SIMULA

2.2K 196 7
                                    

SILIP


Ika-30 ng Disyembre pasado alas onse ng gabi.


"Aking binibini, dalian mo ang iyong kilos baka maabutan tayo ni ama!" natataranta niyang wika.


"Sandali lang mahal ko at ako'y matatapos ng mag balot ng ating mga mahahalagang kagamitan." ako'y napalingon sa kanyang kinatatayuan at bakas sa kaniyang mukha ang takot na baka mahuli kami ng kanyang ama. "Aking iniirog, huwag kang matakot sa kadahilanang hindi ako lilisan sa iyong tabi. Hindi kita iiwan. Malalagpasan din natin ang lahat ng ito, aking ginoo. Magtiwala ka lamang." sabay na hinaplos ko nang marahan ang kanyang pisngi upang siya'y pakalmahin habang ako'y nakatitig sa mala asul niyang mga mata.Nagulantang ang aking mga kalamnan nang hatakin niya ang aking bewang papalapit sa kaniya gamit lamang ang kaniyang palad. Napatigil sandali ang aking hininga ng magdampi ang aming mga katawan.


Ako'y nakakaramdam ng kakaibang init!


"Gi-ginoo, a-anong ginagawa mo? Ba-baka may makakita sa atin!" pilit kong kinakalas ang mga braso niyang nakapalupot sa aking bewang ngunit mas lalo lamang niya akong hinigit papunta sa kanya.


Pinagsasamantalahan niya ang aking kahinaan!


Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang ginawa na mas lalong nagbigay init sa aking katawan.


Hindi ko na kinakaya ito!


"Ba-bakit mo dinikit ang iyong labi sa aking..." natigilan ako.


"Sa aking?" nakangisi niya pa ring saad na tila nang aasar pa. "Ahh, ito ba ang iyong ibig sabihin?" mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang muli na naman niyang nilapat ang kanyang labi sa aking labi!


"Gi-ginoo!" hindi ko makapaniwalang tawag sa pangalan niya.


Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ang bagay na iyon.


"Wala akong nakikitang mali roon aking sinta sapagkat ikaw ay aking mapapangasawa na." halos umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. "Haha. Bakit ang pula ng iyong mukha, binibini? Ikaw ba ay naiinitan?" mapaglaro ang kanyang mga ngisi.


"A-ano ba ang iyong mga pinagsasabi? Hindi na kita mawari. O siya, tara na at baka paparito na ang iyong ama." biglang napawi ang kanyang mapaglarong ngiti. Kakawala na sana ako sa kanyang mga bisig nang mas higpitan niya pa iyon.  Napakunot ang aking noo na waring nagtatanong.


"Tuparin mo ang iyong sinabi, binibini. Mangako ka sa akin." hindi pa rin nawawala ang seryoso niyang mukha habang sinasambit ang mga salitang iyon.


"Ano ang iyong nais sabihin, ginoo?"


Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon