Chapter 15

4.9K 73 2
                                    

Chapter 15

         Jelene's POV

  Ang tigas naman ata ng unan ko ngayon at ang bango *kapa* *kapa* napabalikwas ako ng napagtanto kong hindi lang ako ang nagiisa sa kama ko. Paglingon ko ay si Ace lang pala, naalalako na ang pinag usapan namin kagabi.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para magtooth brush at maghilamos. Paglabas ko ay gising na si Ace, wala sana akong planong pansinin siya dahil baka magalit na naman. Ngunit nagulat ako ng bigla itong bumati sakin.

"Good morning." Bati niya na may kasamang ngiti. Nginitian ko na lang rin siya at nagpasyang lumabas ng silid ngunit nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay sabay sabing " Sabay na tayong bumaba." tumango na lamang ako. Bagamat nakakapanibago ay kailangan kong masanay.

Pagkababa namin ni Ace ay handa na ang lahat ng pagkain para sa agahan, kami na lang ang hinihintay. Inalalayan ako ni Ace na makaupo at umupo na rin siya sa tabi ko.

Habang busy ang lahat sa pagkain at ang iba naman ay masayang nag kukwentuhan ay may napansin akong isang bakanteng upuan sa tapat ng silyang inuupuan ni Ace. Gusto kong magtanong ngunit inunahan na ako ng hiya.

"Sayang lang talaga at di makakapunta si Ryker (Rayker)."Maya maya pay sabi ng ina ni Ace.

"Oo nga po tita bakit po wala si kuya Ryker dito?"Sabat naman ng pinsan ni Ace na si Isa ata yun.

"Hes busy managing our business abroad. Alam niyo namang ang business na lang namin dito sa Phil ang minamanage ng tito niyo." paliwanag ni tita, pero wait kaano ano ba nila Ace si Ryker?

"In case you dont know, hes my older brother." bulong ni Ace, tumango tango na tang ako. Ngunit paglingon ko ay kinakitaan ko ng galit ang mga mata nito pero agad lang rin naman itong nawala, at ngumiti siya ng pilit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Matapos kumain ng lahat ay nagkanya kanya na silang balik sa kani-kanilang mga silid may mga palaro daw kasi ngayon. Di naman ako pwedeng sumali dun dahil buntis ako. Napagpasyahan kong mamasyal na lamang at maglibot libot, sayang naman ang ganda ng lugar kung di ko lang rin ito makikita.

Malayo layo na ako sa rest house nila Ace ng mapansin kong may sumusunod sakin, ngunit binalewala ko na lamang iyon.

Maganda ang paligid, malamig ang simoy ng hangin dahil maaga pa. Walang katao tao kaya malinis ang dagat. 'Ang gand naman dito' bulong ko sa sarili. Para itong isang paraiso, ang maputing buhangin na bumagay sa kulay asul na dagat ang mas lalong nakapag paganda sa lugar. Malayong malayo ito sa buhay sa siyudad, walang polusyon at pawang mga tinig lang ng mga ibong nagliliparan at iba pang hayop ang maririnig.

"What take you here bitch." nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko at paglingon ko ay ang pinsan ni Ace na si Shine (A/N: in case you dont remember her please refer to chapter 13 thank you so much love lots.)

"Shine ikaw pala ginulat mo ako." sabi ko.

"Alam mo okay na sana si Syrill eh nagparaya ako pero puta dumating ka pa. At buntis ka pa, natuto akong mag paraya dahil akala ko si Syrill na talaga ang para sa kanya."

"Ano bang pinagsasabi mo? At sinong Syrill di ko siya kilala."

"Si Syrill lang naman ang kauna unahang babaeng minahal ni Ace ngunit mahal nito si Ryker." kaya pala ay nakitaan ko ng galit ang mga mata ni Ace kanina nung binangit niya ang pangalan ni Ryker.

"Hindi ko alam kung bat ikaw ang nagustuhan niya bat di na lang ako." dagdag pa nito na ikinagulat ko.

"Teka Shine wag mong sabihing---"

"Oo gusto ko si Ace matagal na mula pagkabata."

"Pero magpinsan kayo."

"Yun ang inaakala mo, ampon lang ako ng kapatid ng tatay ni Ace kaya hindi kami magka ano ano."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Sorry for that update guys medyo sabog kasi si Author.

Pero ano kaya ang totoong kwento ni Syrill at ni Ace??? Yan ang abangan niyo ha.

I love you all my dear readers and active commenters.

Please vote and comment thank you😍😍😍😘

MsBwiitifulKim








   

A Wifes Cry of Intimate  PainWhere stories live. Discover now