[Carla's Side🤗]Third POV
A very beautiful woman wearing a wedding gown was walking in the aisle. Ngumiti siya ngunit malungkot ang mga mata nito. Dumapo ang tingin niya sa lalaking nasa gilid ng altar.
Halong sakit at galit ang naramdaman ng babae mula sa lalaki. Nang dumating na siya sa altar ay tinanggap niya ang kamay ng isang matandang lalaki na katabi ng kaniyang tinitingnan kanina.
"Carla Jimenez, will you accept Christian Lewiston as your husband?", tanong ng pari sa babae. Masikip sa dibdib niyang sagot, "I Do".
Napakumo ang lalaki na nasa tabi ng altar. Nagdiriwang ang lahat ng dumalo sa masayang okasyon na ito maliban sa dalawang tao.
***
Agad nagtungo si Carla sa banyo at pumasok sa isang cubicle at doon nagsuka. May dugong halo ang inubo nito. Mabilis siyang naghilamos at inayos ang sarili.
Nang subukan niyang umayos sa pagkakatayo, bigla siyang nahilo. Sakto namang may dumating at sumalo sa kaniya. Nagulat siya nang makita kung sino ito.
"Maraming salamat", banggit niya pagkatapos makabawi na siya sa balanse niya. Aalis na sana siya pero pinigilan siya ng lalaki.
"What was that?", mariing tanong nito. Lumakas ang tibok ng puso ni Carla. Mas lalo pa siyang namutla ngayon.
'Nakita niya ako kanina?', sa isip ng dalaga.
"It's none of your business", sagot niya. Nagmamatigas pa rin si Carla kahit sa kaloob-looban nito'y sobrang miss na miss niya na ang lalaking ito.
"Tell me what happened to you?!", medyo tumaas na ang tono nito at napahigpit ang hawak sa braso ni Carla.
"Aray Zack!", daing ni Carla. Agad naman binitawan ni Zack ang braso ng dalaga at naging malambot ang mukha niya nang makita ang pamumula nito.
"I'm sorry", paghingi ng paumanhin ni Zack. Nilapitan niya si Carla at niyakap. Nabigla si Carla sa ginawa ni Zack.
"A-ano bang ginagawa mo?", tanong ni Carla habang pilit tinutulak si Zack subalit hindi ito tumitinag.
"Puwede ba Zack? May asawa ka na diba, so why are you acting like this", tugon ni Carla sa naiinis na boses para maitago ang sakit na nararamdaman. Tinanggal ni Zack ang pagkakayap at hinarap si Carla.
"Ikaw? Why are you jealous with my wife?", mahinang tanong ni Zack. Nabigla si Carla sa tanong na ito.
"I-I, N-no! You're mistaken. Bakit naman ako-", nauutal na sabi ni Carla. Hindi niya matignan ng diretso si Zack sa mga mata.
Nilakasan na ni Zack ang loob niya. Isang taon rin siya bago nakabawi sa sakit na naramdaman nang iwan siya ng babaeng apat na taon niyang minahal at ngayon ay nasa harap niya na ito.
"Please Cubs", mahinang sabi ni Zack. Natigilan si Carla. 'Cubs', 'yun ang tawag sa kaniya ni Zack dati. May nagbabadya ng luha sa gilid ng mga mata ni Carla dahil dito.
Pilit niyang pinigilan ang sarili pero sa huli hindi pa rin nito kinaya at niyakap niya na nga ng husto si Zack. Isang taong pangungulila sa taong lubusan at tangi niyang minahal ng buong buhay niya.
Hinarap ni Zack si Carla at pinunasan ang luha sa pisngi nito.
"Cubs, I really missed you", sabi ni Zack habang tinititigan si Carla sa mga abelyanang mata nito. She's so flawless with her undaunted beauty.
"Zack, I'm so sorry", saad ni Carla. Gusto niya mang gantihan ang damdamin ni Zack pero hindi niya kaya na paasahin ito. Mas gugustuhin niya pang dalhin ang sakit na nararamdaman mag-isa hanggang sa siya ay mawala kesa sa idamay niya pa si Zack.
"Shh! You don't need to apologize", sabi ni Zack. Masyadong malambot si Zack ngayon na kung saan ay tanging si Carla pa lamang nakakakita.
"I need to go Zack", paalam ni Carla.
