KABANATA X

1.6K 133 1
                                    

KATOTOHANAN


LEONARDO'S POINT OF VIEW


Pagkalipas ng limang buwan...


Sa aking pagbaba sa karuwahe, nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng mansyon. Halos limang buwan kong hindi nasilayan ang mansyon at wala pa rin itong pinagbago.


Pumasok ako sa loob at masusing pinagmasdan ang kabuuan no'n. Napailing ako nang ilang ulit upang alisin ang bumubuong imahe sa aking isipan.


Akala ko nakalimutan ko na siya...


Ngunit hindi pa pala.


Kahit saan ako tumingin, tanging ang napakatamis niyang ngiti ang aking nakikita.


Isa na lamang iyon na imahinasyon.


Hindi lingid sa kaalaman ni ama na naparirito ako ngayon sa mansyon. Sa aking pagkakatanda na habilin ni ama sa akin, maninirahan ako sa aking mga nuno ngunit hindi niya sinabing hindi na ako pwedeng bumisita pa muli rito. 


Aking sila'y sosopresahin.


Buwan ng Disyembre at nais kong ipagdiwang ang pasko at bagong taon kasama si ina at ama. Ito ang unang beses na magkakasama naming ipagdiriwang ang dalawang mahalagang okasyon na iyon.


Ako'y nagtungo sa hagdan at humakbang paakyat sa mga baitang na iyon. Aking sasadyain si ama sa kanyang opisina.


Ako'y napatigil nang makitang bahagyang bukas ang pintuan ng kanyang opisina. Kahit nasa loob siya o nasa labas, hindi niya iniiwang nakabukas ang pintuan ng kanyang opisina maliban na lamang kung siya ay may bisita.


Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba kaya napagpasyahan kong pakinggan na lamang ang kanilang usapan.


"Limang buwan na ang nakalilipas Senyor Leandro simula nang ipatapon natin ang mag ina sa malayong bayan,"


"Bakit mo ba binubuksan ang usapin na iyan, Magdalena?"


"Senyor Leandro, nais ko lamang kayong balaan na sa pagkakaalam ni Elizabeth kayo ang nagpapatay sa kanyang ama."


"Pagkatapos?"


"Maaaring magsagawa siya ng hakbang laban sa inyo,"


Nawindang ako sa aking mga narinig at hindi ko maipasok sa aking utak ang aking mga nalaman.


Anong ibig sabihin nila?


Ano itong mga naririnig ko?

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon