Chapter 18: The Checkpoint

454 32 0
                                    

REGAN

"Dahan-dahan sa pagda-drive!" sigaw ni Mervin habang yakap-yakap si Rei na sumisigaw din dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Mags ng kotse.

Jusko! Halos liparin na ata ang sasakyan dahil sa ginagawa ni Mags.

Nakita kong sinilip ni Mags mula sa rear view mirror ang dalawang bata at nang makita ang takot sa mukha nito ay doon na n'ya binagalan ng kaunti ang pagmamaneho.

"Anong pangalan mo bata?" tanong ni Mags kay Mervin.

"M-Mervin."

"Alam mo bang mas okay pang mamatay tayo sa pagkaka-aksidente sa kotse kesa mamatay tayo sa kamay ng mga sundalo dahil sa virus?" tanong ni Mags.

"Bakit infected ka ba kaya mo binibilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Naku! 'Wag mo na kaming idamay kung magpapakamatay ka!" Ilang segundo natahimik si Mags. Hindi nagtagal ay isang malakas na tawa ang pinakawalan n'ya.

"Ate Regan, sino ba s'ya tsaka nasaan si Harris?" tanong ni Mervin.

"S'ya si Mags. Si Harris...h-hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya," malungkot kong sagot.

Sigurado akong napatumba na ni Harris lahat ng mga kalaban n'ya dahil sa galing n'ya sa pakikipaglaban. Ayokong isipin na may masamang nangyari sa kanya dahil sa pagligtas n'ya sa amin. Kung patuloy ko kasi 'yong iisipin ay kakainin lang ako ng konsensya ko. Magaling na sundalo si Harris kaya walang duda na makakaligtas s'ya.

"Nag-aalala ka ba sa kanya?" Napalingon ako kay Mags dahil sa tanong n'ya.

"Mags, paano nabuhay ang babae kanina kung patay na s'ya nung huling beses mo s'yang nakita?" balik na tanong ko sa kanya nang hindi sinasagot ang tanong n'ya sa akin. Isa rin kasi iyon sa gumugulo sa utak ko, ang babaing duguan kanina.

"Oo nga. Nakakatakot ang kaninang babae," pahayag naman ni Mervin.

"Hindi pa ako sigurado kung anong uri ng virus ang ginawa ni Jenna pero base sa mga nakita at nasaksihan ko ay mas malala pa sa naunang virus ang dahilan kung bakit nabuhay ulit ang babaing 'yon," seryosong pahayag ni Mags.

"M-May bagong virus?"

"Oo."

"Alam mo ba kung paano makakahawa ang bagong virus?" tanong ko.

"Hindi. Ang makalabas sa ciudad na 'to ang tanging paraan para makaligtas tayo. Kung sa Lucifer's virus palang ay nahihirapan na ang mga eksperto paano pa kaya sa bagong varant ng virus?" pahayag ni Mags. "Isang leaked information ang nakuha ko. May dalawang araw na lang tayo para makaalis sa ciudad bago nila i-detonate ang mga bomba na nagkalat ngayon sa Redmond City."

"A-Ano? P-Plano nilang psabugin ang buong Redmond City?" kunot-noo kong tanong sa kanya. "M-Mags! S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Inihinto ni Mags ang sasakyan saka s'ya lumingon sa akin.

"Noong una ay hindi rin ako makapaniwala pero sa sitwasyon ngayon ng Redmond ay hindi nga malayong gawin nila 'yon," sagot n'ya na mas lalong nagbigay takot sa akin.

Hindi ko akalaing magagawa ng gobyerno ang gan'to.

"Sinisimulan na ba nila ang evacuation?"

"Walang evacuation na magaganap, Regan," sagot ni Mags saka n'ya muling pinaandar ang sasakyan. "Kapag sinabi nila 'yon ay magkakagulo ang mga tao mapaloob o labas man ng ciudad. Mass killing ang gagawin nila dahil halos lahat ng mga residente sa Redmond ay infected kaya hindi na maga-abala pa ang gobyerno na mag-evacuate," dagdag pa ni Mags.

Napakuyom ako ng mga kamao at tahimik na napahikbi dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Mga hayop sila! Anong klasing pag-iisip ba ang meron sila para pabayaan na lang nila kaming mamatay dito?

TAHIMIK ang buong byahe namin. Hindi ko magawang makatulog dahil sa posibilidad na manganib ulit ang buhay namin lalo pa ngayon na mas magulo na ang sitwasyon dito sa Redmond City.

"Nakakapagtaka," saad ni Mags. "Kasama mo ang sundalong 'yon pero hindi n'ya man lang sinabi sa inyo ang mangyayari sa ciudad na 'to."

Alam din pala ni Harris. Mapait akong napangiti at napadungaw sa bintana habang tinitingnan ang makulimlim na kalangitan.

Napilitan lang naman si Harris sa pagsama sa amin kaya hindi ako pupweding magtanim ng galit sa kanya kung hindi n'ya man pinaalam sa amin ang plano ng gobyerno. Kahit may alam si Harris ay hindi n'ya responsibilidad na sabihin 'yon sa amin lalo pa't top secret iyon.

Mabilis akong napaayos ng upo nang matanaw ang mga nakaparadang armoured vehicle ng mga sundalo.

"Nasa Southbound Exit na tayo."

Southbound Exit? Bigla kong naalala ang sinabi noon ni Harris.

"M-Mags kailangan natin makahanap ng ibang madadaanan. Imposibling makalusot tayo sa checkpoint."

"Anong ibig mong sabihin?" puno ng pagtatakang tanong ni Mags.

"Hindi ko rin alam pero 'yon ang sinabi ni Harris noon."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" dismayadong pahayag ni Mags.

"Hindi ko naman alam na dito pala ang ruta natin," depensa ko.

Hindi ko napansin na kasama na pala ang sasakyan namin sa dami ng mga kotse na nakahinto para sa checkpoint. Minanibela ni Mags ang minamanehong sasakyan pero bumangga ito sa kotse na nasa likuran namin.

"Mags," suway ko sa kanya kaya tumigil s'ya.

Bumaba ako sa sasakyan at tiningnan kung gaano na kahaba ang mga nakahintong sasakyan sa likuran namin. May pitong sasakyan sa likuran. Napansin ko rin ang pagharang nang mahabang bakal ng mga sundalo sa pinakahuling sasakyan na dumating.

Napalingon ako sa sigaw ng isang ginang na pwersahanng pinababa sa kotse n'ya na nasa checkpoint. Sumunod ang ilan pang mga sundalo na kumatok at sapilitang pinapababa ang mga tao na nasa loob ng mga sasakyan nila.

"Mags. Kailangan na nating umalis."

"Gisingin mo na ang mga bata," utos n'ya.

Kaagad kong ginising si Mervin at Rei. Wala pa sa tamang wisyo si Rei kaya binuhat ko na lanag muna s'ya.

"Ate Regan, ako na ang magdadala n'yan." Kinuha ni Mervin mula sa akin ang backpack kong dala at binuhat ito.

Maingat ang ginawa namin pagpuslit para hindi kami mahalata at makita ng mga sundalo.

Hindi na kami pweding bumalik pa. Ang magagawa na lang namin ngayon ay ang lusutan ang mga sundalong nakabantay sa Southbound Exit. Masyado nang malayo kung babalik pa kami. 

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon