Chapter 19- " Silent Kill "

3K 63 0
                                    


When I reached NAIA, men in black came to me. They are bodyguards that dad hired. He's too overprotective and exaggerating things.

At least may magdadala ng luggage ko.

I was wearing a brown long coat over a black turtleneck blouse and black pants paired by brown boots. Sinuot ko ang shades ko habang naglalakad kami palabas.

People are staring at me but I don't mind them. That often happens in New York.

I stopped a little bit when another group of bodyguards came in. I thought that they were coming to me but they just passed through me and went straight to the man behind me.

Bakit parang pamilyar ata siya?

He's wearing a mask and a shade so hindi makita ang hitsura niya. But his body built is very familiar. It's just like with that man.

Naglakad siya papunta sa'kin. He caught me staring at him! Madali akong tumalikod at mabilis na naglakad palabas. That was weird, my heart thumped so hard as he walked to me earlier. It's been long since this kind of feeling happened to me.

Inalis ko agad iyon sa utak ko. There should be no more distractions. I will have an interview later on.

That is to indirectly announce to those specific people that Elize Cruzaldez is back.

Nandoon ngayon sina Elton at Ella kina mommy pero hindi ako doon uuwi. I'll take back what's supposed to be mine. Tapos na ang maliligaya nilang oras.

Those two bitches lied to me. Papa's last will was that all the Cruzaldez's properties shall be tranferred to my name.

Pagkadating ko sa bahay ni papa. It feels nostalgic! My memories since I was a child. It's just been almost 5 years since I came here.

Mas naging engrande ang disenyo ng mansion but it wasn't pretty for me. it's just like for a pure show that says 'this is a mansion owned by a billionaire'. There's no feels of being a home in it anymore.

Hindi pa binubuksan ng guard ang gate. Bumaba ako. Nakita kong umawang ang bibig niya. Namangha ata sa'kin.

"Sino po kayo ma'am?", tanong ng guard. Hindi ko na'to naabutan. Siguro pinalitan lahat ni Stephanie ang mga maids.

"I'm claiming this house, from now on I am the owner of this", malamig kong sabi. Tinignan ko nang matalim ang guwardiya pero matapang ata si kuya.

"Ma'am, kaaalis lamang po ni Mrs. Cruzaldez at siya po ang nagmamay-", I slapped him. Nagulat ata siya. Hinarangan agad ako ng mga bodyguards ko. Baka sakaling gumanti siya.

"You're fired. leave now", sabi ko at sinenyasan ang isang bodyguard na buksan na ang gate. Masyadong mainit ngayon kaya pumasok na agad ako sa sasakyan.

"Babae! Trespassing ka na! Tatawag ako ng pulis!", sigaw ng guwardiya.

"Take care of him", utos ko sa isang bodyguard. Mukhang nagamit ko nga ang mga ipinadala ni dad nang madalas.

tumunog ang tiled floors ng mansiyon pagkatapak ng heels ng boots ko. Nagsilabasan namang agad ang mga maids. They are too few. Only ten! Ganun ba ka-sakim si Stephanie sa pera para konting mga katulong lamang ang kunin? I pity her.

"S-sino po k-kayo?", natatakot na tanong ng isang katulong. Nakadalawang linya kasi sa likod ko ang mga BG.

Walang pamilyar na mukha sa kanila. Pinalitan nga lahat ni Stephanie ang mga tauhan sa bahay maybe to cover her tracks.

"I'm your new boss here, prepare me some tea", sabi ko at hinubad ang coat ko. Inabot ko ito sa isang maid at nagdadalawang-isip siya kung tatanggapin ba ito.

Nangangalay na ako ah!

Tinignan ko siya nang matalim kaya agad-agad niya itong kinuha. May isang maid na agad tumakbo sa kusina para gawin ang iniutos ko. Natakot ata sa'kin.

Overall, malaki talaga ang pinagbago ng bahay. Walang umimik sa kanila. They felt the pressure I'm bringing to them.

