Chapter 28: The Lost

423 28 0
                                    

Another short update!

Don't forget to V O T E and
C O M M E N T!

Enjoy!

***

MAGS

Nagising ako nang maramdaman ang kakaibang init sa katawan ko. Hindi ito ang normal na temperatura ng isang tao. Para akong nakababad sa napakainit na tubig sa lagay ko. Tagaktak ang pawis sa katawan ko at malalim ang paghinga ko.

Kasabay ng pagbangon ko mula sa pagkakasalampak ko sa sahig ay ang biglang pag-ikot ng paningin ko. Kitang-kita ko kung paano umikot ang kwartong kinalalagyan ko. Muli akong naupo at pinakalma ang sarili ko. Sumisipa rin paminsan-minsang pagsakit ng balikat ko dahil sa sugat na kagagawan ni Jenna.

Nang habulin kami kanina ng apat na sundalo ay doon na kami nagkahiwa-hiwalay ni na Mervin, Rei at Edward.

Ipinagkatiwala ko kay Edward ang dugo ni Jenna. Sa tingin ko kasi ay may kakayahan s'yang tukuyin ang mayroon sa pangalawang virus na deniveloped ni Jenna.

Alam kong masyado pang maaga para pagkatiwalaan si Edward pero wala na akong ibang choice. Ramdam ko na ang epekto ng virus sa katawan ko. Hindi magtatagal ay maaaring mawala ako sa katinuan ko kaya naman hindi na ako nag-alinlangang ibigay ang blood sample sa taong may kakayahang pag-aralan ito.

Sinabi ni Edward na wala s'yang kasalanan sa pagkalat ng Lucifer's virus pero wala na akong pakialam kung sa ikabubuti o ikasasama n'ya pa gagamitin 'yon.

Mamamatay na rin naman kasi ako.

Nang tanggalin ko ang benda sa balikat ko ay nakita ko ang unti-unting pagsasara ng sugat ko.

Kinuha ko ang maliit na punyal sa bewang ko at pinaikot-ikot yun sa kamay ko. Hindi ko alam kong ilang minuto ko 'yon pinaglaruan. Namalayan ko na lang na nakabaon na ang punyal sa balikat ko. Noong una ay nagulat pa ako pero hindi nagtagal nang makita ko ang sarili kong nilalagari ang balikat ko gamit ang punyal na hawak ko.

Masakit ba?

Hindi?

Oo?

Ipagpapatuloy ko ba?

Sige lang!

Naramdaman ko ang pagtama ng talim nito sa buto ko.

Matigas!

Kailangan kong lagyan ng pwersa ang punyal na hawak ko para maputol ang butong 'yon!

Tama!

Lakasan mo pa!

Hindi ko alintana ang mga dugo at lamang tumatalsik sa mukha't katawan ko. Ang gusto ko lang ay tanggaling ang parte 'yon ng katawan ko na nagpapahirap sa akin.

Mabilis akong napalingon sa sigaw ng isang lalaki. Nang tingnan ko ito ay nakita kong wala na itong panga habang nakatayo at nakatitig sa akin. Kaagad ako lumapit sa kanya at pinaulanan s'ya ng saksak sa kanyang mukha. Nang mapansin kong hindi na ito gumagalaw ay nagpasya na akong lubayan ito at lumabas na lang.

"Hoy!" sigaw ng sundalo nang makita ako.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Saan ako pupunta?

Ano nga ulit ang gagawin ko?

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang may tumatama sa bewang ko. Nang lingunin ko ito ay doon ko nakita ang nakalaylay kong braso.

Oo nga pala! Kailangan kong putulin ang balikat ko.

Akmang ididikit ko naman sana sa laman ko ang punyal nang may isang kamay ang bigla na lang tumulak sa akin.

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba!" Bulyaw sa akin ng sundalo.

Humarap ako sa kanya at mabilis na isinaksak sa kanang mata n'ya ang punyal ko. Nagsisigaw s'ya sa sakit. Binunot ko sa mata n'ya ang punyal ko at tiningnang mabuti ang dugo na naiwan sa blade nito.

Bakit kulay pula ang dugo n'ya samantalang itim naman ang sa akin?

Lumapit ako sa sundalo at muli itong sinaksak. Paulit-ulit ang ginawa kong pagsaksak sa dibdib n'ya dahilan para bumulwak ang napakadaming dugo mula sa mga sugat na nagagawa ko sa katawan n'ya.

Ang daya! 'Bat ang ganda ng kulay ng dugo n'ya!

"Mags!" tawag ng isang babae sa akin. "M-Mags, anong nangyari?" dahan-dahan akong napa-angat sa kanya.

"R-Regan," saad ko. Tumayo ako saka naglakad papalapit sa kanya.

Ano kaya ang kulay ng dugo n'ya?

"Regan!"

Napalingon ako sa lalaki na tumawag kay Regan. Tunutukan n'ya ako ng baril pero agad na humarang si Regan sa pagitan namin para hindi ituloy ng lalaki ang binabalak n'ya.

"Huwag!" Pagpigil ni Regan sa lalaki. "Mags, ibaba mo ang kutsilyo mo."

"Maggie, uminahon ka," wika ng lalaki na bigla na lang sumulpot kung saan.

"Edward Sy."

Sa kanya ko ibinigay ang dugo ni Jenna!

Tama, sa kanya nga!

"Oo, ako nga. Huwag mong hahayaang kontrolin ka ng virus na nasa katawan mo?"

Virus?

Oo nga pala. Infected ako ng second virus!

"Hayaan mong gawan ko ng solusyon ang sakit mo. Kailangan kita para mapag-aralang mabuti ang pangalawang virus. Tulungan mo ako."

"Sige," mabilis kong sagot kay Edward bago maglakad papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad kong iniangat sa ere ang hawak kong punyal. Akmang sasaksakin ko na sana s'ya nang may tumamang kung ano sa likod ng ulo ko at bumaon 'yon sa mata ko.

Bumagsak ako sa damuhan.

Naguhuluhan ako bakit wala akong maramdamang sakit? I want to feel pain for the last time.

Unti-unting nalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong kainin ng kadiliman.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon