XLIII

148 3 0
                                    

Taehan's POV

"Teka Lisa... Pano mo nalamang magkakapatid tayo?" Tanong ko. "Nandoon ako sa labas. Isa ako sa mga estudyanteng nagkakagulo sa harap ng room natin." Napa-'Ahh' na lng kami ni Taehyung. "Change topic tayo. Napansin ko kanina, parang ang tahimik nil jimin tapos si malditang Suran lang yung nagsasalita sa kanila." Sabi ni Taehyung. "Tss. Hayaan niyo sila. Uy sama kayo ah?" Pag-aya ni Lisa sa amin ni Taehyung. "Saan?" Tanong ko. "Basta ia-announce ni Sir Gerald mamaya."
"Sir Gerald?" Takang tanong namin ni Taehyung. "Di niyo alam? May isang gago ang nagsabi sa Principal sa nangyari kanina. Muntikan pa ngang ipatawag si Taehyung eh. Pero... Ayaw ni Sir Bo Gum mapatawag si Taehyung kaya mas pinili na lang ni Sir Bo Gum ang masisante kesa mapatawag ka." Kwento ni Lisa. And then biglang tumakbo si Taehyung.

Third Person's POV

Tumakbo papuntang Principal's Office si Taehyung. Nagbabaka sakaling nandun pa si Bo Gum. Gusto niyang humingi ng tawad dahil ang nasa isip niya ay siya ang dahilan kung bakit siya nasisante.

Walang anu-ano ay bigla n lang pumasok si Taehyung sa Office.
"Sir Bo Gum." Hinihingal niyang sabi. Nilingon siya ni Bo Gum at halatang umiyak ito. "Mr. Chua wag niyo pong sisantihin si Mr. Bo Gum. Nagmamakaawa po ako sa inyo Mr. Chua. Napakabuting adviser po ni Sir Bo Gum. Dahil po sa kanya nagiging matahimik ang buong klase. Mr. Chua nagmamakaawa---"

"Mr. Kim, enough." Mahinahon pero halatang galit na sabi ng Principal. "Matagal na namin itong pinag-usapan ng mga teachers. Kasama na ang pinsan mo. Maraming teacher ang nagsasabi na kay Mr. Park lang kayo tahimik at hindi sa lahat ng teacher. Maraming teacher din ang nagsasabing napakaharot niyo daw sa ibang teacher at hindi kayo kayang sawayin. About dun sa nangyari kanina. Maraming teacher ang nakakita nun. Nasa rules ng faculty ang pananakit hindi ba Mr. Bo Gum? Nakita ng teachers na tinulak ni Mr. Park ang isang estudyante."

"Mr. Chua ako po yun! Ako po yung tinulak ni Mr. Park at okay lang sakin yon!"
Naluluhang sabi ni Taehyung. "Taehyung. Taehyung tama na. Lumabas---"
Nagulat ang lahat ng nasa dean sa pagluhod ni Taehyung. "Mr. Chua. Nagmamakaawa po ako sayo... Wag niyo pong tanggalin si Mr. Bo Gum. Bigyan niyo po siya ng chance."

"Tae!" Sigaw ni Taehan. "Mr. Chua pasensya na--"
"Taehan bitawan mo ko! Mr. Chua sige na po.."

"Sige, bibigyan ko si Bo Gum ng isa pang pagkakataon. Pero isa na lang! Dapat ay maayos na kayo sa lahat ng teachers. Pero once na isumbong ulit kayo g ibang teachers... Pati ikaw Mr. Kim ay maeexpelled dito sa paaralang ito."

HMPH! SUNGIT! [Min Yoongi FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon