REGAN
"Ate Regan!"
Mabilis akong napalingon ng marinig ang boses ni Mervin. Magkahawak kamay sila ni Rei habang nakatayo sa huling baitang ng hagdan. Akmang tatakbo na sana si Rei papunta sa akin ng pigilan s'ya ni Mervin.
Mabilis kong itinuro ang isang sasakyan na malapit sa dalawa. Nakuha naman ni Mervin ang ibig kong sabihin kaya mabilis n'yang hinila si Rei at doon nagtago.
Tanaw ko si Ruffino na kakababa lang ng sasakyan. Isang malaking baril ang nakasabit sa dibdib n'ya habang palinga-linga sa paligid at hinahanap ako.
Maingat at tahimik akong gumapang papunta sa ilalim ng sasakyang katabi ko habang puno pa rin ng takot ang dibdib ko. Mahigpit ang hawak ko sa revolver dahil doon ko ibinubuhos ang kabang nararamdaman ko.
Wala na akong bala. Hindi magtatagal ay mahuhuli n'ya rin ako.
Sh*t! Ano nang gagawin ko ngayon?
Nakita ko ang pares ng dalawang sapatos na lumagpas mula sa pinagtataguan ko kaya nakahinga ako ng kaunti pero ilang segundo lang ang lumipas ng bigla s'yang huminto sa paglalakad. Pigil-hininga ang ginawa ko nang umikot s'ya pabalik.
F*ck! Alam na n'ya bang nandito ako?
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan...pagnahanap ko kayo...pasensyahan tayo..." pakantang pahayag nito na nagbigay kilabot sa akin.
Tahimik ang ginawa kong paggapang paatras ng makitang pabalik na s'ya sa direksyon ko. Damn! He knew!
Halos takasan ako ng kaluluwa ng barilin n'ya ang sasakyang katabi lang ng pinagtaguan ko. Lakad-takbo ang ginawa ko habang nakayuko at nagtatago sa likod ng mga sasakyan para makatakas mula sa kanya.
Napasigaw ako nang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril papunta sa direksyon ko. Mabuti na lang mabilis akong nakatakbo at nakapagtago sa malaking poste dahil kung hindi ay baka butas-butas na ngayon ang katawan ko.
"Aba! Magaling ka palang umiilag, Miss!" Papuri ni Ruffino na nagpaikot ng mga mata ko.
May new discovered talent ako. T*ngina! Bukod sa makipaghabulan sa bala ay kaya ko rin pala silang ilagan.
Nang silipin ko si Ruffino ay abala s'ya sa paglalagay ng bala sa baril n'ya. Nagtama ang paningin namin kaya mabilis akong bumalik sa pinagtataguan ko.
Nginisihan pa ako ng loko. Nakakairita!
"Suko na ako!" sigaw ko bago lakas-loob na lumabas sa pinagtataguan ko. Nakataas ang dalawa kong mga kamay sa ere para ipakita sa kanyang susuko na talaga ako.
"Huh! Hindi ko inaasahanag susuko kaagad, Miss," nakangising saad. "Nagi-enjoy pa akong makipaghabulan sa'yo. Tsk. You just ruined the fun."
Wala na akong maisip na paraan para talunin ang kumag na 'to. Bago ko pa man maubos ang bala n'ya ay baka wala nang mapaglagyan ang butas sa katawan ko. Siguro ay sinuwerte lang ako kanina kaya ko natakasan ang mga pagbaril n'ya sa akin.
Kailangan kong mailayo sa kanya sina Rei at Mervin.
"Tss. Teka, nasaan nga pala si Harris? Gusto kong bawian ang g*gong 'yon dahil sa ginawa n'ya sa akin!"
"W-Wala s'ya rito."
"Hindi ba't magkakilala kayo? Kaya ka nga n'ya niligtas, diba?" tanong n'ya habang naglalakad papalapit sa akin. "Ikaw sana ang balak kong gamitin para makaganti sa kanya. Mukha kasing close kayong dal'wa."
Bago pa man s'ya tuluyang makalapit sa akin ay isang humaharurot na kotse ang bigla na lang bumangga kay Ruffino.
Tumilapon si Ruffino at humandusay sa ibabaw ng isang sasakyan dahil sa impact ng pagbagsak n'ya rito.
"Sakay na!" sigaw ni Mags na s'yang nagmamaneho ng sasakyan kaya dali-dali akong naupo sa shotgun seat.
"Sina Rei at Mer–ahh!" sigaw ko nang paulanan kami ng bala ni Ruffino.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Mags sa sasakyan kaya nakalayo rin kami. Itinuro ko kay Mags ang kinalalagyan nina Mervin na kaagad n'ya namang pinuntahan.
"Ate!" mangiyak-ngiyak na sigaw ng kapatid ko na kaagad na yumakap sa akin at ganun din si Mervin.
"Mags, may bala ka ba para sa revolver?" tanong ko.
"Hanapin mo d'yan sa bag. Alam mo naman ang itsura nun diba?"
Tumango ako kahit ang totoo ay hindi ko alam. Susubukan ko na lang kong magkakasya sa revolver ang bala na madudukot ko. Nakakahiya naman sa kanya kung sabihin kong hindi ko talaga alam.
Nang tingnan ko ang bag na tinutukoy ni Mags ay napangiwi ako at napakamot ng batok. Halo-halo kasi ang mga baril at bala sa loob ng bag n'ya. Halatang minadali n'ya ang paglalagay nito.
Kinabahan ako nang makita ang ilang granada at iba pang pampasabog sa bag. Para bang may giyerang pupuntahan si Mags dahil sa dami ng dala n'yang mga sandata.
"Nahanap mo ba?" tanong n'ya sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Bago ko pa man s'ya makasagot ay tumama na ang pisngi ko sa bintanang katabi ko dahil sa biglang pagliko at pagpreno ni Mags.
"I-Imposible," saad ni Mags. Narinig ko ang sigaw ng dalawang bata sa likuran kaya mabilis akong napalingon sa kanila. Bakas ang takot sa mukha nila habang nakaturo sa unahan.
Sinundan ko ng tingin ang itinuturo nila at doon ko nakita ang duguang babae na nakatayo ngayon sa harap ng kotse.
"Mags, mukhang kailangan n'ya ng tulong."
"Hindi!" asik n'ya saka n'ya muling inapakan ang gas at binangga ang duguang babae. Tumilapon ng ilang metro ang babae sa lakas ng ginawang pagbunggo sa kanya ni Mags.
"Mags!" suway ko sa kanya.
"Hindi mo naiintindihan! Dapat ay patay na s'ya!" sigaw n'ya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
Hindi ko maintindihan. Kung napatay n'ya na ang babaing 'yon ay bakit nakatayo pa rin ito?
"Ako mismo ang pumatay sa kanya! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagkamatay n'ya sa harap ko."
Itinigil ni Mags ang sasakyan saka s'ya lumabas bitbit ang isang baril. Lumapit s'ya sa nakahundusay na babae at walang pag-aalinlangang pinagbabaril nang paulit-ulit ang ulo nito.
Pagpasok ni Mags sa loob ay hinahabol nito ang kanyang hininga. Doon ko lang napansin ang duguan n'yang balikat.
"Kailangan natin magamot ang sugat mo."
"Wala na tayong oras, kailangan na nating makaalis dito," pahayag n'ya bago muling paandarin ang kotse.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...