Chapter 24: The Riot

456 36 5
                                    

REGAN

"Harris–"

"Kung tungkol kay Mervin at Rei ang sasabihin mo ay hindi kita matutulungan. May misyon din akong kailangang tapusin." Pagputol sa akin ni Harris na tuluyang nagpabagsak ng mga balikat ko. Ilang sandali akong natahimik dahil sa sinabi n'ya bago ko iangat ang tingin ko at tipid na ngumiti sa kanya.

Huwag pilitin ang ayaw. Wala akong ibang choice kundi gawin ang paghahanap sa kanila nang mag-isa.

"G-Ganun ba. Sige, pasensya na sa abala," saad ko. Naglakad ako papalayo sa kanya pero bago pa man ako makalabas sa kwarto ay may kamay nang pumigil sa akin.

"Lalabas kang gan'yan ang lagay mo?" kunot-noong tanong ni Harris. Mabilis kong chineck ang sarili ko. Bukod sa wala akong sapin sa paa ay 'yon lang naman ang napansin kong mali sa akin.

"Leeroy, nasaan ang control room sa lugar na 'to?" tanong ni Harris sa sundalong kasama namin ngayon.

"Nasa kulay asul na container van. Sa likod ng built-in base," sagot ni Leeroy.

Bago ko pa man matanong si Harris sa plano n'ya ay mabilis na s'yang nakalabas ng kwarto at iniwan kami.

Anong gagawin n'ya?

"Hahanapin n'ya sa CCTV ang dalawang batang kasama mo," pahayag ni Leeroy na para bang nababasa n'ya ang nasa isip ko. Creepy.

Pero akala ko ba wala s'yang balak na tulungan ako? Bakit bigla na lang nagbago ang isip n'ya?

"Bukod sa dalawang batang kasama mo ay may kailangan din s'yang hanapin na konektado sa misyon n'ya," dagdag pa ni Leeroy.

"Kaibigan ka ba ni Harris?" usisa ko kay Leeroy. Kung makapag-salita kasi s'ya ay parang alam n'ya ang lahat ng plano ni Harris.

"Hindi. Kahapon ko lang nakilala ang wanted na sundalong 'yan! Haist. Patay ako nito kapag nalaman ni General na tinutulungan ko ang lalaking 'yon," problemadong pahayag ni Leeroy.

Marami akong itinanong kay Leeroy. Hindi lang patungkol kay Harris kundi pati na rin sa mga plano ng gobyerno sa ciudad. Nilinaw n'ya sa akin ang wipeout na magaganap sa Redmond City at ang evacuation ng mga empleyado na manggaganap mamayang madaling araw.

Kung ganun ay totoo nga ang kawalanghiyaang gagawin ng gobyerno. Nakakasuka sila.

Mabilis kaming napadungaw ni Leeroy sa bintana nang marinig ang sigawan at sunod-sunod na putok ng baril sa labas.

"Anong mangyayari?" kabado kong tanong sa kanya nang makita ang nangyayaring riot sa labas.

Pinapaulanan ngayon ng mga sundalo ang mga nagsisitakbuhang mga sibilyan ng bala. Ang iba ay lumalaban habang ang iba naman ay bigla na lang bumubulagta sa lupa.

Isang malakas na hampas sa pinto at sigaw ang nagpaalerto sa amin ni Leeroy.

"Magtago ka," utos n'ya sa akin kaya kaagad akong nagtago sa sulok. Inilabas ni Leeroy ang kanyang baril at kaagad na lumapit sa pinto kung saan nanggagaling ang ingay.

"T-Tulong! Ahhhh!"

Sigaw iyon ng isang lalaki sa labas habang kinakalampag ang pinto ng kwartong kinalalagyan namin. Nang mawala ang ingay sa labas ay dahan-dahang binuksan ni Leeroy ang pinto at doon na nga tumambad sa kanya ang duguan at wala ng buhay na sundalo.

Impit akong napasigaw nang bumulaga sa harap ni Leeroy ang dalawang sibilyan. Isang matalim na bakal ang isinaksak nila kay Leeroy kaya naman tumagos iyon sa tiyan n'ya bago s'ya tuluyang mapaluhod at bumagsak sa sahig.

"Akala n'yo ba ay hindi namin malalaman ang plano n'yo?!" asik ng lalaki bago n'ya bunutin ang bakal sa sikmura ni Leeroy at malakas itong ihampas sa ulo ng kawawa at walang laban na sundalo. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko para itago ang ingay na nagagawa ng paghikbi ko.

Alam na rin ng mga sibilyan ang plano ng gobyerno kaya naman lumalaban na sila ngayon.

Tuluyan akong nakahinga nang maluwag ng makita ang paglabas ng dalawang lalaki matapos ang mabilis nilang pagmamasid sa loob ng kwarto.

Nanghihina akong napaupo sa sahig habang wala pa rin tigil sa pag-alpas ng mga luha ko dahil sa nasaksihan ko.

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang baril ni Leeroy. Hindi ko kayang sulyapan ang walang buhay n'yang katawan kaya mabilis ang ginawa kong pagtakbo palabas. Kailangan kong puntahan si Harris at mabalaan s'ya.

Habang tumatakbo ay isang malakas na pagsabog ang bigla na lang nagpayanig sa buong lugar.

Napadaing ako sa sakit ng bumagsak ang katawan ko sa semento dahil sa nakabulagtang katawan na pumatid sa akin. Kaagad akong bumangon at tinungo ang sinasabi kanina ni Leeroy na container van kung saan matatagpuan ang CCTV room pero bago pa man ako makapasok ay isang ginang na may malaking sugat sa mukha ang sumalubong sa akin.

"Infected ka rin ba?" tanong n'ya sa akin. Dahan-dahan akong umiling bilang sagot sa kanya.

"Isa ka rin sa kanila! Mga demonyo kayo!" galit na galit na asik sa akin ng babae.

Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang duguang itak kaya mas lalo akong nanigas sa kinatatyuan ko pero bago n'ya pa man maitarak 'yon sa akin ay dalawang magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko. Nang bumagsak ang katawan ng babae ay doon ko lang nakita kung sino ang may gawa nun.

"Harris!"

"Nasaan si Leeroy?"

"P-Patay na s'ya," sagot ko.

"Kailangan mong makasama sa evacuation. Tara na!" pahayag nito kaya kaagad akong sumunod sa kanya. "Nalaman na nila ang plano ng gobyerno. Mayamaya lang ay mas lalong gugulo ang lugar na 'to," dagdag n'ya pa.

"Paano sina Rei,"

"Kasama sila ngayon ng kapatid ko. Sigurado akong isasama n'ya sa evacuation ang dalawang bubwit," pahayag ni Harris kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Salamat sa diyos at ligtas sila.

"Kasama rin ba nila si Mags?" tanong ko kay Harris pero kinunutan n'ya lang ako ng noo.

Oo nga pala. Hindi n'ya pa nakikilala si Mags.

"Wala ng ibang babae na kasama sina Rei at Mervin bukod sa kapatid ko. S'ya lang ang kasama ng dalawa sa CCTV footage na nakita ko," sagot n'ya sa akin.

Nasaan si Mags? Sana ay ligtas s'ya.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon