Chapter 28

4.6K 110 8
                                    

Chapter 28

~After 5 years~

3rd persons POV

"Momma I'm finish." Sigaw ng isang bata kay Jelene na agad namang ikinalingon ng dalaga. Katatapos lang nitong maligo at magbihis, ayaw na kasi nitong magpaligo at magpabihis sa kanya dahil malaki na daw siya.

"Halika na baby eat your breakfast na." Napangiti na lamang siya nang bigla itong mag pout, ayaw kasi nitong tinatawag na baby dahil malaki na nga raw ito.

Its been 5 years at sinong mag aakalang napalaki niya ang anak niya ng maayos. Sabagay hindi naman siya nag iisa, nandyan naman ang pamilya niya. At higit sa lahat ay si El, ito palagi ang kasama niya sa tuwing umiiyak siya dahil kay Ace. Napapangiti na lamang siya sa mga ala alang iyon. Mahirap palang mag move on, akala niya ay madali lamang iyon kaya tinatawanan lamang niya si El nuon, pero mahirap pala. Buti na lamang at lagi itong nasa tabi niya kahit ito mismo ay hindi pa maka move on sa kanya at nandiyan na rin ang anghel niya kaya kahit papaanoy nabuhayan siya ng pag asa.

"Momma I'm not a baby anymore."

"Okay, big boy you must eat your breakfast now because momma might get scolded again if she came to work late." At agad agad na namang kumain ang anak niya.

Isa pa itong amo niyang si  Ryker Tolentino ang dati ay walang modo niyang amo. Lagi na lang siyang pinapagalitan at sinisigawan pero ngayon sinong mag aakalang hulog na hulog na ito sa kanya.

Limang taon na nga pala, at sa limang taong nakalipas ay marami nang nagbago. Natutunan niyang maging masaya kahit wala ang inaakala niyang asawa niya, at sinong mag aakalang mas magiging masaya siya. Dati ay kinulong niya ang sarili niya sa mga akala, akala niya hindi siya mabubuhay pag wala si Ace, akala niya hindi niya makakayang buhayin ang anak niya pag wala ito, at kung ano ano pang mga akala. But look at her now, nakaya niyang walang Ace sa buhay niya. It really feels good kapag nakapag move on ka na, mas nagiging masaya ka.

~~~~~~~~~~~~~

Hinatid na lamang niya ang anak niya sa paaralang pinapasukan nito malapit sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Mas pinili niyang dun na lamang ito pag aaralin para mas mapadali ang pag hatid at pagsundo niya rito. Kahit naman subsub siya sa trabaho ay hindi naman siya nawawalan ng oras para rito.

Pagkadating niya sa kumpanyang pinagtatrahuan niya ay nagulat na lamang siya ng dambahin siya ng yakap, sino pa ba? Edi ang amo niyang patay na patay sa kanya.

"Hon aalis ako." Isa pa tong indearment nito sa kanya na HON kaya lagi na lang nagtatalo si Ryker at si El sa twing nagkikita, pano ba naman pareho ito ng indearment sa kanya.

"Alam ko yun." Kaswal na sagot niya, bakit ba hindi niya malalaman eh siya ang sekretarya nito?

"Hindi mo man lang ba ako mamimis?" Parang batang tanong nito.

"Hindi SIR." Pinag diinan niya talaga ang salitang sir.

"K fine." Sabi nito at bumalik na sa loob ng opisina nito.

Hindi naman niya talaga dapat ito ma miss, dahil una sa lahat wala silang relasyon. Kung may relasyon man, yun ay ang pagiging amo nito sa kanya. Pero ewan ba niya at namimiss niya rin ito ang ka sweetan nito at basta lahat na.

Mayamaya pay lumabas na ito ng opisina dala dala ang isang envelope.

"I'm going." Paalam nito sa kanya kahit halatang nagtatampo.

Hindi naman niya ito natiis at agad hinabol. Papasara na sana ang elevator buti na lang at napigilan niya. Agad naman siyang hinila nito at hinalikan sa labi, nasanay na rin siya rito isa pa smack lang naman iyon.

"Theres nothing between us sir." Paalala niya.

"Meron kaya." He said then pull her into a deep hug.

"Im going to miss this." Bulong nito sa sarili.

"Ano?"

"Meron tayong malanding ugnayan."

"San mo nakuha yan?"

"Kay Yohan sa storyang The Pain of loving you."

"Sir." Sabi niya sa naiinis na tinig.

"Jelene kahit wala naman talagang namamagitan satin ay mamimiss kita, di naman siguro lingid sa kaalaman mo na may gusto ako sayo."

"Lets not talk about it sir."

"We will talk about it, but not now ngayon kasi ang flight ko at alam kong alam mo yun." Narating na nila ang parking lot, kaya lumabas na sila ng elevator at dumeretso na si Ryker sa kanyang sasakyan. Nakahanda na pala ang lahat para sa pag alis nito.

Akmang papasok na ito sa loob ng sasakyan ng lumingon ito sa direksyon niya at lumapit muli sa kanya.

"Pa kiss nga muna." Sabi nito sabay halik sa ibat ibang parte ng mukha niya hanggang sa dumako ang halik nito sa labi niya. At tsaka niyakap siya ng sobrang higpit.

"I will really miss you Jelene tell that to my son too." Kahit hindi nito anak ang anak niya at son pa rin ang tawag nito sa bata, at tanggap nito ang anak niya ng buong buo.

"I'll stay for a month there and maybe tomorrow or the next day, the substitute CEO will be here. Gwapo rin yun kaya wag kang palilinlang dun at isa pa di yun maka move on sa ex niya." Napatawa na lang siya ng mahina, sa tono kasi ng pananalita nito ay halatang nagiging teretorial na naman ito, pero wala namang sila.

"Opo mag ingat po kayo." Tudyo niya rito, ayaw kasi nito ang pino po niya.

"Po ka diyan, baka masundan na yung anak natin sige ka." And that made her shut.

"Gotta go love you." Sabi nito sabay sakay na sa kotse at umalis.

Tumunog naman bigla ang cell phone niya.

From: Sungit

~I'll call you everytime I am free

#wag lumandi sa iba may Ryker ka na~

Imbis na ma inis sa huling parte ng text message nito ay napangiti na lamang siya, teritorial as always.

.....

Happy 1k plus reads ....





A Wifes Cry of Intimate  PainWhere stories live. Discover now