THIRD PERSON'S POV
Abala si Miranda habang nag-aayos ng kanyang mga gamit para sa pag-alis n'ya bukas. Nakarating na sa kanya ang plano ng gobyerno patungkol sa pagpapasabog ng buong ciudad kaya naman aligaga na s'ya sa pagliligpit ng mga gamit na dadalhin n'ya pero kaagad na naagaw ang atensyon n'ya nang makarinig ang kalabog mula sa ibabang palapag ng kanyang bahay.
Kaagad n'yang kinuha ang katabing remote at hininaan ang volume ng TV.
"Bob! Ikaw ba yan? Come here boy!" tawag s'ya sa alagang aso.
Nakaawang ng kaunti ang pinto ng kanyang kwarto kaya madali na lang para sa alaga n'ya na makapasok.
"Bob?"
Dahil nakapatay ang mga ilaw sa labas ng kwarto ay hindi n'ya gaanong maaninag ang pigurang nakatayo malapit sa pinto. Malakas na napasigaw si Miranda dahil sa gulat nang makita ang katawan ng asong inihagis sa kanyang harapan.
Wakwak ang tiyan nito kaya kitang-kita n'ya ngayon ang mga lamang loob ng alaga.
"S-sino ka?!" sigaw ng doktor na mabilis na tumakbo sa gilid ng kanyang kama. "H-Herard? Anong ibig sabihin nito!" tanong ni Miranda ng makita ang mukha ng trespasser.
Si Herard, ang kanyang abogado.
"Sa tingin mo ba ay basta-basta na lang kitang papaalisin matapos ang kademonyohan mo, Miranda?"
Hawak ni Herard ang isang mahaba at duguang kutsilyo. Ito ang ginamit n'yang pangpatay sa alaga ni Miranda at iyon din ang gagamitin n'ya sa pagkitil sa kanyang dating kliyente.
"Noong una ay gusto talaga kitang tulungang makalusot sa awtoridad dahil nga matagal na tayong magkaibigan at marami ka na ring naitulong sa pamilya ko pero..." iniangat ni Herard ang polong suot kaya tumambad sa harap ni Miranda ang malaking sugat nito sa dibdib.
Kitang-kita ngayon ng doktor ang nakaluwang kanang tadyang ng lalaki dahil sa sugat na dulot ng virus.
"...pero nang ako na ang makaranas sa epekto ng virus na ginawa mo ay doon na nagbago ang isip ko. Napagtanto ko kung gaano ako katangang abogado para iligtas ang demonyong katulad mo."
"M-May gamot ako! M-May gamot na ako sa virus. Hayaan mo akong tulungan ka, Herard," pangungumbinsi ni Miranda sa lalaki.
"Hindi ba't iyan din ang sinabi mo kay Alyana bago mo s'ya patayin? Nakalimutan mo bang naikwento mo 'yon sa akin dahil sa takot na masira ang pangalan mo. Sa tingin mo ba ay mahuhulog ako sa gasgas mong patibong?"
Dahan-dahan ang ginawang paglapit ni Herard kay Miranda.
"Huwag kang lalapit!" Matapang na sigaw ni Miranda.
Mabilis na kinuha ni Miranda ang wine bottle na nakapatong sa bedside table n'ya saka n'ya ito hinampas sa dingding upang makagawa ng patalim mula sa bote pero bago pa man s'ya makagawa ng atake ay kaagad na s'yang nalapitan ni Herard saka nito ibinaon sa tagiliran n'ya ang kutsilyong hawak nito.
Hindi na nadepensahan ng doktor ang sarili dahil nahawakan na ng lalaki ang kamay n'ya na may hawak na bote.
"Masakit ba, doktora?" nakangising tanong ni Herard sa kanya. "Simula palang 'yan, Miranda," dugtong nito bago bunutin ang kutsilyong nakabaon sa laman n'ya.
Napaluhod na lamang si Miranda dahil sa tamang natanggap n'ya. Humigpit ang hawak ng doktora sa boteng hawak-hawak n'ya bago buong pwersa na ibinaon ang talim sa paa ng lalaki.
"Ahhh!" sigaw ni Herard na ngayon ay namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ni Miranda. "P*tangina mong babae ka!"
Kaagad na tumayo si Herald at pinulot ang nabitawang kutsilyo. Hinila n'ya ang buhok ni Miranda at pwersahang pinaharap ito sa kanya.
Malakas na napasigaw si Miranda dahil sa ginawang paghiwa ni Herard sa kanyang tiyan.
"Papahirapan kita hanggang sa malagutan ka ng hininga." Nakangising pahayag ng lalaki. "Tama ba ang ginagawa ko, Miranda? Ganito ba ang tamang pag-bisect, huh? Hindi ko akalaing gan'to kasaya ang paghiwa ng laman ng tao."
Nang tuluyang mahiwa ni Herard ang tiyan ni Miranda ay ipinasok n'ya ang kamay n'ya sa sugat ng doktor saka n'ya inilabas ang mga lamang loob nito.
Napahiyaw si Miranda nang hilahin isa-isa ni Herard ang mga lamang loob n'ya.
"Teka. Patay ka na ba?"
Nang makompirmang hindi na humihinga si Miranda saka lang n'ya linubayan ang katawan ng doktor. Naupo s'ya sa tabi ng bangkay at tahimik lang na nakatitig sa kawalan.
"A-Anong g-ginawa ko..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Herard habang sapo ang ulo.
Tumayo s'ya mula sa pagkakasalampak sa sahig bago lumabas sa veranda ng kwarto ni Miranda. Naupo s'ya sa railing at pinagmasdan ng ilang segundo ang bilog na bilog na buwan bago itutok ang talim ng kutsilyo sa dibdib n'ya at tumalon mula sa pangalawang palapag ng bahay.
Mabilis na namatay ang lalaki dahil sa pagbaon ng kutsilyo sa puso n'ya kasabay ng pagbagsak ng katawan n'ya sa semento.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...