Very, very short update!
Please don't forget to vote and comment.
Thank you and enjoy!
***
THIRD PERSON'S POV
Lakad-takbo ang ginawa ni Jamie habang pabalik sa laboratoryo kung saan s'ya pinapatawag ng ibang mga kasamahan. Ilang mga sundalo ang nakasalubong n'ya, they are all wearing brave faces, pero alam ni Jamie na sa likod ng maskarang iyon ay ang takot at pangamba ng mga ito.
Nang makarating sa lab ay laking gulat n'ya nang makita ang ginagawang pagliligpit ng mga kasamahang doktor.
"Anong nangyayari?" tanong n'ya sa isang doktor.
"Hindi mo ba nabalitaan? Bukas ng ala-singko magsisimula ang evacuation. Mas napapa-aga dahil na-detect na may nakapasok ng infected ng second virus dito. Kailangan na nating magmadali para makasama tayo sa first batch ng unang helicopter na aalis bukas," sagot sa kanya ng isang doktor.
Mabilis na lumabas ng laboratory si Jamie. Hindi n'ya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kasamahan at mas piniling puntahang muli ang kapatid para mabigyan ito ng babala.
Hindi pa s'ya nakakalabas ng base ng may malakas na kamay ang humila sa kanya papunta sa isang tagong sulok.
"E-Edward?" gulat n'yang saad nang makita ang kaibigan. "Anong ginagawa mo rito?"
"Wala na akong panahon para magpaliwanag," hinihingal na sambit ng binata. "Jamie, kailangan ko ng mga apparatus para mapag-aralan ang meron sa dugong 'to." Isang tube na may lamang nangingitim na dugo ang ipinakita ni Edward sa doktor.
"Ano 'yan?" naguguluhang tanong ni Jamie.
"Jenna Henderson's blood."
"P-Pero...paanong..."
Hindi makapaniwala si Jamie na hawak ngayon ni Edward ang dugo ng babaing nag-developed ng pangalawang virus.
"Wala na akong oras. Kailangan kong magamit ang laboratory ninyo?"
"S-Sige."
Kaagad na nagtungo ang dalawa sa isa pang laboratoryo sa base para doon mapag-aralan ang dugong magbibigay sa kanila ng kasagutan patungkol sa mga virus.
"Bukas na ang evacuation, hindi ba?" tanong ni Edward sa dalaga.
"Oo, pero mas mapapaaga 'yon dahil may nakapasok na ritong infected ng 2nd virus."
"Jamie, may importanteng pabor akong hihilingin sa'yo," panimula ni Edward. "Sa ICQ facility ay may dalawang bata 'ron ang naghihintay sa'yo. Ipinangako ko sa nagbigay ng dugong 'to sa akin na tutulungan kong makaalis ang mga bata 'yon dito sa Redmond City at para magawan'yon ay kakailanganin ko ang tulong mo."
"Hindi ko maipapangako na maisasama ko sila sa pag-alis ko rito lalo pa't sobrang higpit ng seguridad sa mga papaalis na evacuees pero gagawin ko ang makakaya ko, " pahayag ni Jamie.
Iniwan ni Jamie si Edward sa laboratory para puntahan ang dalawang batang tinutukoy nito. Sa pagpasok n'ya sa kwarto ay wala s'yang nadatnan doon. Isa-isa pa n'ya pinuntahan ang mga katabing kwarto ngunit wala rooon ang dalawa.
SAMANTALA, iyak nang iyak si Rei habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Mervin matapos mahiwalay sa mga kasama.
Ilang mga sundalo na humabol sa kanila kanina kaya naman napagdesisyonan ni Mervin na umalis sa kwarto kung saan sila iniwan ni Edward.
"Sssh. 'Wag kang maingay Rei. Baka may makarinig sa'yo," suway ni Mervin kay Rei.
Mahigpit ang hawak ni Mervin sa swiss knife na ibinigay sa kanya ni Mags. Kahit nanginginig sa takot ay matapang at disidido s'yang maprotektahan si Rei.
"Teka lang, Rei. Sisilipin ko lang kung may mga tao sa labas."
Kumuha ng upuan si Mervin at tumayo doon para maabot ang bintana. Pinagmasdan n'yang mabuti ang paligid, nagbabakasakaling makita n'ya ang isa sa mga kasamahan nila...at hindi nga s'ya nabigo.
"Ate Regan!" sigaw n'ya nang makita ang pamilyar na pigura ng babae na tumatakbo sa labas.
Sigaw nang sigaw si Mervin at ganun din ang ginawa ni Rei kahit hindi nito nakikita ang kapatid. Umaasa sila na marinig sila ni Regan pero imbis na atensyon ni Regan ang makuha nila ay hindi nila napansin ang taong nakatayo sa likuran nila.
Mabilis na tinakpan ng babae ang bibig ng dalawang bata dahilan para mag-panic ang mga ito.
"Ahhh," daing ng dalaga nang kagatin s'ya sa kamay ni Mervin.
"Wag kayong maingay, may paparating na mga sundalo. Ako si Jamie, pinapunta ako rito ni Edward para tulungan kayo."
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...