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"REI!" sigaw ko. Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at napasapo ako sa ulo ko nang sumakit na naman ito. Para itong pinupukpok ng martilyo sa tuwing nabibigla ako.

"Good morning."

Napalingon ako sa boses ng lalaki na bumati sa akin. Teka, pamilyar ang mukha ng lalaking 'to sa akin.

"Ako si Leeroy," pakilala n'ya sa akin.

S'ya nga! S'ya ang sundalo na hinampas sa ulo ni Mags kahapon.

"Morning?"

Sh*t! Umaga na pala?!

"Oo. Alas-quarto na ng madaling araw," sagot n'ya.

Iniabot n'ya sa akin ang isang mineral water na kaagad ko namang tinanggap.

"Uminom ka ng madaming tubig. Halatang dehydrated ka dahil sa panunuyo ng labi mo," pahayag n'ya pero tinitigan ko lang ang hawak kong mineral bottle.

Matalim kong nilingon muli ang lalaking sundalo. Hindi ako pweding magtiwala kaagad sa kanya! Paano kung patibong n'ya lang 'to?

"Huwag kang mag-alala. Walang lason 'yan." Paninigurado sa akin ni Leeroy.

Bago at hindi pa nabubugsan ang bottle kaya sa tingin ko ay wala naman itong lason.

Kasabay ng pag-inom ko ng tubig ay ang paglibot ko ng tingin sa kwartong kinalalagyan namin pero mabilis kong naibuga ang tubig ng makita ang seryosong mukha ni Harris habang nakatitig sa akin.

"H-Harris!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.

Tumalon ako pababa sa kama at mabilis na lumapit kay Harris. Mahina ang ginawa kong pagtampal sa mukha n'ya at pagkurot sa pisngi n'ya. Kailangan kong siguraduhin na buhay nga ang nasa harap ko at hindi multo.

"Ano bang ginagawa mo?" inis n'yang tanong sa akin bago n'ya hulihin ang pulso ko.

"Buhay ka!"

"Leeroy! Ibigay mo sa kanya ang jacket mo!" utos ni Harris kay Leeroy.

Hindi ko na na pala suot ang protective suit kaya naka panty at sando lang ako ngayon. Nakakahiya!

"Heto. Isuot mo." Iniabot sa akin ni Leeroy ang jacket n'ya habang nakabaling ang ulo n'ya sa ibang direksyon para hindi n'ya makita ang itsura ko.

"T-Thank you." Nahihiyang saad ko.

Nang maisuot ko ang jacket ay muli akong humarap kay Harris. Kailangan kong humingi ng tulong sa kanya para mahanap ang kapatid ko.

"Harris–"

"Kung tungkol kay Mervin at Rei ang sasabihin mo ay hindi kita matutulungan. May misyon din akong kailangang tapusin." Pagputol n'ya sa akin na tuluyang nagpabagsak ng balikat ko.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko kakayaning hanapin ng mag-isa ang dal'wang bata ng wala ang tulong ni Harris.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon