Epilogue

917 48 18
                                    

Nagawa naming makaalis sa ciudad nang buo at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano 'yon nagawa nina Harris at Edward.

Halos kalahating buwan akong walang malay dahil sa mga natamo kong mga sugat matapos ang mga nangyaring at paggising ko ay doon ko na nalaman na tuluyan nang nabura at naging abo ang Redmond City.

Isinantabi ni Harris ang huli n'yang misyon na pagligtas sa ciudad. Sa pangamba na kumalat ang pangalawang virus palabas ng Redmond ay doon na s'ya nagdesisyon na ituloy ang pagbomba sa buong ciudad.

Tanging mga eksperto lang na katulad ni Edward at Dr. Jamie ang nakakaalam sa bagong virus at hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin nila ito.

Napatunayan ni Edward na hindi s'ya ang may gawa at nagpakalat ng Lucifer's virus pero kahit ganun ay may ilang kaso pa rin s'yang kinaharap dahil naging accomplice s'ya ni Dr. Miranda sa naging operasyon sa unang biktima ng virus. May pagkakataon s'yang pigilan si Miranda pero hinayaan n'ya lang ito na gamitin ang gamot na puno't dulo ng Lucifer's virus.

Kaagad din na ipinatigil ang pagma-manufacture ng mga produktong gamot ni Dr. Miranda dahil iyon ang dahilan kung bakit naging mabilis ang pagkalat ng virus.

Hindi pa tapos ang pakikipaglaban ng mundo sa Lucifer's virus. Kasalukuyang nagkakaroon ng mass testing para sa possibling vaccine ng virus. Malupit ang kinahinatnan ng Redmond City pero kahit ganun ay patuloy pa rin na lumalaban ang iba pang mga ciudad at bansa para maiwasan nila na matulad sa Redmond.

Naging babala para sa marami ang kinahinatnan ng Redmond City.

Paano ko nga ba mailalarawan ang mga naging karanasan ko sa ciudad na dulot ng virus? Ayoko namang sabihin na impyerno dahil hindi pa naman ako nakakapunta 'ron. Ang masasabi ko lang ay ayoko na ulit danasin ang ganun kalupit na pangyayari sa buhay ko.

Isa 'yong malaking truma sa buhay naming mga taga-Redmond na habangbuhay naming dadalhin hanggang sa pagtanda namin.

"Ate Regan!" tawag sa akin ni Mervin. "Talaga bang aalis na tayo? Hindi ka na ba mapipigilan ng sundalong 'to?" tanong sa akin ni Mervin sabay turo kay Harris na tahimik lang na kumakain. Napa-angat s'ya ng tingin nang marinig ang pangalan n'ya.

Natatawa namang napasubo ng kanin si Dr. Jamie. Hindi ko alam kung bakit.

"Kung gusto mo ay dumito ka na lang kina Harris. Hindi naman kita pipiliting sumama sa amin, Mervin."

"Pero baka ma-miss n'yo ako. Lalo na ni Rei."

"Kapal ng mukha," narinig kong bulong ni Harris. "Akala mo naman ang layo ng paglilipatan," dugtong pa n'ya.

"Hoy! Naririnig kita!"

"Hindi ka ba tinuruang gumalang sa mas nakakatanda sa'yo, huh?" inis na tanong ni Harris.

"Sa'yo lang hindi! Ate Jamie oh!" Sumbong ni Mervin kay Dr. Jamie.

"Ano ba naman kayong dalawa. Para kayong mga aso't pusa," dismayadong pahayag ni Dr. Jamie.

Simula ng maka-survive kami sa Redmond City ay sa bahay na ng magkapatid kami pansamantalang tumira. Nagmagandang loob sina Dra. Jamie na buksan ang bahay nila para sa amin kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon