KASINTAHAN
Pagkalipas ng isang buwan...
ELIZABETH'S POINT OF VIEW
Habang aking tinatahak ang kahabaan ng pasilyo sa ikalawang palapag, hindi ko sinasadyang marinig ang pag uusap ng mag ama na nagmumula sa opisina ni Senyor Leandro.
"Ama, nais kong manatili sa mansyon. Nais kong manirahan rito. Nais ko kayong makasama."
"Iyon nga ba ang dahilan kung bakit mo nais manatili rito?"
"Oho, ama."
"Pwes, paano na ang iyong mga nuno na nasa malayong bayan? Hinihintay nila ang iyong pagbabalik."
"Ama, dadalawin ko po sila ngayon at sila ay aking kakausapin. Madalas ko naman ho silang dadalawin doon. Wala na po kayong dapat ikabahala pa." ilang minuto ang nakalipas, wala akong narinig na sagot mula kay Senyor Leandro. Mukhang pinag iisipan niya ng mabuti ang kahilingan ng kanyang anak. "Ama, nawa'y tuparin ninyo ang aking kahilingan at kapalit non ay magiging mabuti na akong anak sa inyo. Hindi na po ako magiging pasaway." natawa naman ako sa kanyang sinabi. Impossible ang kanyang sinabi. Si Ginoong Leonardo? Hindi na magpapasaway? Napaka impossible.
Narinig ko ang malakas na pagbuga ng hininga ni Senyor Leandro tanda na sumuko na siya. "Sige, pagbibigyan kita. Pero kapag nalaman ko kay Magdalena na nagpasaway ka na naman, hindi ako mag dadalawang isip na ipatapon ka sa malayong bayan...
at hindi na kita pababalikin pa rito kahit kailan."
Nanlaki naman ang aking mga mata sa kondisyong iyon. Sobrang lupit at higpit ni Senyor Leandro sa kanyang anak. Mukhang hindi naman iyon ininda ni Ginoong Leonardo dahil sa sobrang lawak ng kanyang ngiti.
"Pangako, ama." pagkatapos sambitin iyon ni Ginoong Leonardo, dali-dali akong nagtago sa kabilang pader upang hindi niya makita na kanina pa ako nakikinig sa kanilang usapan. Hindi naman mawala-wala ang mga ngiti ko sa aking labi. Masaya ako dahil mananatili rito ang senyorito. Ibig sabihin lamang non, makikita ko siya araw-araw. Makita ko lamang siya, kumpleto na ang aking araw.
Nakita ko siyang lumabas sa opisina ng kanyang ama na hindi pa rin nawawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Mas lalong lumapad ang aking mga ngiti nang makita ko iyon.
Nagtungo na siya sa kanyang silid at isinara na iyon. Napasandal ako sa pader habang hawak-hawak ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok non habang inaalala ang mukha ni Ginoong Leonardo na masaya. Pagkatapos kong mag drama, nagpasya na akong tumungo sa kusina upang tulungan si ina.
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
RomanceUNDER REVISION Ilang siglo pa ba ang darating upang sumang ayon sa amin ang kapalaran? Ilang luha pa kaya ang bibilangin sa hindi mabilang na beses na kami ay nasaktan. Ilang beses ba dapat kami muling isilang at mahimlay upang makamtan namin ang pa...