XLI

142 3 0
                                    

Taehan's POV

"Taehyung naman! Kahit minsan maging seryoso ka naman please?! Hindi mo pa rin ba magets?! O manhid ka lang talaga?!" Natulala si Taehyung dahil sa pagtaas ng boses ni Lisa. "Taehyung gusto kita!" Naiiyak na sabi ni Lisa. Yayakapin na sana ni Taehyung si Lisa pero bigla na lang ito umalis. "Anong ginawa ko..." Sabi ni Taehyung at umupo. "Be serious kasi. Ang seryoso ng usapan namin dito, ikaw naman puro joke." Sabi ko sabay irap. "Gusto ko lang naman mapatawa kayo kasi nga napakaseryoso niyo." Bigla siyang nagwalk out. "Huy! Taehyung wag mo kong iwan!" At pumasok na kami sa room.

Kami pa lang ni Taehyung ang nandito sa room. Hindi pa kasi nagb-bell. Dahil sa lungkot, umupo ako sa tabi ni Taehyung. "Tae...."
Nakadukdok yung ulo niya sa arm chair. "Tae.. I'm sorry..." Naramdaman kong gumalaw yug balikat niya. He's crying. "Taehyung..." Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin. "Taehan... Ganun ba talaga ako kamanhid? May nararamdaman din ako kay Lisa pero hindi ko masabi kasi..." Natigil siya.
"Kasi natotorpe ka." Pagsingit ng isang lalaki sa likod. "S-sir Bo Gum." Nauutal na sabi namin ni Taehyung. "Wag kayong mag-alala, di ko kayo irereport. Pwede ko bang malaman kung ano yung pinag-uusapan niyo?"
Iniharap niya ang isang upuan sa may harapan namin. Tinignan ko muna si Taehyung. Tutal pinsan naman namin tong poging teacher na to hehe. "Kanina po kasi, nagalit si Lisa sa kanya. Sinabihan niya po si Taehyung na manhid. Sinabi niya rin po yung nararamdaman niya para kay Taehyung. Tapos hindi niya masabi yung nararamdaman ni Taehyung kay Lisa. Gaya nga po ng sinabi niyo. Natotorpe si Taehyung."  Nagulat naman si Sir Bo Gum. "Si Lisa? Gusto ka at gusto mo rin? Taehyung, hindi pwedeng magustuhan niyo ang isa't isa." Medyo tumaas ang boses ni Sir Bo Gum kaya nagulat kami. "B-bakit sir? May gusto ka ri ba kay Lisa?!" Tumayo si Taehyung at akmang susuntukin si Sir Bo Gum pero pinigilan ko. "Sige Bo Gum! Sabihin mo kung bakit hindi namin pwedeng magustuhan ang isa't isa!"
Tumayo na rin si Sir Bo Gum. "Half sister niyo si Lisa."

HMPH! SUNGIT! [Min Yoongi FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon