HARRIS
Muli kong nilagyan ng panibagong magazine ang hawak kong armalite habang nakatago sa isang poste na nagsisilbing pananggalang ko mula sa mga balang nagsisiliparan papunta sa akin.
Sa ngayon ay wala pa namang butas ang katawan ko sa halos kalahating oras na pakikipagdigma sa mga armadong tauhan ni Jenna.
Anong kuta ba ang napasok ko at hindi maubos-ubos ang mga hinayupak na 'to?
Kapag hindi ko tinapos kaagad ang labang 'to ay siguradong ako ang unang mauubusan ng bala.
Nang marinig kong hindi na ganun kadami ang putok ng baril sa paligid ay ako naman ang naglakas-loob na sumugod at bumaril. Sunod-sunod ang ginawa kong pagpapaulan ng bala at sa bawat balang pinapakawalan ko ay walang palya itong tumatama sa katawan ng kalaban.
Hindi ko alam kung sinuswerte lang ako o talagang sharp shooter ako. Yeah, sometimes I even doubt myself.
Tumakbo ako papunta sa wasak na pader na naghihiwalay sa akin mula sa mga armadong mga kalalakihan para muling magtago at mag-reload. Isang bangkay ng lalaki ang nakita kong nakahandusay malapit sa akin. Plano ko sanang kunin ang baril at bala n'ya nang mapansin ko ang isang granada na hawak nito.
Kinuha ko mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki ang granada at agad na inihagis sa mga kalaban.
Parang sumabog din ang tenga ko sa tindi at lakas ng pagsabog. Paika-ika akong naglakad palabas ng building pero bago pa man ako makalabas ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin.
T*ngina!
Bakit ngayon pa sila dumating?
"Ibaba mo ang baril mo at itaas mo ang dal'wa mong kamay!" maawtoridad na sigaw ng isang sundalo.
Napapalibutan na nila ako. Wala akong laban sa kanila kaya naman sinunod ko na lang ang utos sa akin. Dahan-dahan kong ibinaba ang baril ko pati na rin ang iba ko pang sandata bago 'yon sipain palayo sa akin.
Napaluhod ako ng may sumipa sa binti ko. Pinusasan nila ako bago itulak papasok sa armored vehicle.
NANG makarating kami sa kung saang lupalop man ng Redmond nila ako dinala ay kaagad nila akong ikinulong sa interrogation room. Mula sa malaking salamin na katabi ko ay sigurado akong may iba pang tao na pinapanood ang bawat paghinga at paggalaw ko rito sa loob.
Mayamaya pa ay isang naka-unipormadong lalaki ang bigla na lang pumasok hawak ang isang folder. Naupo s'ya sa harap ko habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Base sa tatlong star na nasa uniporme nito ay isa s'yang Lieutenant General.
"Second Lieutenant Harris Cross," panimula n'ya.
Sa laki ng boses at tapang ng itsura n'ya ay matatakot talaga ang mahihina ang loob na haharap sa kanya. Napangisi na lang ako habang nakikipagsukatan ng tingin kay General.
"Nasaan ang iba mo pang mga kasmahan? I've heard they were all infected...except from you."
"Patay na sila."
"Nagawa mong itakas ang mga kasamahan mo para patayin din sila sa huli. Isa kang magaling na platoon leader pero masyado kang malambot at maawain. Ano ang pagkakaiba kung kami ang papatay sa kanila? Kung isini–"
"Malaki," pag-putol ko sa kanya. "Kung kayo ang pumatay sa kanila ay mas impyerno ang sasapitin nila sa inyo. Alam ko kung gaano kabaluktot ang paraan ng pagpatay n'yo sa mga sundalong infected," pahayag ko.
Ang pagsunog ng buhay sa mga infected ng virus ay isang impyerno para sa mga taong humihinga pa. Hindi ko katanggap-tanggap ang pamamaraan nila. Imbis na bigyan nila ng agarang atensyon ang mga infected ay mass killing ang ginagawa nila. Hindi lang sa mga sundalong infected kundi pati na rin sa taong bayan na dapat sana ay pinoprotektahan nila.
"Maganda ang pinaglalaban mo Lieutenant, pero sa tingin mo ba ay masasalba pa natin sila? Sabihin na nating makagawa nga ng antidote ang mga eksperto. Sa palagay mo ba talaga ay parang magic na maibabalik at maililigtas ang mga naaagnas nilang mga katawan?" Humalakhak s'ya na mas lalong nagpasama ng loob ko.
G*go!
"Ang antidote ay para lang sa pagpatay ng virus at hindi nun maibabalik sa dati ang nakakadiri nilang mga balat. Kung iyon ang inaakala mo ay himala na ang hinihinga mo at hindi na 'yon sa'yo maibibigay ng eksperto," dagdag pa n'ya.
"Hindi mo talaga naiintindihan! Karapatang pantao ang pinag-uusapan dito! Oo nga't halos mabulok na ang balat ng mga biktima pero hindi tayo diyos para bawian sila ng buhay!" asik ko habang matalim ang tingin sa kanya.
Kung hindi ako nakaposas ay baka lumipad na ang kamao ko papunta sa mukha ng matandang 'to. Pinapainit n'ya ng ulo ko.
"Nagtataka tuloy ako kung paano ka naging isang sundalo at lider ng platoon mo. Masyadong malambot ang puso mo para maging isang sundalo."
"Kalagan mo ako para malaman mo! I can kill you without hesitation. Wala akong pakialam kung heneral ka pang hayop ka!" asik ko pero parehong nalipat ang atensyon namin sa pinto ng pumasok ang isang naka-unipormadong sundalo na may mababang ranggo.
May ibinulong ito sa General.
"Mukhang kailangan ko munang putulin ang pag-uusap natin, Lieutenant Harris. Babalik ako," saad ng matanda bago ito lumabas ng kwarto.
Para bang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko kanina. Tsk.
Marahas akong napahilamos ng mukha at napasandal sa kinauupuan ko.
Tarantadong kausap ang matandang 'yon! Ang sarap n'yang paslangin. Ang mga katulad n'yang walang awa ang dapat na infected ng virus at hindi ang mga inosente't walang laban.
Pagkaalis ng Genral ay dumating ang tatlong sundalo na mukhang maghahatid sa akin sa pansamantalang paglalagyan ko.
Sa halos kalahating oras na byahe kanina ay sigurado akong wala kami ngayon sa headquarter. Isang itong built-in base.
Paglabas namin ay kitang-kita ko ang mga armored car, police vehicle at mga nagkalat na mga sundalo't pulis sa paligid. Mayroon ding mga helicopter na nagpapatrol sa palibot ng built-in base. Para bang may kung ano silang pinaghahandaan.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa isang sundalong kasama ko.
"Nasa Southbound Border tayo," pabulong n'yang sagot sa akin.
"Leeroy!" sita sa kanya ng isa sa mga kasamahan n'ya.
Hindi ko akalain na ganito kahigpit ang checkpoint sa Southbound Exit.
Noong una ay tutol ako na dumaan dito dahil kilala ko ang platoon na naka-assign sa area na 'to pero sa nakita ko kanina ay hindi lang isang platoon ang mga nandidito.
Parang buong headquarter ng sundalo at mga pulis ang nasa area na ito.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...