REGAN
"Mags!" sigaw ko.
Kaagad kong linapitan ang nag-aagaw buhay na katawan ni Mags. Butas ang kanang mata n'ya dahil sa ginawang pagbaril sa kanya ni Harris.
"M-Mags."
Napahagulgol na lang ako nang maramdamang hindi na s'ya humihinga. Nakadilat pa ang isa n'yang mata kaya naman ako na mismo ang nagsara nito.
Nanginging ang mga kamay ko na kinuha ang hawak n'yang duguang punyal.
"P-Patawad," wika ng lalaking lumapit sa akin.
Mabilis kong itinutok ang punyal sa leeg ni Edward.
Kasalanan n'ya ang lahat ng 'to! S'ya ang dahilan kung bakit naging impyerno ang lugar na 'to! Hindi aabot sa gan'to ang sitwasyon ng Redmond City kong hindi n'ya ginawa at ikinalat ang virus.
"A-Anong ginagawa mo rito! Hindi ba dapat nasa kulungan ka?!" asik ko.
Wala s'yang karapatang maging malaya matapos ang ginawa n'ya sa cuidad na 'to.
Tahimik lang itong nakatitig sa bangkay ni Maggie na para bang panlulumo ito sa nangyari.
"Nandito ako para tumulong," saad n'ya na nagpakunot ng noo ko.
"G-Gusto mong tumulong? Nagpapatawa ka ba!"
Anong klasing tulong ang magagawa n'ya ngayong katapusan na ng buong ciudad ng Redmond?
"Regan!" Mabilis na inagaw sa akin ni Harris ang punyal na hawak ko kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Isa ka pa!" asik ko. "Bakit mo ginawa 'yon kay Mags!"
Sa maikling panahon kong pagkakakilala kay Mags ay kaibigan na ang turing ko sa kanya. Marami s'yang naitulong sa amin. Hindi ko magagawang makarating dito ng buhay kung wala ang tulong n'ya. Utang na loob ko sa kanya ang lahat kung bakit ligtas ngayon sina Mervin at Rei.
"Walang kasalanan si Edward sa lahat ng mga nangyari sa Redmond City," pahayag ni Harris.
"M-Magkakilaka kayo?"
"Kaibigan s'ya ng kapatid ko kaya natural na kilala ko ang taong 'yan," sagot n'ya. "Hindi ito ang tamang oras para magpaliwanag ako. Umalis na tayo," dugtong n'ya bago n'ya ako talikuran.
"Hindi ako sasama hangga't kasama ang taong 'yan!" Pagmamatigas ko.
Sandaling napatigil si Harris bago ito humarap sa akin.
"Ikaw ang bahala," walang emosyong wika nito. "Edward, umalis na tayo!"
"P-Pero...paano s'ya?"
"Huwag nating pilitan kung ayaw," mariing saad ni Harris na nagpaigting ng panga ko.
Mapait akong napangiti bago sila talikuran at paika-ikang maglakad sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Hindi ko ibaba ang pride ko para sa demonyong 'yon! Namatay ang mga magulang ko at mawawala ang kinalakihan kong tahanan dahil sa virus n'ya!
Nagkalat ang mga patay, sira-sirang sasakyan at apoy sa daang binabagtas ko. Hindi ko akalaing darating ang araw na hindi na paraiso ang lalakaran ko kundi impyerno dahil sa tanawing nakikita ko.
Mukhang dito na nga talaga matatapos ang lahat para sa Redmond City.
Habang paika-ikang naglalakad ay isang armoured vehicle ang bigla na lang tumigil sa harap ko. Bumaba ang dalawang sundalo at pwersahan akong ipinasok sa sasakyan.
"Anong ginagawa n'yo! Pakawalan n'yo ako!" sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas.
"Uminahon ka ma'am. Pare-parehas tayong mga sundalo sa gyerang 'to kaya tulungan tayo rito," wika ng lalaking may benda sa ulo. Napalingon ako sa katabi n'yang lalaki na duguan ang pisngi dahil sa hiwa nito.
Oo nga pala. Nakasuot nga pala ako ng pang sundalong uniporme.
"Nakita ka naming mag-isa at sugatang naglalakad kaya tinulungan ka na namin."
"S-Salamat."
Pero sana hindi n'yo ako kinaladkad. Madadaan naman ako sa mahinahong usapan.
"S-Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko.
"Dahail mas lumala pa ang sitwasyon sa headquarter ay napagpasyahang mas paagahin pag-detonate sa bomba ng ordinal area ng cuidad. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinaaga ang evacuation. Kailangan nating lumayo ng ilang kilometro dahil sa magiging impact ng pagsabog sa Southwest at Southeast Area," paliwanag sa kanya ng sundalong may benda sa ulo.
"Paano n'yo madi-detonate ang bomba? Nasa inyo ba ang control device?"
"Oo. Nakay Lieutenant General Masiglat. Nasa shotgun sit s'ya ng sasakyang 'to."
Silipin ko ang General sa maliit na bintanang nasa unahan ko at doon ko nakita ang may katandaang lalaking may hawak ng itim na briefcase na sa tingin ko ay ang control device ng mga bomba.
Iyon ang hinahanap ni Harris.
"Hindi ganun kalakas ang magiging impact ng pagsabog dito sa Southbound. Ang iniisip lang namin ay baka maapektuhan nun ang control device kaya para makasigurado ay kailangan nating lumayo. Mabuti na ang sigurado."
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Abala ang dalawang sundalo habang nililinis ang kanilang baril. Pinanood ko sila habang ginagawa nila 'yon. Pinag-iisipan ko pa kasi kung anong dapat na gawin lalo pa't nasa isang sasakyan lang kami ng device na kailangan ni Harris.
Nanakawin ko ba? Baka bago ko pa man mahawakan ang case ay baka butas na ang ulo ko.
"Dito na ba tayo?" tanong ng isang sundalo.
Sumilip ang matabang sundalo sa maliit na bintanang naghihiwalay sa amin sa driver seat.
"Humanda kayo. May humarang sa ating mga sibilyan," babala nito na nagpabalik ng kaba ko.
Mabilis din akong dumungaw sa bintana ay doon ko nakumpirma ang dalawang kotse na nakaharang sa dinadaanan namin.
"Ma'am."
Iniabot sa'akin sundalong may sugat sa pisngi ang isang mahabang baril at isang granada.
"W-Wala ka bang mas maliit na baril?"
"Wala. 'Yan na lang din kasi ang mga natirang baril dito" sagot n'ya sa akin.
Isang katok mula sa bintana ang nagpa-alerto sa amin.
"General Masiglat?"
"Kailangan ko ng sapat na oras para ma-detonate ang bomba."
"Walang problema, Gen. Kami na ang bahala."
"Mag-iingat kayo."
"Handa ka na, pre?" tanong ng sundalo sa partner nito.
"Oo," sagot nito bago bumaling sa akin. "Ma'am, cheer mo naman kami."
Sa kabila ng ngiting nakasilay sa labi nila ay ramdam ko ang takot sa dalawang sundalo.
"M-Mag-iingat kayo!"
"Cheer ba 'yon?" pabirong tanong sa akin ng sundalo. "Salamat," saad nito bago tuluyang bumaba ng armoured vehicle.
BINABASA MO ANG
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...