KABANATA XI

1.6K 121 1
                                    

KATOTOHANAN


MARIA ELIZABETH'S POINT OF VIEW


Simula nang ipatapon kami ni Senyor Leandro rito sa malayong bayan, wala na kaming kaalam-alam sa mga kaganapan sa mansyon. Dito ko rin naranasan kung gaano kahirap ang buhay at kung gaano kahirap ang maging isang indiyo. Doble-doble ang kayod namin ni ina ngayon kumpara noon na kami ay isang maninilbihan ng Montemayor. Marami na rin akong nakakasalamuha na kasing antas lang ng pamumuhay namin. Mas gugustuhin ko pang tumira na lamang dito habang buhay. Tahimik at matiwasay ngunit mahirap nga lang ang pamumuhay. Dito sa lugar ng mga indiyo, ito talaga ang aming tirahan... dito naman talaga kami nararapat. 


Habang pinapanood ko si ina na nagtatabas ng mga damo sa sakahan, napapaisip ako kung tama ba ang aking ginawa. Kung tama ba na dinamay ko si ina sa kaguluhang ito. Ayaw kong nakikita na nahihirapan siya, nasasaktan ako. Pero mas lalo namang ayaw kong bumalik at manirahan muli sa mansyon na iyon kasama ang mamamatay tao. Kasama ang taong pumatay sa aking ama. 


Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi kay ina ang tungkol doon. Natatakot ako na kapag malaman niya, may mangyaring masama sa kanya at hindi niya kayanin. Kaya minabuti kong manahimik na lamang.


Gustuhin ko mang ipaglaban ang aking ama, hindi pwede. Gustuhin ko mang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng aking ama, hindi pwede. Bakit? Isa lamang kaming hamak na dukha. Anong laban ko sa mga Montemayor? Iyon ang dahilan kung bakit kinikimkim ko na lamang ang lahat ng ito. Kasama ko si ina, ayaw kong masaktan siya ng dahil sa akin. Ayaw kong saktan siya ng mga Montemayor o maski ilayo sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kinalaban si Senyor Leandro.


Palagi akong tinatanong ni ina kung totoo bang ginawa ko ang bagay na iyon, ang pagtaksilan ang mga Montemayor. Palagi ko lang nililihis ang usapan. Ayaw kong malaman ni ina na pinagbantaan ako ni Madame Magdalena.


Pagbabalik tanaw...


Nasa kusina ako upang tulungan si ina maghanda para sa tanghalian. Nagpaalam si ina sa akin upang bumili sa palengke ng saluyot nang siyang pagsulpot naman ni Madame Magdalena. Hindi ko siya pinansin at nakatuon lamang ako sa aking ginagawa.


"Elizabeth," tawag niya sa aking ngalan.


"Marami pa po akong gagawin, Madame Magdalena." walang emosyon kong tugon.


"Bakit hindi mo tinanong si Senyor Leandro tungkol sa" pinutol ko na ang kanyang sasabihin. Ayaw ko munang marinig ang tungkol sa bagay na iyon.  Mas lalo lang akong nasasaktan.


"Para saan pa po? Totoo man o hindi ang inyong sinabi, wala na akong magagawa pa roon. Wala akong kalaban-laban pagdating sa mga Montemayor. Ipapasa panginoon ko na lamang ang lahat."


"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit niya iyun ginawa?" napatigil ako sa aking ginagawa. "Pinarusahan ka nya Elizabeth sa hindi mo pagsunod sa kanyang kaisa-isang utos. Hindi ba't sinabi niya sa iyo na layuan mo ang kanyang anak?"


"Ano po bang gusto nyong iparating?" hinarap ko na siya. Ayaw niya pa akong diretsuhin.


Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon