Chapter 3

6.3K 107 9
                                    

CHAPTER 3

"Baka nakakalimutan mong kasal tayo pero sa papel lang" he answer.

"Kasal pa rin tayo kahit sa papel lang." ang mahina kong sagot

"I dont love you" thats the only thing he answer before he left me there dumdfounded.

My tears started to fall. Alam ko naman eh di naman nya kailangang ipamukha sakin. Kasi mas nasasaktan ako pag sya mismo pinapaalala nya yun sakin.

Ni lock ko yung pinto at ibinuhus lahat ng luha ko nagbabakasakaling maibsan neto ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Natigil naman ako sa kakaiyak nang biglang may marahas na kumatok sa pinto. Walang iba kundi ang asawa ko.

"Fuck Jelene wala akong oras dyan sa mga pagiinarte mo buksan mo tong pinto malelate na ako fuck" ang sigaw neto mula sa labas.

Agad agad ko namang pinunasan ang luha ko at ipinaghanda sya ng masusuot tsaka binuksan ang pinto.

Isang malutong na sampal ang agad sumalubong sakin. Agad namang pumatak ang mga luha ko.

"Ikaw ha wala akong oras diyan sa kaartehan mo, puta ka. Kung magiinarte ka man lang rin edi sana dun sa loob nang kwarto mo hindi dito sa loob ng kwarto ko puta ka" sigaw neto sa pagmumukha ko sabay hila ng mga buhok ko.

"Ace iiyak ako kung kailan at saan ko gusto dahil nasasaktan ako*sob*" hindi ko napigilang humikbi.

"Wag kang umiyak na para bang ikaw ang naargabyado dito tandaan mo ha ikaw ang pumilit sakin na magpakasal kahit ayaw ko."

"Hindi kita pinilit Ace*sob*" ang mahina kong sagot.

Bakit totoo naman ah hindi ko sya pinilit. Kahit hindi nya pa ako pakasalan basta ba tatayo syang ama sa magiging anak namin ay ayos lang.

"Oo nga naman no? Pinarinig mo lang naman pala kay mommy na buntis ka at ako ang ama kaya napilitan syang ipakasal tayo. Alam mo naman diba tradisyunal na tao si mommy ayaw nya yung nabubuntis na hindi kinakasal" mapanuya nyang sabi

"Ace mahal kita" hindi ko alam bat yun lumabas sa bibig ko. Pagak naman syang tumawa sa sinabi ko.

"Mahal mo ako? Well ngayon alam ko na, ang selfish mo pala. Kaya mo sinabing buntis ka dahil putang*na mahal mo ako, baka naman hindi ka buntis?" May pagdududang tanong neto.

"Mahal kita pero hindi ako ganun ka desperadang makuha ka, kuntento na akong nakikita kang masaya kasama ang iba. Ace totoong buntis ako kahit pa ilang hospital at doktor ang pagdalhan mo sakin." Mahinahon kong sagot sa tanong nya

"Hindi ka ganon ka desperada eh bakit nung sinabi kong ayokong makasal tayo pinagpatuloy mo pa rin yung tang*nang kasal na yun." Sigaw niya, pwede namang pag usapan ng maayos ah bat kailangan pang isigaw.

"Kase Ace alam kong yun lang ang paraan para tumayo kang ama ng binubuntis ko. Kase Ace alam kong kapag tumutol ako ay hindi ka magpapakilalang ama sa anak natin." Lumuluha na naman ako.

"Anak mo hindi natin." Sabi niya sabay punta sa walk in closet niya. Hindi man lang niya ginamit ang damit na inihanda ko para sa kaniya.

Bumaba na lang ako at pinahid ang luha ko ayoko sanang magpakita ng kahinaan sa kaniya pero wala akong magagawa, kusang tumutulo ang luha ko. Luha ng sakit na nararamdaman ko.

Inihanda ko na lang ang hapag kainan sigurado kasi akong hindi pa kumakain si Ace.

Maya maya pa nga ay narinig ko na ang mga yabag neto pababa ng hagdan.

"Ace kakain na tayo." Ang tawag ko dito dere deretso kasi eto sa pinto patungo sa labas.

"I'd better eat with France than to eat with a slut like you." Sabi neto sabay talikod, mayamaya pay humarap eto at sinabing.

"And what made you think that I'll eat those trashes served by a trash like you bitch." Tapos pumasok na eto sa kotse nya at umalis.

A Wifes Cry of Intimate  PainWhere stories live. Discover now