MERVIN
"Wag kayong maingay, may paparating na mga sundalo. Ako si Jamie, pinapunta ako rito ni Edward para tulungan kayo," pahayag ng babaing nakasuot ng puting lab coat.
Mukha naman s'yang makapagkakatiwalaan.
Kaagad kaming lumapit sa babae ng marinig ang mabibigat na yabag na papalapit sa kinaroroonan namin.
Tinulungan kami ni Ate Jamie na magtago sa ilalim ng mesa bago n'ya harapin ang mga sundalo ng mag-isa.
"May problema ba? May narinig kaming ingay na nanggagaling dito." Narinig kong sabi ng isang sundalo.
"Wala. Siguro ay galing ang ingay sa labas," sagot ni ate Jamie.
Mabilis naman naniwala ang dalawang sundalo at agad na umalis.
Tumakbo ako papunta sa upuan malapit sa bintana at muling pumatong dun para hanapin ulit si Ate Regan pero bigo akong makita s'ya ulit.
"Halina kayo. May ilang oras na lang tayo para sa first batch ng evacuation. Kailangan nating umabot doon para makaalis tayo sa lugar na 'to," pahayag ni ate Jamie.
"Paano si Ate Regan...si Ate Mags at Harris," tanong ko.
"Si Harris? Kilala n'yo ang kapatid ko?"
"Opo!" sagot ni Rei.
"Kapatid ko si Harris. Hindi ko alam kung si Regan o si Mags ang kasama n'ya ngayon pero sigurado akong hindi n'ya papabayaan ang kasama n'ya. Sa ngayon ay kailangan muna nating umalis dito."
Tumango kami bilang pagsang-ayon sa kanya at humawak sa kamay n'ya. Malalaki ang mga hakbang ni Ate Jamie kaya para kaming tumatakbo ni Rei makasabay lang sa kanya.
Isang napakalakas na pagsabog ang narinig namin at sa pagbukas ng pinto ay laking gulat ko ng makita ang mga taong nagkakagulo sa labas.
"Dito tayo."
Imbis na lumabas ay lumiko kami sa isang pasilyo kung saan walang katao-tao.
"May alam akong shortcut dito," saad pa ni Ate Jamie.
Hindi ko matandaan ang mga pasikot-sikot na daang dinaanan namin at kung ilang hagdan ang inakyat namin. Basta paglabas namin ng pinto ay ingay na ng mga helicopter ang naririnig namin.
Siksikan at tulakan ang nangyayari. May dalawang helicopter ngayon ang nasa himpapawid habang pinapapasok isa-isa ang mga tao sa parang kulungang nakakabit sa helicopter. Ano bang tawag dun? Basta 'yon na 'yon, mukha itong kulungan. Kapag tumutunog ang pulang ilaw sa kulungan ay may pinapababa na mga tao ang bantay. Tinitimbang kasi nito ang bigat ng buong sakay sa kulungan.
Dahil wala namang pila ay nakipagsiksikan na lang din kami nina ate Jamie at Rei.
"Ate!" sigaw ko nang mabitawan ni ate Jamie ang kamay ko.
Pinilit kong isiniksik muki ang sarili ko sa kumpulan para abuting muli ang kamay ni Ate Jamie pero isang malakas na kamay ang biglang humila sa likod ng damit ko dahilan para mapaupo ako sa malamig na semento. Sa sobrang takot ko ay nanatili lang akong nakaupo habang yakap-yakap ang mga binti ko.
"Bata!" Narinig kong sigaw ni ate Jamie kaya mabilis akong napa-angat ng tingin.
"Bata!" sigaw naman ni Rei.
Tumayo ako at sinundan ko ang boses ng dalawa.
"Ahhh!" sigaw saka muling nakikipagsabayan sa siksikan at tulukan ng mga tao.
Kaya gusto ko ng lumaki kasi kapag ganitong palakasan ay walang laban ang batang katawan ko.
Ilang minuto rin akong nakipagbuno sa mga tao at nang marating ko ang unahan parte ay doon ko na nakita ang malaking helicopter na nasa himpapawid.
"Bataaaaaaa!" sigaw ni Rei kaya mabilis ko s'yang hinanap.
"Rei!" balik kong sigaw saka ko tinungo ang kinaroroonan nila ni ate Jamie.
Hingal na hingal ako nang nakalapit sa kanila. Mabilis na kumawala si Rei mula sa pagkakakarga ni ate Jamie at yumakap sa akin ng mahigpit.
"Bata! 'San ka galing?" Inosenting tanong ni Rei sa akin.
"Tara na!" tawag sa amin ni Ate Jamie. Kami na pala ang sunod na sasakay.
Nang tuluyang umangat sa eri ang kulungang kinalalagyan namin ay doon ko lang nakita ang sitwasyon ng buong lugar.
Nakakatakot!
Hindi ko akalaing magiging war zone ang buong lugar.
"Makakaligtas sina ate Regan, diba?" Nag-aalalang tanong ko kay ate Jamie habang mahigpit ang hawak sa kamay n'ya.
"Oo. Tiwala akong makakauwi sila sa atin ng ligtas."
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...