KABANATA IV

1.6K 165 4
                                    

TINAPAY


"Patatawarin kita ngunit sa isang kondisyon," awtomatikong napatingin ako sa mala kulay asul niyang mga mata. Tiningnan ko siya nang may halong pagtataka.


"A-ano ho iyun gi-ginoo? Pangako, gagawin ko po ang inyong kondisyon upang mapatawad nyo ako sa aking mga sala." 


"Mamaya mo malalaman ang aking kondisyon pagkatapos ang okasyong ito. Magkita tayo sa ganap na alas dose ng madaling araw."


Madaling araw? Bakit madaling araw?


"Ehh"


"Babalik na ako sa hardin," walang emosyon niyang saad. Hindi ko siya maintindihan. Parang kanina lang ay iniinis niya ako tapos ngayon nawala na naman ang kanyang emosyon. Napakahirap niyang basahin. Mabuti na lamang ay may itsura siya. Napailing-iling naman ako sa ideyang iyun. Siya? May itsura? Sabagay iyon ay katotohanan lamang pero hindi ko siya nais! Hindi talaga. Sobrang laki ng agwat namin sa isa't-isa. Malayong-malayo ang aming pamumuhay at marami kaming pagkakaiba.


Hindi ako pwedeng mahulog sa kanyang mahika. Tama, yun nga. Hindi maaari.


"Anong hindi maaari? Elizabeth, sino ang kausap mo? Nahihibang ka na ba at nagsasalita ka riyan mag isa? Huwag mong sabihing may kaibigan kang engkanto??"


"Ina!"


"Biro lamang anak. Ang lalim kasi ng iyong iniisip at hindi ko mawari kung ano. Pawang hindi ka mapakali at nagsasalita ka mag isa. Nag aalala lang naman ako."


"Okay lang ako inay, pasensya na po."


"Oo nga pala Elizabeth, magkakilala pala kayo ng anak ng Montemayor?"


"Ha? Ahh..." nanginginig na ang aking mga kamay at hindi mapakali kung ano ang aking sasabihin. Ayaw kong nagsisinungaling lalo na kay ina.


"Umamin ka sa akin, Elizabeth. Magkakilala ba kayo ni"


"Oho ina. Patawad po kung hindi ko nasabi sa inyo ang totoo. Pero ina, nagtagpo lang naman kami pero hindi namin kilala ang isa't isa." mabilis kong sagot.


"Nagtagpo?"


"Ang ibig ko pong sabihin"


"Manang Luisa?" narinig namin ang boses ni Senyora Felecissima na naggagaling sa sala.


"Mamaya na tayo mag usap. Hinahanap na ako ng Senyora. Maglinis ka na riyan." dali-daling lumabas si ina sa kusina.


Maria Luisa Fulgencio Natividad ang buong pangalan ng aking ina. Ang apelyidong Natividad ay nanggaling sa aking nuno na ama ng aking ina.  Samantala ang kanyang gitnang pangalan na Fulgencio ay nanggaling sa apelyido ng aking nuno na ina ng aking inay.

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon