KAARAWAN
ELIZABETH'S POINT OF VIEW
Labag man sa aking kalooban na gumising nang maaga, bumangon pa rin ako. Obligasyon ko ito. Obligasyon kong pagsilbihan ang aking amo upang mabuhay kami ni Ina.
Isa kaming maninilbihan sa pamilyang Montemayor. Bata pa lamang ako, namulat na kaagad ako sa kahirapan. Ayon sa aking ina, malaki ang utang na loob namin sa pamilyang Montemayor. Walang-wala kami noon, maski tirahan wala kami. Naawa sa amin ang mag asawang Montemayor at pinatira kami sa kanilang mansyon kapalit noon sila'y aming pagsisilbihan.
Ayon pa sa aking ina, noong araw na isinilang ako, iyun din ang araw na isinilang ang kaisa-isang anak ng mag asawang Montemayor ngunit hindi rito nakatira ang kanilang anak. Sa malayong lugar ito naninirahan kasama ang kaniyang mga ninuno. Sa loob ng labing siyam na paninilbihan ko sa mansyon na ito, hindi ko pa siya namamataan. Hindi ko nga rin matukoy kung babae ba ito o lalaki.
Ang bigat ng aking pakiramdam ngayon dahil sa mga pangyayari kagabi.
Sobrang nakakapagod ang aming ginawa.
Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong pagtakas dahil iyon ang gabing hinding-hindi ko makakalimutan. Iyon ang unang gabi na naging masaya ako. Kahit sa sandaling oras, bumalik ako sa pagkabata. Naramdaman kong mamuhay nang malaya.
At dahil iyon sa lalaking inaakala kong kawatan.
Pero anong ginagawa niya sa kwarto ng aking amo?
Atsaka nakalimutan kong itanong ang kanyang pangalan!
Di bale, ang gabing iyon ang una at huli naming pagkikita. Iyon ang una at huli kong gagawin ang pagtakas. Hindi na maaaring maulit pa iyon.
Nalungkot ako sa ideyang hindi na ulit kami magkikita. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang kakaiba sa kanya.
Siguro dahil siya ang unang tao na nakasama ko na kasing edad ko lamang. Hindi pa kasi ako kahit kailanman nakasasalamuha na kasing edad ko lamang maliban sa lalaking iyon.
Lumabas na ako sa aking silid at nakita ko si Ina na abalang nagluluto sa kusina. Agad ko siyang pinuntahan doon.
"Ina, para saan ang mga ito?" turo ko sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Parang may piyesta sa dami ng mga iyon. "May okasyon po ba na gaganapin ngayong araw?" taka kong tanong kay Ina habang nakatingin sa mga masasarap na pagkain na nakalatag sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
RomanceUNDER REVISION Ilang siglo pa ba ang darating upang sumang ayon sa amin ang kapalaran? Ilang luha pa kaya ang bibilangin sa hindi mabilang na beses na kami ay nasaktan. Ilang beses ba dapat kami muling isilang at mahimlay upang makamtan namin ang pa...