Umupo akong naka-dekwatro sa sofa. It seems that I'm so strict and cruel towards them pero ganun na talaga kapag dumating sa ibang tao. I have a hard time trusting others again.

Nakarinig ako ng mga yapak mula sa pintuan. Pagkalingon ko ay si Stephanie pala. The con is here finally. I turned my back to her.

"E-elize?", di makapaniwala niyang tawag habang naglalakad papunta sa harap ko.

"Oh, you're here, come have a seat", mayabang na saad ko at iminuwestra ang upuan sa harap ko.

"Don't act so cocky in my house!", naiinis niyang saad. Pikon na siya agad? Matanda na kasi.

"Your house...", I said mocking her at tumawa. Napaatras naman siya. Tumayo ako para pantayan ang mga titig niya.

"Please have a seat first", kalmado kong sabi.

"what do you want?", galit niyang tanong.

"Don't you want to stay here anymore? I remember you know who's the real owner here", pagbabanta ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"You-!", sigaw niya habang tinuturo ako. Dumating na ang tsaa na iniutos ko.

Bumalik ako sa pag-upo at binalewala ang galit niya.

Uminom ako sa tsaa. Mas nainis pa siya nang wala man lang akong reaksiyon. Hindi niya pa ba napapansin na hindi na ako ang dating Elize na kilala niya? Ang tapang naman ng isang ito.

Hindi ko muna siya paaalisin dito. Bago ko siya ipakulong ay papahirapan ko muna siya!

"Rest first Ms. Stephanie, I'll let this attitude of yours go for now.", I said coldly.

"S-sino ka sa tingin mo!", nanginginig sa galit niyang sabi. Hindi pa nga niya pala alam ang tungkol kay mommy. I smirked, ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nakita ang taong sinubukan niyang patayin noon.

Hindi ko na siya pinansin at umakyat na. Nakita ko siyang nawalan nang malay at agad naman siyang dinaluhan ng mga katulong. Silent Kill... hah!

She was just like a small ant in my eyes right now but wa have some matters that need to be settled down.

Nag-ayos na ako para pumunta sa interview.

My new assistant was already there.

Madaming reporters ang dumalo kagaya nga ng utos ko. Pinakilala na ako ng Vice-Chairman ng ECAC Philippines.

Umupo na ako sa nakalaang upuan sa'kin doon. I only tasked them to ask questions regarding my career but not beyond it which it deals with personal matters.

"Pumunta ako dito sa Pilipinas para matignan personally kung paano tumatakbo ang kompanya ko dito. Actually may isa pa akong sadya... I have a specific company in mind that I really want", saad ko. Nabigla naman ang mga tao. For sure, naiisip na nila na siguradong kaawa-awa ang kompaniyang pinagka-interesan ko dahil wala silang laban sa'kin.

"May we know, which company this is;", tanong ng reporter.

"I can't tell for now, I apologize", sabi ko. Ramdam kong gustong-gusto talaga nilang malaman kung anong kompaniya iyon.

Kompanya lang naman ni papa ang tinutukoy ko. In any case, it's mine, this is just for a show.

Suddenly, may nahagip ang mga mata ko. Is that really him?! I closed my eyes but then the man disappeared. Kinabahan ako dun ah!

Nakakainis! Bakit madalas ko ata siyang naiisip nitong mga nakaraang araw?

"Miss Eli, rumors says that you got married?", napatingin ako ng matalim sa reporter na may matalas na dila. Sinuway naman siya agad ng katabi niyang reporter. Minsan talaga may mga hindi makapagpigil ng mga bibig nila. I warned them to not ask personal matters. Nawala ang ngiti sa mukha ko.

Nakuha naman nila na wala na ako sa mood kaya sila na mismo ang tumapos.

Pagod na rin ako at kung anu-ano pa ang naririnig, naiisip at nakikita ko ngayong araw.

I need some rest...

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon