Chapter 7: The Alliance

726 51 2
                                    

HARRIS

Nang masiguradong nakaalis na si Ruffino ay nagpasya akong iwan na ang walang malay na babae at batang lalaki sa loob ng simbahan pero bago ko 'yon gawin ay binalikan ko muna ang bubwit na nagtatago sa sulok ng mga upuan.

"Hoy bubwit! Wala na 'yong pangit na lalaki."

Saktong pagdaan ko sa harap ng simbahan kanina ay nakita kong tumatakbo at umiiyak ang bubwit. Hindi ko na sana s'ya papansinin pero nakita n'ya ako. Ngawa s'ya nang ngawa habang sumisigaw ng 'ate' at nakakapit sa binti ko.

Hindi ko inaasahang makikita ko rito si Ruffino. Nakasama ko s'ya sa training noong nagsisimula pa lang ako sa pagiging sundalo at noon pa man ay demonyo na talaga ang lalaking 'yon. Sana ay ito na ang huli naming pagkikita dahil ang hirap magpigil na barilin sa mukha ng mayabang na 'yon.

Paalis na ako ng maramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa kamay ko.

"Gugutom ako." Bulol na sabi ni bubwit. Maga ang mga mata n'ya dahil sa sobrang pag-iyak at basa rin ang mukha n'ya habang pinupunasan ang sarili n'yang sipon.

Kinuha ko mula sa bag ang pagkaing meron ako at binigay iyon sa kanya. Akmang aalis na ulit ako ng bigla na naman s'yang umiyak.

"No! Stay ka rito!"

Napahilot ako ng sintido sa sobrang pagkadismaya sa batang kaharap ko. Sa totoo lang ay pwede ko namang pabayaan na lang s'ya rito hanggang sa may makarinig sa kanya na mga sundalo pero dahil umiiral na naman pagiging maawain ko na hindi dapat pinapairal sa ganitong panahon ay nakapagdesisyon akong manatili muna. Hihintayin ko na lang na makatulog ang bubwit na ito bago ako umalis.

Binalikan sa pwesto nila ang walang malay na babae at bata habang buhat si bubwit na walang tigil sa pagsubo ng pagkain.

"Ate ko." Nakangiwing saad n'ya. Nagpumilit s'yang bumaba kaya hinayaan ko na lang s'yang puntahan ang walang malay n'yang kapatid.

Pinuntahan ko naman ang batang lalaki na wala ring malay at tiningnan ang natamo n'yang pasa at mga sugat.

Napabuntong hininga ako dahil sa ginagawa kong pag-aasikaso sa mga taong hindi ko naman obligasyon.

Mula sa bag ay kinuha ko ang first aid kit ko para gamutin at talian ang injured na braso at hiwa sa bandang kilay n'ya. Mabilis akong napalingon sa direksyon ng magkapatid ng marinig ko ang pag-ubo ng babae kasunod nun ay ang pag-iyak ng bata. Tumakbo s'ya papunta sa akin at hinila ang damit ko.

"May dugo." Iyak ng bubwit.

Sa pangalawang pag-ubo ng babae na ngayon ay nakaupo na sa sahig ay ipinangtakip n'ya sa bibig n'ya ang kamay n'ya at nang alisin n'ya iyon ay doon ko malinaw na nakita ang dugo na iniubo n'ya.

"I—kaw." Hindi makapaniwalang saad n'ya ng makita ako.

"Mahiga ka," utos ko sa kanya na kaagad n'ya namang sinunod.

"B-Bakit?"

"Wala akong gagawing masama sayo," paglilinaw ko.

Kaagad kong hinawi ang tela sa bandang tiyan n'ya at doon ko nakita ang latay n'ya. Kahit papaano ay may alam din ako sa paggagamot dahil trained din kaming mga sundalo sa medical.

Halos mamilipit s'ya sa sakit dahil ginawa kong pagdiin sa tiyan n'ya.

Nang makabawi s'ya ay doon ko na in-apply ang fist aid na kailangan n'ya. May hiwa rin s'ya sa bandang noo at pisngi kaya nilagyan ko iyon nang bandaid. Kung hindi siguro ako dumating ay baka mas malala pa ang naging lagay nilang dalawa.

NAALIMPUNGATAN ako ng maramdaman kong may lumilikot sa bandang dibdib ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang bubwit na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakadantay sa dibdib ko ang maliliit n'yang paa.

"Pasensya ka na sa kapatid ko. Nagising ka tuloy." Mabilis akong napalingon sa babae. Suot nito ngayon ang jacket na ibinigay ko sa kanya kagabi. "H-Harris. Tama ba? Salamat nga pala kagabi," dagdag nito.

Tinitigan ko lang s'ya at walang imik na tumayo. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay napagdesisyunan kong umalis.

"Teka!" Pagpigil sa akin ng babae. Pero imbis na lingunin s'ya ay nabaling ang atensyon ko sa batang lalaki na nakatayo sa harap ko ngayon.

"S-Sundalo ka rin ba?" tanong n'ya. Nanlilisik ang mga mata n'ya habang nakatitig sa akin.

"Oo." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Mga mamamatay tao kayo! Hindi porket may baril kayo at suportado kayo ng gobyerno ay may karapatan na kayong pumatay ng mga inoseting tao!" Galit na galit na sigaw ng batang lalaki.

Hindi ko sinangga ang mahihina n'yang suntok at paghampas sa akin. Hinayaan ko lang s'yang ilabas ang galit n'ya sa aming mga sundalo. Hindi ko s'ya masisisi. Marami kaming ginawa na hindi katanggap-tanggap sa mata ng maraming tao.

Nang mapagod s'ya sa ay napaupo s'ya sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak. Nakita ko ang paglapit ng babae sa bata at mahigpit itong yinakap.

"Pinatay ng mga sundalo ang mga magulang namin." Panimula ng babae kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi madali at talagang nakakabaliw pero sigurado akong nakabantay sila sa atin ngayon. Baka nga chi-cheer pa nila tayo ngayon 'e," pagak na napatawa ang babae. ",kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa dahil siguradong sumugal sila sa'yo na makakaya mo ang pagsubok na 'to rito."

"Ako nga pala si Regan at Rei naman ang pangalan ng limang taong gulang kong kapatid. Plano namin na umalis sa Redmond City. Sumama ka sa amin," pahayag ni Regan.

Bumaling s'ya sa akin at doon palang ay alam ko na ang gusto n'yang sabihin.

"Labas na ako d'yan sa plano mo. Wala akong panahon para mag-alaga ng mga bata."

"Tsk. Hindi ka namin kailangan!" sigaw ng batang lalaki.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi n'ya. "Kaya pala gan'yan ang lagay mo ngayon." Sarkastikong kong saad.

Nakita kong napanguso n'ya bago muling yumakap sa babae.

"Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mong protektahan kami pero kasi...ahmm. ah eh, pwede mo ba kaming samahan hanggang sa makarating ka sa destinasyon mo?" tanong ng babaing nagngangalang Regan. "Hihiwalay kami kapag nandoon ka na."

Mas mauuna akong makakarating sa pupuntahan ko bago pa sila makalabas ng Ciudad. Hahayaan ko silang bumuntot sa akin pero kapag nagkagipitan na ay kanya-kanya na kami.

Ito na ang huling beses na tutulungan ko sila. 

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon