Chapter 1

1.1K 62 22
                                    

[PHOTO ABOVE NOT MINE⬆⬆⬆ CTTO]

-----

Have you ever wondered why people stare at you?

I mean, ano kayang nasa isip nila ngayon? Are they judging me?

Agad kong chineck kung may muta ba ako or may nagsmear ba na makeup. Wala naman.

Baka naman siguro ang pangit ng suot ko? Wala ba akong fashion sense?

I just inserted my white shirt na may print na hammer ni Thor sa maong ko. May mali ba?

Naconscious ako sa suot ko at sa katawan ko kaya nagmadali akong naglakad papunta sa malapit na banyo.

Okay lang naman ah. Pati buhok ko maayos naman.

Hindi kasi ako komportable kapag marami ang tumitingin sa akin.

Lumabas ako sa banyo at napahinga ng malalim ng makitang konti na ang tao. Bakit ba kasi sa main hallway pa ako dumaan? Hindi na ako dadaan dun ever.

First day of college. Excited ba ako? Siguro? Accountancy ang kinuha kong course dahil I wanted to follow mom's footsteps.

Nasa tapat ako ng room namin. Pinili ko ang morning na schedule since I'm a morning person. 8am ang first class ko at 7am palang nandito na ako.

Bago ako pumasok, I rechecked muna kung dito talaga ang room ko since may list naman dito sa labas.

"Montecarlos, Bella Leticia?"

Napalingon ako sa lalaking nasa gilid ko at napaatras. Holy guacamole! Artista ba siya? Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapo sa personal. Ang puti niya at ang tangkad. Ang tangos ng ilong niya at ang ganda pa ng mga mata niya.

Pero teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

Hindi ako makapagsalita. Naiilang kasi ako sa titig niya.

"You're Bella Leticia Montecarlos, right?"

Naramdaman ko ang pagbabasa ng mga kamay ko.

"I... no... sorry, wrong person." I said, gathering all the bravery that's left in me, tapos mabilis na umalis sa harapan niya.

Malas naman oh. Bakit ba nalaman niya na ako iyon? Ang creepy niya. Oo gwapo siya, pero ayokong ma-acquaint sa isang creepy na tao na tulad niya.

Patungo ako sa kabilang building, kung nasaan ang library. Doon muna ako magpapalipas ng oras. Siguro naman konti lang tao doon diba? Noon nga halos wala namang pumapasok sa lib namin.

I opened the door and was shocked nang makitang halos puno na ang library. So, iba na talaga kapag college student ka na. First day of school pa nga lang.

Parang wala namang vacant seat na. I was about to close the door ng may humila sa akin papasok sa lib.

"Bella!" mahina niyang sigaw. Napahug naman ako sa kanya.

"Frans!" mahina ko ring sigaw, bulong na sigaw. I can't believe na same school kami.

Frans was my childhood friend. Highschool na kami ng maseparate kami sa isa't-isa.

"I have a vacant seat beside me. Let's stay here muna!" she said, excitedly. Matagal na rin kaming hindi nakapag-usap, and I missed her so much, kaya pumayag ako.

We were on our way to Frans' seat when I noticed a lot of eyes looking at us.

"Ang ganda mo kasi, yan tuloy maraming tumitingin sa atin. Lalo na sa iyo." I said, looking awkwardly sa mga taong tumitingin sa amin.

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon