KABANATA VIII

1.6K 137 0
                                    

GALIT


Pagkalipas ng isang buwan...


ELIZABETH'S POINT OF VIEW


Kasalukuyan akong kumakain sa kusina nang biglang dumating si Madame Magdalena. Napahinto ako nang ngitian niya ako ng matamis bago tuluyang pumasok sa loob. Napapalunok naman akong iniwas ang paningin ko sa kanya atsaka nagpatuloy sa aking pagkain. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso na pawang kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.


Nasa aking likuran si Madame Magdalena at sa aking pagkakatansya, nagtitimpla siya ng kanyang kape.


"Elizabeth... Elizabeth..." tawag niya sa aking ngalan na may malambing na tono habang papalapit sa akin at naghahalo ng kanyang kape. "Gusto mo bang tuparin ko ang iyong kahilingan?" bulong niya sa aking tenga mula sa likuran.


"A-ano pong... kahilingan?" kinakabahan kong tanong.


"Tungkol sa iyong ama. Sa tunay mong ama..." dahan-dahan lang niyang binigkas ang mga katagang iyon. 


Tungkol sa aking ama?


May alam siya tungkol sa aking ama?


Nilingunan ko siya na may halong pagtataka.


"Ano pong alam ninyo tungkol sa aking ama?"


"Malalaman mo kapag dumating na tayo roon."


"Sa-saan po?" hindi ko alam kung bakit naluluha ako.


Ito na ba? Makikita ko na ba ang ama ko?


"Halika, sumama ka sa akin." walang emosyon at mabilis niyang tugon. Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at kinaladkad ako papalabas ng mansyon. Ngayon ay nakasakay na kami sa karuwahe at hindi si Mang Ponciano ang kutsero. Isa pang kutsero ng Montemayor. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa wakas makikita ko na rin ang aking ama o hindi dapat dahil may kakaiba akong kutob lalo na't si Madame Magdalena ang aking kasama.


"Ma-madame, bakit hindi po natin isinama si ina?" tanong ko sa kanya.


"Hindi mo ba nauunawaan? Ayaw ng iyong ina na makilala mo ang iyong ama." 


"Ba-bakit po?" 


"Napakarami mong tanong. Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo roon." inis niyang saad. Nanatili na lamang akong tahimik.


###


Nang makababa na kami sa karuwahe, gulong-gulo ang aking isipan habang nililibot ko ang aking mga mata sa paligid. Puro mga nakabihis na kulay itim ang mga tao at sila ay nag iiyakan.

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon