Chapter 17: The New Virus

477 36 0
                                    

Just a short update!

Don't forget to vote and comment!

Thank you.

***

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang nagkakagulo ang mga doktor at iba pang mga eksperto sa loob ng isang laboratoryo dahil sa natanggap nilang video mula sa hindi kilalang tao.

Samantala, patago naman ang ginawang pagkuha ni Dr. Jamie ng litrato sa video bago ito ipadala sa kanyang contact.

Isang tawag ang kanyang natanggap na kaagad n'yang sinagot. Lumabas s'ya sa laboratoryo upang kausapin ang importanting tao na nasa kabilang linya.

"Kilala mo ba ang tao sa video?" tanong ni Jamie habang pinapakiramdamang mabuti ang kanyang paligid.

"Hindi," sagot ng binata. "Sigurado akong hindi s'ya isa sa mga tauhan ni Miranda," dagdag pa nito.

"Edward, isang bagong developed virus ang ginawa ng taong 'yan. Mismong s'ya pa ang nagpadala ng video rito sa headquarter. Sa ngayon ay tini-trace na ng awtoridad ang nasabing doktor. At kung totoo man ang sinasabi n'ya na mas malala pa ito sa Lucifer's virus ay mukhang kailangan na nating maghanda."

"A-Alam ko. Sigurado na ba ang gobyerno sa plano nila? Hindi na ba magbabago ang isip nila?" sunod-sunod na tanong ng lalaki sa kaibigang doktor.

"Oo. Mukhang malabong baguhin nila ang nailatag ng desisyon," pahayag ni Jamie. "May tatlong araw na lang tayong natitira. Sa makalawa ay total evacuation na kami rito sa headquarters. Umalis ka na sa ciudad Edward habang maaga pa."

"O-Oo pero may kailangan pa akong gawin bago ko lisanin ang Redmond, Jamie," pahayag ng bintana bago ibaba ang tawag.

Dismayadong pumasok si Dr. Jamie sa laboratoryo at muling pinanood ang video na nasa screen. Mayamaya pa pumasok ang tatlong sundalo sa laboratoryo na umagaw ng atensyon ng mga eksperto.

Kilala n'ya ang isa sa mga sundalo. Si Lieutenant General Masiglat.

"Luitenant,"

"Dr. Jamie. Maaari ba kitang makausap?"

Tumango lang bilang sagot ang doctor at kaagad na sumunod palabas ng laboratoryo.

"Natukoy na ng mga tauhan ko ang taong nasa video at nahanap na rin namin ang lungga nila. Isang lider ng mafia group ang doktor na nasa video na nagngangalang Jenna Henderson. Pero alam mo ba ang mas ikinagulat ko? Hindi ko inaasahang hawak nila ang kapatid mo."

"Si Harris?" gulat na saad ni Dr. Jamie.

"Huwag kang mag-alala. Ligtas ang kapatid mo at hawak s'ya ngayon ng mga tauhan ko. Hostage s'ya ng mafia at hindi miyembro ng grupo kung iyon ang pinag-aalala mo."

NAKALATAG ngayon sa harap ni Edward ang mga gamot at produkto ni Dra. Miranda. Malalim ang kanyang iniisip habang tinitingnan ang hawak na record.

"Kumalat ang virus sa iba't ibang parte ng mundo kahit wala naman itong physical contact sa infected at wala ring mga travel history sa bansa ang mga biktima. Kung tama ang hinala ko ay maaaring nasa mga gamot ang problema," bulong ni Edward sa sarili.

Ilang araw na s'yang walang pahinga at tulog dahil sa paghahanap n'ya ng ksagutan kung bakit mabilis na kumakalat sa iba't ibang panig ng mundo ang Lucifer's virus.

Matapos n'yang makatakas sa kulungan ay kaagad n'yang pinag-aralang mabuti ang sangkap ng mga produktong gawa ni Miranda. Matagal na n'yang pinaghihinalaan na mula sa mga produckto ang ugat ng pagkalat ng virus.

Iyon ang kanyang aalamin ngayong may pagkakataon na s'ya.

Gusto n'yang linisin ang kanyang pangalan. Noong una ay gusto n'yang patayin si Miranda dahil sa ginawa nito sa kanya pero nang makatakas s'ya ay doon s'ya nalinawan. Kailangan n'ya munang alamin ang totoong dahilan ng pagkalat ng virus para tuluyang mapabagsak si Miranda.

He was used. Hindi n'ya hahayaang mamuhay nang marangya at tahimik si Miranda.

Pagbabayarin n'ya ito at iyon ang sisiguraduhin n'ya.

HABANG gumagawa ng kanyang report ay isang mensahe ang natanggap n'ya mula sa kaibigang doktor. Kaagad n'ya itong tinawagan dahil sa kuryusidad patungkol sa bagong virus.

Dismayado si Edward sa kanyang mga nalaman. Hindi lang dahil sa bagong virus kundi pati na rin sa desisyon ng gobyerno.

Matapos n'yang gawin ang report patungol sa mga nalaman ay kaagad n'yang ipinadala sa email ni Dr. Jamie ang copy ng report. Totoo nga ang hinala n'ya, sa produkto ni Miranda nagmula ang pagkalat ng mga virus.

Nagpasya s'yang puntahan ang dating clinic ni Miranda. Ilang oras din ang naging byahe ni Edward pero bago pa man s'ya makarating sa Southbound Exit ay nagulat s'ya sa nakitang checkpoint sa area.

Mabilis na minanibela ni Edward ang sasakyan para sana lumayo sa lugar pero huli na dahil ilang mga sundalo ang humarang sa kanya. Ganun din ang ginawa ng iba pang mga sundalo sa ilan pang mga sasakyan.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon