ARAL
Pagkalipas ng tatlong linggo...
ELIZABETH'S POINT OF VIEW
"Ate Elizabeth," sinenyasan ako ni Anchita na ilapit ang aking tainga sa kanya. Siya ay sampung taong gulang na pinsan ni senyorito Leonardo . Sinunod ko naman siya na may halong pagtataka. "Alagaan mo ang aking ginoong Leonardo ah? Mahal na mahal ko iyang pinsan ko! Huwag mo siyang sasaktan ha, ate Elizabeth? Mangako ka sa akin." natatawa naman akong lumayo dahil sa kanyang sinabi. "SERYOSO AKO!" pilya niyang sambit sa akin sabay pamewang.
"Pangako, senyorita Anchita." pigil tawa kong sagot sa kanya.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Kapag sinaktan mo ang aking pinsan..." lumapit siya sa akin. "...malalagot ka sa akin." nagkunwari akong natakot sa kanyang sinabi pero sa aking loob, gusto kong matawa dahil sa kanyang mga pinagsasasabi.
Ang bata palang niya pero parang matanda na siya kung magsalita.
Natatandaan ko pa ang araw nung una naming pagkikita.
Pagkalipas ng gabi nang iwan ko si Ginoong Leonardo sa kusina, kinabukasan ng umaga, sinungitan ako ni Senyorita Anchita dahil nakita niya raw kami kagabi ni Ginoong Leonardo sa kusina. Nagseselos daw siya dahil ayaw niya pang magkaroon ng kasintahan ang kanyang pinsan. Natatakot siya na baka mawalan na ng oras sa kanya ang ginoo. Pero ang aking tanging sinagot lamang sa kanya, wala kaming ugnayan ni Ginoong Leonardo. Magkaibigan lamang kami at iyon naman talaga ang totoo.
Ilang araw ang lumipas, ganoon ang turing sa akin ng senyorita. Palagi niya akong nilalayo kay Ginoong Leonardo. Kaya madalas lamang kaming nag uusap ng senyorito dahil kay Anchita. Paminsan naman, sa gabi lang kami nagkakausap ni Ginoong Leonardo at ayon sa kanya, sobrang malapit ang loob nila sa isa't-isa at tinuring na nila ang isa't isa na halos magkapatid dahil parehas silang walang kapatid.
Batay naman sa aking nakikita, sobrang malambing si Senyorita Anchita kay Ginoong Leonardo, mabait din naman siya kaso hindi nga lang niya lantarang ipinapakita. Siguro, natatakot lang talaga siya na baka mawala sa kanya si Ginoong Leonardo dahil ito lang ang tanging nakakasama at nakakausap niya maliban sa kanyang mga magulang.
Ilang araw pa ang lumipas, naging maayos na ang pakikitungo sa akin ng senyorita. Hindi na niya ako masyadong nilalayo kay Ginoong Leonardo. Naging malapit kami sa isa't-isa ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging pilya niya. Nagkwento naman siya sa akin kung bakit ganoon na lamang ang pagpoprotekta niya kay ginoo dahil iyon nga, mahal na mahal nya ang kanyang pinsan at ayaw niyang may kahati siya rito. Pero naiintindihan din naman niyang hindi sa kanya lamang iikot ang mundo ni Ginoong Leonardo. Magiging masaya na lamang daw siya sa kung saan magiging masaya si Ginoong Leonardo.
Natawa pa nga ako dahil mukhang mas matanda pa magsalita at kumilos si Senyorita Anchita kaysa kay Ginoong Leonardo na isip bata.
"Tinatakot mo na naman ata ang binibini, Anchita, halika na... Aalis na tayo. Magpaalam kana kay Binibining Elizabeth!" sigaw ni Ginoong Leonardo at katabi niya roon si Mang Ponciano na nakangiti sa amin. Naroon na rin ang karuwahe na kanilang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
RomanceUNDER REVISION Ilang siglo pa ba ang darating upang sumang ayon sa amin ang kapalaran? Ilang luha pa kaya ang bibilangin sa hindi mabilang na beses na kami ay nasaktan. Ilang beses ba dapat kami muling isilang at mahimlay upang makamtan namin ang pa...