KABANATA XII

1.6K 121 1
                                    

KABANATA XII


ELIZABETH'S POINT OF VIEW


-LAWA NG AMOR-


"Senyorito Leonardo? Senyorito?" tawag ko sa kanyang ngalan habang palinga-linga sa paligid ng lawa. Iniwanan ako ni Mang Ponciano rito dahil kinakailangan na niyang bumalik agad sa mansyon ng Montemayor. 


Napagpasyahan kong pumunta na lamang sa kubo na madalas naming pagtambayan ng senyorito. Umaasa ako na naroon siya.


Nawa'y hindi pa huli ang lahat.


Nawa'y bukas pa rin ang kanyang puso na ako'y tanggapin.


Nawa'y narito nga siya bagkus hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahagilapin.


Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa kubo na katabi lamang ng lawa nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa aking likuran.


"Binibini??" agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Iyon ang boses na hinding-hindi ko makakalimutan. "Binibini anong ginagawa mo rito" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil agad ko siyang tinakbo at hinagkan nang mahigpit.


Ito ang matagal ko ng gustong gawin sa kanya. Ang yakapin siya nang mahigpit at manatili sa kanyang tabi.


"Ginoong Leonardo, akala ko iniwan mo na ako. Akala ko sinukuan mo na ako." naiiyak kong tugon. 


"N-nagkakamali ka binibini. Kahit kailan handa akong maghintay. Handa kitang hintayin hanggang kamatayan." sabi niya habang magkadikit ang aming mga noo at hawak-hawak niya ang aking magkabilang pisngi.


Tiningnan ko ang kanyang kabuuang katawan. "Gi-ginoo, anong nangyari sa iyo? Bakit... bakit ganito ang iyong itsura? Bakit ang dungis-dungis mo??" sobrang layo na ng kanyang itsura noong huli ko siyang nakita. Anong ginawa niya sa loob ng tatlong araw?


Nginitian niya ako. "Binibini, patawarin mo ako dahil mas naging pasaway ako nung nawala ka. Nag rebelde ako kay ama. Pero huwag kang mag-alala, mukhang tanggap na niya na hindi ako masaya sa kanilang piling. Tatlong araw na ang nakalipas na hindi nya ako pinapahanap. Mukhang wala na siyang pakielam sa akin." malungkot niyang wika pero agad din naman umaliwalas ang kanyang mukha.


Nalulungkot akong makita ang kalagayan niya ngayon. Noong una ko siyang nakita sobrang garbo ng kanyang kasuotan at halatang mamahalin pa ang mga iyon pero ngayon punit-punit na ang kanyang damit at halatang hindi pa napapalitan iyon ngunit wala naman itong amoy na hindi kaaya-aya. Likas na siguro ang nakakahalimuyak niyang amoy.


"Pasensya ka na kung ganito ang aking itsura"


"Anong ginawa mo sa loob ng tatlong araw? Ba-bakit ka nagrebelde? Bakit ka umalis sa inyong mansyon? Bakit pinabayaan mo ang iyong sarili?" naiiyak kong tugon. Nagulat siya at agad din akong niyakap nang mahigpit.

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon