Just a short update!
Still, don't forget to V O T E and C O M M E N T!
Enjoy!
***
THIRD PERSON'S POV
Hindi mapakali si Miranda habang may kung anong binabasa sa hawak n'yang cellphone.
"Hayop ka Edward! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang kupkupin at pagtapusin sa pag-aaral ay ito ang igaganti mo sa akin!" Nanggagalaiting bulong ni Miranda sa sarili. "Bakit kasi hindi n'ya na lang saluhin ang bintang sa kanya! Inutil talaga!" dagdag pa ng doktora habang pabalik-balik sa paglalakad sa kwartong kinaroroonan n'ya.
Mabilis na dial ni Dra. Miranda ang kanyang pinagkakatiwalaang abogado.
"Paanong nangyari na nakatakas si Edward sa kulungan? Paano na lang kung balikan ako ng hayop na 'yon?!" asik ni Miranda. Bakas din sa mukha ng babae ang takot matapos malaman ang balitang nakarating sa kanya.
"Sa ngayon ay iniimbestigayan pa ng awtoridad ang nangyari. Nagkalat na rin ang mga pulis at sundalo sa paghahanap sa dati mong estudyante kaya wala kang dapat na ikatakot, Miranda." Kampanting pahayag ng abogado ni Miranda.
"Siguraduhin mo lang Herald dahil kung hindi ay kasama kang babagsak sa akin!" pagbabanta ni Miranda bago tuluyang ibaba ang tawag.
Suot ang puting lab gown ay muli s'yang bumalik sa kanyang trabaho. Hawak n'ya ngayon ang record kung saan nakatala ang iba't ibang uri ng mga pampagandang produkto na nagkalat sa iba't ibang panig ng mundo.
Ayon sa kanyang manufacturer sa State at Europe ay patuloy pa rin ang pagma-manufacture ng mga produkto n'ya. Kahit may mga bansa na under lockdown dahil sa virus ay wala pa rin tigil ang paglabas at pagpasok ng mga likhang produkto n'ya.
Iba't ibang uri ng gamot at mga pampaganda ang kanyang nagawa na sumikat sa iba't ibang bahagi ng mundo kaya naman walang duda na kilang-kilala si Miranda bilang dermatologist at business woman.
Bukod kay Edward at sa virus, may isa pang malaking problema ngayon ang sikat na doktor.
Bago pa man n'ya nalaman ang resulta sa naging operasyon kay Alyanna na s'yang unang naging biktima ng tinatawag na Lucifer's Virus ay isinama na n'ya ang formula ng virus sa mga ingredients ng mga nauna na n'yang mga produkto dahil sa pag-aakalang successful na iyon.
Hindi airborne, through saliva o pawis ang dahilan kung bakit mabilis kumakalat ang infectious virus na naunang ibinalita at naging haka-haka kundi dahil sa mga gamot na kasalukuyang under exportation at importation sa buong mundo.
Ang pagpapatigil ng manufactoring ng mga produkto n'ya ay isang malaking kahibangan para sa kanya. Halos dalawang dekada naging matunog ang pangalan n'ya sa publiko mapalabas o loob man ng bansa at ayaw n'yang masira ang pangalan n'ya ng dahil sa virus.
Sa ngayon ay s'ya palang ang nakakaalam nun. Kahit ang dating assistant n'yang si Edward ay hindi alam ang ginawa n'ya.
Ang maprotektahan ang pangalang 'Dra. Miranda Faller' ang pangunahing prioridad ng doktor–wala nang iba.
"Matatapos din ang lahat ng ito. Hahayaan ko ang mga magagaling na scientists na maghanap ng antidote sa virus. Bahala na ang gobyerno na komuntrol sa problemang ito, basta ang mahalaga ay hindi madawit ang pangalan ko," bulong ng doktora sa sarili.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...