KABANATA XIII

1.6K 118 0
                                    

KABANATA XIII


[MODERN PERIOD]


JANUARY 02, 2019


LIZA'S POINT OF VIEW


Bigla akong napabangon mula sa aking pagtulog habang habol-habol ang aking hininga. Gosh! Anong nangyayari sa akin? Masyadong napapadalas ang panaginip kong iyon. Saktong-sakto at maski maliliit na detalye, nakatatak sa utak ko. Ilang beses kong napapanaginipan ang ganung klaseng panaginip na pawang bangungot na para sa akin.


Napahawak naman ako sa pisngi ko at may nakapa akong tubig doon.


What the na naman?! Umiyak na naman ako?? Sunod ko namang pinakiramdaman ang tibok ng puso ko at sobrang bilis non! May kasama pang kirot dahilan para mapa aray ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at bakit sobra akong naaapektuhan sa panaginip na iyon. Feeling ko, nandoon ako sa lahat ng scene at sinusubaybayan ko ang love story nila Elizabeth at Leonardo and worst nakikita ko mismo ang sarili ko kay Elizabeth!!! May itsura sa panaginip ko si Leonardo pero tuwing paggising ko, nakakalimutan ko kung ano ulit ang itsura niya. Aishhh.


WTH?!


Kasalanan ni lola ang lahat ng ito! Nakakainis! Bakit ba kasi ako masyadong nagpapaniwala sa kwento niyang yon. Kahit bata pa ako nang ikwento niya sa akin iyon ay tandang-tanda ko pa rin kasi naman sobra kong hinahangaan ang pag iibigan nila ni ahh basta! Ayaw ko nang banggitin pa ulit. Badtrip. Noon lang naman iyon, hindi na ngayon. Dahil naniniwala akong imposibleng mangyari ang mga iyon. Sa totoo lang, ang creepy ng love story nila at aaminin kong... nabitin ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sa kwentong iyon dahil sumakabilang buhay na si lola at hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang book 2 ng kwentong iyon. Pero nevermind dahil hindi na ako interesado.


Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at pinakiramdaman ulit ang aking sarili. 


Okay lang ba talaga ako? Bakit parang naiiyak na naman ako? Bakit kumikirot at ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit nakakaramdaman ako ng sobrang kalungkutan?


Hindi ko matukoy kung dahil ba sa bangungot o dahil sa... break up namin ni Andrei? Aishh! Wala sa sarili 'kong binato ang isang unan sa kisame.


"Bwisit!" singhal ko. Nainis ako bigla dahil naalala ko na naman ang king 'inang vlog na yon. Masyado siyang madrama at NAPAKA SINUNGALING. 


Best Actor amp. Hakot award ang kingina.


Pero nakakainis! Sa kabila nang ginawa niya sa akin, MAHAL KO PA RIN SIYA! Langyang buhay 'to oo.


It's already twenty past nine in the morning. Masyadong napahaba ang tulog ko or should I say... ng mga pantasya sa panaginip ko. Damn it.


Lumabas na ako sa aking silid na suot pa rin ang pantulog ko. Bumaba ako na may matamlay na nakahulma sa aking mukha. Nagtungo ako sa kitchen na kung saan naabutan ko roon si daddy. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon