Somehow, I feel good when Zack didn't left me that night. Hinintay niya talaga hanggang sa makatulog ako. Baka managinip na naman daw ako ng masama. Those nightmares have been frequently appearing these days.
"Please take care of yourself, you really scared the shit out of me", nabigla naman ako sa sinabi niya. Natigilan din siya sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. "I'll prepare the breakfast", sabi niya at umalis na.
I really don't know what's going on his mind.
Lumabas na ako ng kuwarto matapos kong maligo at magbihis. Nawala na din ang lagnat ko.
Kakaiba talaga si Zack! Ang laki ng pinagbago niya. Ano kayang nangyari sa kanila ni Carla?
"Do you have any plans for today?", casual niyang tanong. Kumakain na kami ng almusal ngayon.
"Yeah, I'll just try to get a job", sabi ko.
"You're gonna work?", tanong niya. Tumango naman ako.
"Are you that short of money?", nagtataka niyang tanong. Umiling naman ako. I can feel that the atmosphere right now is really light. I like it.
"Nope, I just want to earn experience", sabi ko.
Tinitigan niya ako. "Do I have something on my face?", pagbibiro ko. Alam ko namang hindi niya maintindihan kung bakit pa ako magtatrabaho, eh ang laki na ng ibinibigay niya sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Nakita kong namula nang kaunti ang tenga niya. Eh?
Napangiti ako. I feel that we're so close right now. Bakit ang feeler ko ngayon?
Naalala ko uli si Carla at nawala naman ang ngiti sa mukha ko. I want to ask him about her but he might get mad and for sure he'll avoid the topic. Aaminin kong nasasaktan nga ako kapag iisipin kong magkakabalikan sila ni Carla balang-araw at nagseselos ako pero ano pa bang magagawa ko?
I also have my pride at hindi ko kayang umamin sa kaniya gayong alam ko naman na iba ang nilalaman ng kaniyang puso. Maybe I'll just keep it and enjoy the moments that we're together.
"We'll meet a Psychiatrist tomorrow", ngayon ako naman ang napatingin sa kaniya.
"Bakit naman?", tanong ko. May sakit ba siya sa utak? Kinabahan agad ako.
"You always have that dream and it wasn't good for you", nag-aalala ba siya sa akin? Uminit ang mukha ko sa kaisipang iyon. Nakaramdam ako ng init sa puso ko sa mga salitang sinabi niya. Kahit papaano naman pala ay mabait siya at maalalahanin.
Tama nga naman siya, gusto ko ring malaman ang dahilan kung bakit ko ba 'yun palaging napapanaginipan. Pakiramdam ko ay parang malaking parte iyon ng buhay ko.
"Thank you for your concern pero hindi mo na ako kailangang samahan", saad ko. Even though mas sasaya nga ako kung nandoon siya kaso diba dapat si Carla muna ang atupagin niya gayong nagkausap na sila?
"I'll be there", sabi niya. Sa tono niya ay parang ayaw niyang paawat kaya hindi na lang ako pumalag. Lihim namang tumatalon ang puso ko sa tuwa.
I'll be having an interview in an Architecture firm. I want to work there as an assistant of an architect para naman kapag makapag-aral na ako sa NY ay hindi na masyadong mahirap.
Pagkadating ko sa opisina kung saan gaganapin ang interview ay may katabi itong Law Office at nakalagay ay 'Kendall's Law Firm', pamilyar sa'kin 'to ah! Tama!
This is dad's lawyer! I just saw him twice, one is when dad called him in the house to talk about something and one time is nung pumanaw si daddy at kinausap niya si Stephanie. Hindi ko na siya naabutan nun kaya si Stephanie na ang nagsabi sa akin tungkol sa last will ni papa. Medyo weird din, kasi gusto ko sanang makita kaso hindi daw ibinigay ni attorney.
"Welcome Mrs. Lewiston", medyo nagtatakang bati ng mag-iinterview sa'kin pagkapasok ko sa office nila.
"Good morning po", magalang ko ding bati sa kaniya.
"Uhmm, May I ask, are you the wife of the famous Zack Lewiston?", kinakabahan niyang tanong. Awkward... Ako naman ngayon ang hindi mapakali at hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin. Why is he asking me this? Is this a part of the interview?
"Yes", 'yun na lang ang sinabi ko. Kinabahan ako nang mamutla siya at napatakip sa bibig dahil sa gulat.
Big deal siguro sa kaniya.