"Wait! Let me ask you", pigil ulit ni Zack. "Why did you left me?", tanong niya.
Tinignan ni Carla ang mga mata ni Zack. Ang mga matang kasing lamig ng yelo ay nasasaktan ngayon. Unti-unting nanghihina si Carla. Ang pusong naging bato ay dahan-dahang nanlalambot.
"Please, just this one tell me", pagmamakaawa ni Zack.
Hindi na maatim ni Carla na nakikitang ganito si Zack pero kung sasabihin niya ang sagot sa katanungan niya, siguradong mas masasaktan pa ito at hindi siya sigurado kung makakaalis pa nga ba siya.
"I can't", maikli niyang sabi.
"Please", hinawakan ni Zack ang kamay ni Carla, "Cubs".
Tumingala si Carla para pigilan ang mga luha.
"Arghh!". Hindi niya na napigilan at napaluha na siya.
"I am sick Zack. I have Cancer", mahinang tugon nito. Natigilan si Zack. Hindi niya malaman kung ano ang kaniyang mararamdaman.
"please don't lie to me", sabi ni Zack.
"I am not lying Zack", naiiyak na sabi ni Carla. Mabilis na niyakap ni Zack si Carla.
"Why didn't you tell me?", nasasaktang tanong ni Zack. Wala pa talaga siyang pinakikitaan ng ganitong pag-uugali niya. Naging sila ni Carla ng apat na taon kaya masasaktan talaga siya nang bigla-bigla na lamang itong magpapakasal sa iba at sa ama niya pa.
"Hindi ko kayang masaktan ka Zack. The Doctor said na may isang taon na lang ako. That's why I agreed to your dad's proposal para tigilan mo na ako at makalimutan nang sa ganun hindi na gaanong masakit para sa'yo kung sakaling mawala man ako.", humihikbi na si Carla. Naiiyak talaga siya kapag iisipin niyang iiwan na niya talaga si Zack nang tuluyan.
"Dad knows about your sickness?", tanong ni Zack.
"your dad tried everything he could para matulungan ako but my body rejected every treatments", paliwanag nito. Tumigil na sa pag-iyak si Carla. "I can feel na unti-unti na rin akong nanghihina", sabi nito.
"No please Cubs, Huwag kang maniniwala sa mga doctor na iyan!", sabi ni Zack.
Kumalabog ang pintuan at pumasok ang isang matandang lalaki kasama ang dalawang lalaking nakuniporme ng kulay itim. Makikita mo ang pagkakatulad ng mukha ng matanda at ni Zack.
"Ch-Christian", kinakabahan na sabi ni Carla.
Malamig ang tingin ni Christian, "I guess, you already told my son about your situation", sabi nito sa malalim na boses.
Tumango si Carla.
"Now that I know dad, pakakawalan mo na ba si Carla?", tanong ni Zack.
"She only have one year to live, I can't risk you to be devastated when she dies. You should try to forget your feelings for Carla and move on besides you're already married", paliwanag ng ama niya.
"I can't follow your words dad, I want to be with her till I die, no matter what", matapang nitong sabi.
"So palabas lang talaga ang pagpapakasal mo sa babaeng 'yun", tugon ng daddy niya, "You should fine a suitable wife for you in the future who's healthy, born of good status and with good manners", saad ng daddy niya.
"you don't have the right to decide who my wife will be", naiinis naman sagot ni zack. Binalewala siya ng daddy niya nang sabihin niya ito.
"Let's go home Carla", striktong sabi ni Christian. Malungkot na tinignan ni Carla si Zack. Christian has a point besides it's all because of this naman talaga. Sumunod siya kay Christian.
"Now that I know, Carla still loves me, I won't leave her and won't allow her in any way", banta niya. Lumakas naman ang tibok ng puso ni Carla.
"let's go", malamig na utos ni Christian hanggang si Zack na lang ang natitira.
Medyo nakahinga siya ng maluwag nang malaman na mahal pa siya ni Carla. Now that he don't have to push Carla anymore dahil sinabi na din nito lahat lahat...
Shall he divorce her already?...
![](https://img.wattpad.com/cover/186578441-288-k695625.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wicked Wife of the CEO (Completed)
RomansElizaria Cruzaldez married Zack Lewiston, a wealthy and handsome man, out of a deal but when the contract ends they agreed to have a divorce but then something happened... A story full of conspiracies... Please follow me and vote the story if you l...