TAEHAN
"Shh, ako 'to."
Nagmadali akong lumabas at niyakap si Suga. At niyakap naman niya ako pabalik.
"Akala ko di na kita makikita."
"Akala mo lang yon."
Hinampas ko siya. Medyo gagu eh.
"Sige iwan niyo ko dito sa ilalim. Dito nalang ako titira."
Tinulungan namin si Jungkook na makalabas sa ilalim.
"Puntahan na natin sila Taehyung."
"Teka hyung, may plano ka ba?"
Tanong ni Jungkook.
"Meron, ganito..."
Nagpunta kami sa may gate. Wala nang guard kasi sumama na sa baliw nilang leader.
"Dito lang kayo."
Dumaan siya sa may likod. Nakita namin sila Jimin na tumatakbo doon sa likod. Nagpunta si Yoongi malapit sa garage.
"Oh? Mr. Shin? Ano pong ginagawa niyo dito?"
"Ahh, may itatanong lang sana ako kay Manong Raul."
'Manong Raul ka diyan, ulul.'
"Naku Mr. Shin, pagpahingahin niyo na po si Kuya Raul, bukas niyo nalang po itanong kung ano man ho yan. Magpahinga na rin po kayo."
Baet naman neto.
"Huy Kambal, tara na sa van."
"Teka lang pano si Yoongi?"
"Sila Jin hyung na daw bahala."
Napatingin ako sandali kay Yoongi at saka tumingin kay Taehyung. Ngumiti ako ng pilit at saka tumakbo papunta sa likod ng garahe.
"Taehan!"
Nang makarating ako doon ay agad akong itinago ni Jin oppa.
"Anong ginagawa mo dito Taehan?! Hindi ba sinabi ni Taehyung sayo na kami na bahala?"
"Jin oppa, hindi ko kayang tumingin lang sa inyo at walang ginagawa."
"Paano kung mapahamak ka?"
Natahimik ako sa tanong ni Jin oppa.
"Hayaan mo na, nandito na siya eh."
"Eh tito---"
"Jin hyung, kailangan rin natin siya."
Singit ni Namjoon oppa.
"Aish... Dito ka lang sa likod ko. Arasseo?"
Tumango ako at nagpunta sa likod niya.
"Mr. Shin, magpahinga na ho kayo, masama ho sa inyo ang magpuyat. "
"Hayy.. Sige na nga. Boys, bumalik na kayo. Eh ikaw iho?"
"Magpapahangin lang ho ako."
Isa kang malaking tanga Mr. Shin, sa sobrang tiwala mo kay Yoongi nakalimutan mo na kami HAHA.
"Psst. Tara na!"
Tumakbo papunta dito si Yoongi at agad akong niyakap.
"Tara na bago pa nila tayo makita."
Nagmadali kaming lumabas. At nakarating na kami sa van.
"Ako na sa harap Taehan, tabihan mo na yung love of your life mo."
Singit ni Namjoon.
"Okay na?"
Tanong ni Jin at nagdrive na.
"Hmm."
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may tumawag kay Yoongi.
"Hello?"
"Yoongi, nasaan ka?"
"N-naligaw ako sa gubat... Di ko alam kung pano ako makakalabas."
"Hah... Nasa gubat na kami."
In-end ni Yoongi ang call at itinapon ang cellphone niya sa bintana.
"Bakit mo hinagis?"
Tanong ko.
"Pwede nilang itrack yung phone ko. Di ko kailangan ng cellphone, ikaw lang sapat na."
Napairap nalang ako.
"Mga hyung, dun gusto niyo bang dun muna kayo sa bahay namin?"
"Bakit?"
"Oo nga hyung, alam ni Suran kung nasaan yung dorm natin diba?"
Napatingin sa akin si Yoongi at pinakita ang gummy smile niya.
"Tabi tayo ah?"
Tumango ako at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Pinagmasdan ko ang mala-anghel niyang mukha at saka natulog na rin.
3RD PERSON
Hindi mapakali si Suran sa kanyang kwarto dahil hindi niya macontact si Yoongi.
"Ugh! Yoongi where the hell are you?!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama kasama ang mga guards na hawak-hawak si Manong Raul.
"Dad!"
"Sabihin mo kung saan sila nagpunta."
Nanatiling tahimik si Manong Raul kaya naman nainis si Mr. Shin at sinuntok ito.
"Nasaan sila?!"
---
"Jimin, umalis na kayo rito."
"Pero ninong, pano ho kayo?"
"Ako nang bahala dito. Ang mahalaga ay mailayo niyo si Yoongi dito. Kung may mangyari man sa akin, pakisabi sa Ninang mo na mahal ko siya."
"Ninong naman eh, sumama na kasi kayo..."
"Kapag sumama ako ay mahahalata nilang tumakas tayo. Kaya sige na umalis na kayo hangga't wala pa si Mr. Shin."
"Ninong.."
Niyakap ni Jimin si Manong Raul at saka umalis.
---
"Ah hindi ka talaga magsasalita?"
Tinutukan ni Mr. Shin si Raul ng baril sa ulo ngunit nanatili parin tikom ang bibig nito.
"Dad, don't. We can use him."
Nakatutok pa rin ang baril.
"Dad!"
"Aish. Dalin niyo yan sa storage!"
Natira si Mr. Shin at Suran.
"Dad, what are we going to do?!"
"Anak, calm down. Ibabalik natin si Suga dito."
"Siguraduhin mo Dad! Tanggalin mo na rin si Taehan sa buhay niya."
BINABASA MO ANG
HMPH! SUNGIT! [Min Yoongi FF]
FanfictionMIN YOONGI FF Kim Taehan, a very talkative girl na kambal ni Kim Taehyung. This girl has a very tragic past. Min Yoongi, ang siraulong masungit na laging tulog. He hates noisy place so much so he's always in his studio. EPISTOLARY #2