"Naku ma'am! Bakit niyo pa po naisipang magtrabaho dito?", tanong niya nang makabawi.
Bakit bawal ba ako dito?
"I want to gain experience po", sagot ko naman nang magalang. Sinabi ko ang totoo kong purpose besides wala namang mali dun. Napatango-tango naman siya na parang ngayon pa niya nahanap ang matagal ng nakakapagpabagabag sa kaniya.
Ngumiti siya nang napakalawak, "In that case ma'am, you're hired po", bakit parang may mali dito? Ako pa ngayon ang parang boss dito. Iba talaga ang apelyidong Lewiston.
Ngingiti na sana ako nang bumukas ang pintuan. Napalingon ako. Sa tingin ko ay nasa thirties na ito at medyo natigilan ako dahil kahit may katandaan na ay makikita mo pa rin ang kaguwapuhan nito. He's very manly sa kaniyang mahabang buhok with curls at the ends na naka-pony. Naka-blue na polo din siya with a maong pants.
"Mr. Flint, that's not how you should do your job", sabi niya. Medyo singkit ang kaniyang mga mata pero ang talas ng tingin niya sa lalaking nag-interview sa akin.
"I'm so sorry po Architect Buenaventura!", kinakabahang tugon ni Mr. Flint. Ito siguro ang may-ari ng firm na ito so he's my future boss kung sakaling matanggap man ako. Sa tingin ko ay mabait naman siya.
"Let me", sabi niya at lumapit sa amin. Umalis si Mr. Flint sa upuan.
"Mrs Lewiston?", sabi niya sa akin at tinignan ako. Nakita kong naningkit ang kaniyang nga mata.
"Hello po", bati ko sa kaniya. Natauhan naman siya at pumormal na.
"I'm Karl Buenaventura, the owner of this firm", pakilala nito at ngumiti. Gumaan ang loob ko. "I'm sorry for my secretary, he's old so...", sabi niya at sinulyapan si Mr. Flint sa tabi. Napahagikihik naman ako.
"It's okay po", sabi ko.
"Now, pardon me for staring at you earlier, I know it's rude", paghingi niya ng paumanhin. Hindi naman talaga big deal 'yun. Natakot lang ako kanina kasi baka masungit pala siya.
"That's okay", parati na lang akong okay dito kasi naman feel ko 'yun lang ang pormal na masasabi ko.
"Kamukha mo kasi ang asawa ko", napatawa siya sa sinabi niya. Ngumiti rin ako. No comment. That happens with every person na coincidentally may kamukha sila.
"You'll start tomorrow, the working hours will be 9 am to 3 pm", sabi niya."Thank you po!", masaya kong tugon. Finally makakapagtrabaho na rin ako sa isang architectural firm. Mabuti naman at hindi na siya nagtanong tungkol sa apelyido ko. Very unprofessional naman talaga 'yung secretary niya kanina pero pinalampas ko na lang, matanda na nga eh.
Sa wakas may trabaho na din ako!
sasabihan ko si Reign. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan siya.
"Good for you", walang gana niyang sabi. Nakakainis 'to!
"Ano namang reaksiyon 'yan", sabi ko.
"Eh iiwan mo ang pinsan ko eh", explain niya.
"Siya ang mang-iiwan noh!", makahulugan kong tugon. Tumahimik si Reign, nagtaka naman ako. Na-gets niya kaya? Pinatay niya ang tawag. Ano ba 'yan!
Nag-text siya: We'll talk...
Siguro nagdidiwang na ang kaluluwa niya ngayong tama nga siya sa hinala niya sa akin. Napailing ako.
May text na naman akong natanggap.
This time it's from Zack. Madalas na siyang nagme-message sa akin nitong nakaraang araw pero dati ay wala talaga. Hindi pa nga ito tumatawag sa akin. Malungkot akong ngumiti nang mabasa ang text.
'I'm sorry Hon, I'll be having a business trip and I'll be leaving now' sabi nito.
Medyo nabawasan ang lungkot ko dahil hindi siya kay Carla pupunta. Kinilig naman ako dahil he called me Hon this time.
nagtipa ako... 'It's fine'.
BINABASA MO ANG
The Wicked Wife of the CEO (Completed)
RomanceElizaria Cruzaldez married Zack Lewiston, a wealthy and handsome man, out of a deal but when the contract ends they agreed to have a divorce but then something happened... A story full of conspiracies... Please follow me and vote the story if you l...