PERYA
IKA-29 NG DISYEMBRE TAONG 1781.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Kinagabihan, sa kasagsagan ng ulan, sinalubong ng kutsero ang unos dala-dala ang kanyang karwahe upang ihatid ang mag asawa sa isang kilala at magaling na mangagamot na parehong nakapagtapos sa kursong medisina.
Ang karwaheng iyon ay binalot ng sigaw at iyak ng isang ina na nagdadalang tao habang ang kanyang asawa ay hindi mapakali waring hindi alam ang gagawin upang mapatahan ang kanyang asawa.
"BILISAN MO, MANG PONCIANO! MALAPIT NANG LUMABAS ANG SANGGOL SA SINAPUPUNAN NG AKING ASAWA!" natatarantang pagmamadali niya sa kutsero.
"Masusunod, Senyor." at mas binilisan pa ng kabayo ang pagtakbo ng karwahe kasabay na magkasunod-sunod na pagpalo ng kutsero sa kawawang kabayo. Hindi maiwasang maalog-alog ang sinasakyan nila dahil sa bilis at sa matarik na daan na kanilang tinatahak.
"MANG PONCIANO, BAKIT KA HUMINTO?!" pasigaw na tanong ng ginoo na asawa ng babaeng manganganak.
"May isang babae na nagdadalang tao rin ang humarang sa ating daanan at siya'y humihingi ng saklolo." mabilis na sagot ng kutsero.
"Tulungan natin siya, Leandro." pagod na saad ng isang ginang na nagdadalang tao na asawa ni Leandro.
"Sigurado ka ba riyan, Felecissima?" nagdadalawang isip na tanong ng kanyang asawa.
"Leandro, katulad ko rin siya na nagdadalang tao at nakasalalay rito ang buhay ng bata. Hahayaan nalang ba natin na malagay sa alanganin ang buhay ng batang nasa sinapupunan niya? Guguluhin lamang ako ng aking konsensiya kapag hindi natin siya tinulungan." napabuga na lamang ng hangin si Leandro at binaling ang kanyang tingin sa kutsero na gustong-gusto nang bumaba upang tulungan ang babae ngunit hinihintay niya pa ang desisyon ng kanyang amo.
"Nagmamakaawa ako, nawa'y kami inyo'y tulungan... iligtas ninyo ang aking anak." pagmamakaawa ng isang ginang na basang-basa na dahil sa malakas na ulan at nakaupo na ito sa lapag dahil malapit nang lumabas ang kanyang anak.
Muling napabuntong hininga ang ginoo. "Pasakayin ang babae sa karwahe." utos ni Leandro sa kanyang kutsero.
"Masusunod, Senyor." muli nitong sagot at agad siyang bumaba sa kanyang upuan. Dali-dali niyang binuhat ang babaeng umiinda sa sobrang sakit dahil malapit na itong manganak. Hindi na pinagtuunan pa ng pansin ng kutsero ang pagkabasa niya sa ulan basta ang nais lamang niya ay matulungan ang babae na nagdadalang tao rin kagaya ng kanyang among babae.
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
RomanceUNDER REVISION Ilang siglo pa ba ang darating upang sumang ayon sa amin ang kapalaran? Ilang luha pa kaya ang bibilangin sa hindi mabilang na beses na kami ay nasaktan. Ilang beses ba dapat kami muling isilang at mahimlay upang makamtan namin ang pa...