KABANATA V

1.6K 157 0
                                    

LIEBE


ELIZABETH'S POINT OF VIEW


Katatapos ko lamang maglinis sa ikalawang palapag at ngayo'y pababa na ako sa hagdan upang mag ayos at maghanda sa pagdating ni Madame Magdalena. Halos tumigil ang aking mundo at umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa aking nasaksihan na hindi kanais-nais sa paningin. Tila gusto kong sumabog sa galit at inis.


"Oh! Magandang araw sa iyo, binibini." isang malaking ngiti ang bumungad sa akin. Napakuyom ako ng kamao nang dumapo ang aking paningin sa kanyang hawak-hawak na mga papel. "Ah eto ba? Wala kasi akong magawa at nagustuhan kong magpunit ng mga papel at gawin iyong bapor pagkatapos papaliparin ko iyon sa ere." pinalibot ko ang aking tingin sa paligid at halos mapuno na ang mansyon sa daming papel na nakahugis bapor. Lumilipad ba sa ere ang bapor? Alam ko sa karagatan lang iyon ha? Pasaway talaga.


Napabuga ako ng hangin at naglinis nalang ulit ng kalat. Ahhh sobrang sakit na ng aking katawan sa kalilinis ng isang napakalaking mansyon dagdagan mo pa ng isang pasaway na binata. haynaku, buhay.


Nakita ko sa aking gilid na papaakyat siya sa ikalawang palapag at balak naman sigurong dumihan ang mahabang pasilyo roon na kakatapos ko lang linisan.


"SENYORITO! BUMABA KA RIYAN!" tumakbo naman siya palayo sa akin at hinabol ko naman siya habang hawak-hawak ko ang panlinis sa sahig.


Humawak ako sa aking dalawang tuhod at ginamit ko iyon bilang tungkod. Naghabol-hininga ako dahil sa pagod. Ang bilis niyang tumakbo at hindi ko siya mahabol-habol. Nang makabawi na ako ng lakas, tumakbo ulit ako at hinabol siya.


Nakita ko siya sa hindi kalayuan at patuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa—


*BOOGSH*


"GINOO!" tumakbo ako papalapit sa kanya at inalalayan siyang tumayo. "Ayos lang po ba kayo?" alala kong tanong sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin bagkus laking mata siyang nakatingin sa isang bagay na nasa harapan niya.


"Ayos lang ako pero ang mamahaling antigong ito, mukhang hindi."


Patay.


"Narito na si Madame Magdalena." napatingin naman kami parehas sa nagsalita na isa ring maninilbihan rito sa mansyon. Halos kumawala ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok non at dahil iyon sa sobrang kaba at takot.


"Anong nangyayari rito?" maawtoridad niyang tanong atsaka lumapit sa amin. Agad akong lumuhod sa harapan niya at idinikit ang aking ulo sa sahig upang magbigay galang.


"Maligayang pagbabalik sa mansyon, Madame Magdalena."


"ELIZABETH!" napasinghap ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig ni Madame Magdalena. Masama ito. "Kararating ko lang at ito agad ang maaabutan ko?! Hanggang ngayon wala ka pa ring kwenta!" nanatili lamang akong nakaluhod sa sahig at nakayuko ang aking ulo.

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon