Chapter 2: The Escape

1.1K 66 3
                                    

REGAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REGAN

3 MONTHS LATER

Name: Reagan Dawnson
Age: 19 years old
Gender: Female

Name: Rei Dawnson
Age: 5 years old
Gender: Male

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong maramdaman ang malamig na pader sa likuran ko. Dahan-dahan akong napasalampak sa sahig habang hinahabol ang aking hininga. Kagaya ko ay ramdam ko rin ang matinding kapaguran ni Rei habang nakayakap s'ya sa akin.

Kaagad kong kinuha ang water bottle mula sa backpack na dala ko at pinainom ang limang taong gulang kong kapatid.

Halos isang oras na nang iwanan namin sina mama at papa. Saktong pag-alis namin ay s'ya ring pagdating ng mga sundalo sa bahay. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at doon palang ay alam ko na ang ginawa nila sa mga magulang ko.

Mga hayop!

Naramdaman ko ang luhang dumaloy sa magkabila kong pisngi. Wala na sila at kahit kelan ay hindi ko na ulit makikita't mayayakap ang mga magulang ko.

Mahigpit ang ginawa kong pagyakap sa kapatid ko. Kahit na anong mangyari ay aalagaan at pu-protektahan ko si Rei katulad nang ipinangako ko kay papa. Wala akong pakialam kung kapalit nun ang buhay ko.

Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang sitwasyon ng Redmond City, ang ciudad kung saan nagsimula ang nakamamatay na virus na kung tawagin ngayon ay Lucifer's virus. Isa na ito ngayong pandemic na kumakalat sa iba't ibang parte ng mundo. Sa pangatlong buwan ay pumalo na sa 90% ang infected ng virus sa Redmond City. Ito ang nangungunang ciudad na may pinakamataas na kaso mapalabas o loob man ng bansa dahil dito sa lugar na 'to nagsimula ang lahat.

Dito naisipan ni Lucifer na maghasik ng kasamaan n'ya...sa bayan ko.

Sa ngayon ay nahuli na ang may pakana ng pagkalat ng virus. Si Edward Sy, isang nurse na s'yang nag-develop ng gamot na ginawa ni Dra. Miranda Faller, isang sikat na dermatologist sa Redmond City.

Ayon sa investigation ay nagsimula ang sakit sa pasyenting si Alyana dela Cruz. Wala raw kaalam-alam si Dra. Miranda na tinurukan ng kanyang assistant na si Edward ng virus si Alyana. Sa ngayon ay hindi pa alam ng awtoridad kung bakit iyon ginawa ng nurse dahil patuloy pa rin itinatanggi ni Edward na wala s'yang kinalaman sa paggawa ng virus na kabaliktaran naman sa mga sinasabi ni Dra. Miranda.

Hindi pa rin nabibigyang linaw kung sino ba talaga ang may sala. Nakapiit na sa kulungan si Edward Sy, samantalang malaya pa rin si Dr. Miranda na s'yang pinaniniwalaang inosente at isa rin daw biktima.

Hindi pa lubos matukoy ng mga doctor at scientists kung paano nalilipat ang virus sa panibagong host. Maraming nagsasabi na airborne ang sakit. May haka-haka naman na through saliva, pawis at through contact sa infected person kaya kumakalat ang virus pero sa pamilya namin ay hindi iyon ang nakikita kong mga dahilan.

Si mama ang unang naging biktima ng virus. Wala s'yang contact sa sino mang infected at isa pa, hindi rin naman kami nahawaan ni Rei kahit pa halos dalawang buwan namin nakasama si mama sa bahay habang ginagamot ang mga sugat n'ya.

Sa kaso naman ni papa, iyon ang hindi ko ngayon maipapaliwanag kong paano n'ya nakuha ang virus. Kung airborne ang sakit ay sana nadapuan na rin kami ni Rei at iba pang survivors ng Redmond City.

Nang makita kong mahimbing ng natutulog si Rei ay dahan-dahan ko s'yang inilapag sa sahig. Nasa isang abandonadong building kami. Dito muna kami magpapalipas ng gabi. Plano kong lumabas dito sa ciudad pero bago 'yon ay kailangan muna naming malampasan ang mga sundalong nagkalat sa iba't ibang parte ng Redmond City.

Sa ngayon ay nasa Orange Level o mas kilalang Lethal Execution na ang buong ciudad. Ibig sabihin nito ay mas mahigpit at brutal pa kumpara sa martial law ang ipinatutupad ngayon ng gobyerno. Mismong ang mga sundalo na ang tatapos sa mga infected person na nagtatago at tumatakas sa awtoridad. Kailangan kasing i-quarantine ang mga infected pero kapag nilabag mo ang gobyerno ay doon na papasok ang mga sundalo.

Maraming infected ang nagtatago ngayon dahil pinaniniwalaang wala naman talagang isinasagawang quarantine ang gobyerno. Iniipon nila ang mga infected saka nila ito papatayin. Iyon ang kumakalat ngayon na balita kaya marami ang tumatakas at nagtatago.

Isang malaking graveyard ang Redmond City at kung hindi kami aalis ngayon ay baka isa na kami sa mga susunod na ililibing dito. Walang gamot sa virus kaya wala rin kaming dahilan para manatili pa rito ni Rei. Ayaw kong dumating ang araw na kami naman ang mahawaan kaya mas mabuti pang umalis na lang kami.

Iniwan ko muna si Rei sa isang sulok para magmasid sa lugar. Madilim at malamig ang paligid na talaga namang nagbigay ng matinding kaba sa akin habang nililibot ng tingin ang buong kapaligiran.

Sa tatlong buwang pagsasara ng buong ciudad ay nagmistulang ghost town ang buong lugar. Sa mga palabas ko lang 'to noong nakikita pero ngayon ay nangyari na sa totoong buhay.

Isang masangsang na amoy ang halos magpabaliktad sa sikmura ko. Kahit gaano pa kakapal ang suot kong face mask ay amoy na amoy ko pa rin ang nakakasulasok na amoy na iyon. Nang buksan ko ang isang kwarto ay doon na mas lalong lumakas ang amoy dahilan para tuluyan na akong mapasuka.

Nakatambak sa loob ng kwarto ang mga naagnas na bangkay. Lasug-lasug na ang mga katawan nila habang suot pa rin ang pangsundalo nilang uniporme.

Kaagad akong napa-alerto nang marinig ang ilang kaluskos sa paligid. Hindi ako gumawa ng ingay mula sa kinatatayuan ko at nang masiguradong walang ibang tao ay malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang kinaroroonan ng kapatid ko pero kaagad din akong natigilan ng makita ang isang sundalo na buhat-buhat ang walang malay kong kapatid.

Madilim ang paligid kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng sundalo. Matangkad ito at may matipunong pangangatawa kaya siguradong wala akong laban sa kanya. Natatakot ako pero mas natatakot ako para sa kapatid ko.

Hindi lang ang Lucifer's virus ang kalaban ng mga residente dito sa Redmond City kundi pati na rin ang mga sundalo na walang awang kumikitil ng buhay ng mga inosenteng tao. Sila ang pangalawa sa virus dito sa ciudad.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon