XL

160 4 0
                                    

Eyyyy. Ako'y nanghihingi ng paumanhin dahil hindi ako nag-uupdate haha. Naiinis lang ako dahil sa issue ni Bby Sana!! Kung sino ka mang hangal ka na naglakas loob na ibash si Bby Sana, mamatay ka na please?! Hinayupak ka. Yun lang hehe.

Taehan's POV

Nasa room na ulit kami matapos ang 2 oras na break. "Lisa, ano? Okay ka lang?" Tanong ni Taehyung nang mapansin niyang matamlay si Lisa. "O-oo. Okay lang ako." At umupo na kami. Magkakatabi kaming tatlo. Nasa gitna si Taehyung hahaha. Dapat nasa likod siya eh kaso parang umalis na dito yug dating nakaupo sa tabi ko. Edi siya na yung pumalit. May pumasok nang teacher.

"Emeged. Mr. Bogummy~~~"

"Masama yan kapatid naku." Saway ng hinayupak kong kambal.
"Nakakainis ka na. Nandidilim paningin ko sayo hayup ka." Bulong namin. "Mr. Taehyung? Ms. Taehan? Ishare niyo naman yung pinag-uusapan niyong dalawa diyan. Wag selfish." Etong teacher na to sisipain ko to. Kahit pogi ka. "Sorry po sir." Sabay naming sabi ni Taehyung. "Ikaw kasi eh!" Galit kong bulong kay Taehyung. "Aba bakit ako?!" Sigaw niya pabalik pero bulong.

-------

Break time...

Nakita ko si Lisa na nakaupo habang kumakain. "Huy. Ang daya nitong si Lisa. Hindi naghihintay."
"Gutom na ko eh. Bakit ba." Patuloy parin siya sa pagkain at hindi kami nililingon. Problema neto? "Anong problema mo?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. "Wala." Tanging sagot niya.
"Lisa, kaibigan mo kami. Tell us." Pilit ni Taehyung. Napabuntong-hininga siya. "Feeling ko kasi may gusto si Suran sayo." Bigla namang napatawa si Taehyung. "Sinasabi ko na nga ba at tomboy yang si Suran kaya laging ikaw yung pinupuntirya eh." Pero napatingin naman ako kay Lisa. "Ganyan ka ba kaslow Taehyung? I'm pertaining to you." Seryosong sabi ni Lisa. Uhmm... Eto na.. "S-sorry naman kung slow ako. Saka.. Ano naman kung may gusto si Suran sakin? Natural lang samin yon kasi maganda lahi namin." Nakangisi niya pang sabi. Pero hinampas ni Lisa yung table dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng nandito sa canteen.
"Taehyung naman! Kahit minsan maging seryoso ka naman please?! Hindi mo pa rin ba magets?! O manhid ka lang talaga?!"

HMPH! SUNGIT! [Min Yoongi FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon