Chapter 14- " Alive "

3.1K 72 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko.

" She's been sleeping for five fucking hours!", sigaw ng pamilyar na boses. Asan ba ako?

"Calm down Mr. Lewiston, she's fine", isang boses na naman.

"Fine? Why is she crying?!", galit na sigaw niya sa lalaki.

Naramdaman kong basa ang pisngi ko. Basa? bakit? Biglang may mga alaalang bumalik sa akin. Natulala ako nang sinubukan kong iproseso ang mga pumapasok sa utak ko at napatakip sa bibig nang maalala ko ang nakaraan.

"Mommy", sambit ko sa basag na boses at napaiyak na. Humagulhol ako habang naalala ang kinahinatnan ni mommy. Ang sakit sakit. Pinapalo ko ang dibdib ko sa sakit.

Biglang may yumakap sa'kin. Ang init ng yakap niya. Tinignan ko kung sino ito. Walang iba kundi ang minamahal ko lang naman na si Zack. He looked so scared.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Umiyak ako sa dibdib niya. How did that happen to us. Mommy... Naghalong sakit para kay mommy at galit para sa kung sino mang gumawa sa'min nun ang nararamdaman ko ngayon!

She was so cruel! Hahanapin kitang Steph ka! Magbabayad ka sa ginawa mo kay mommy.

Unti-unti akong kumakalma subalit may mga hikbi pa ring tumatakas. Hindi nagsasalita si Zack pero ramdam ko sa kaniya na nag-iingat siya. Nakayakap pa rin siya sa'kin nang nilingon ko si doc at parang naghihintay lamang siya na gawin ko 'yun para makapagsalita.

"How are you Mrs. Lewiston?", tanong niya.

"It was very bad", naiiyak ko namang sabi pero pinigilan kong may tumulo na naman na mga luha. Napahigpit ang hawak ko sa damit ni Zack na sa tingin ko'y mapupunit na ito.

"You can go home now and come back if you need to. Paniguradong magkakaroon ka ng mga bangungot lalo na ngayong sa tingin ko ay ganun nga kasama ang nangyari", sabi niya. Tinignan niya si Zack.

"Mr. Lewiston, please take care of your wife", sabi niya. Uminit naman ang pisngi ko.

"Of course I will", sambit ni Zack.

Nang makarating sa bahay ay binuhat niya na naman ako.

"I-I can walk", naiilang kong sabi. Hindi siya umimik pero hindi niya pa rin ako binaba. Wala na akong lakas na makipagtalo kaya hinayaan ko na lang siya.

Ibinaba niya ako sa kama.

"I'll get you a water. Mago-order na lang din ako ng dinner", sabi niya sa maingat na tono. Tumango ako sa kaniya.

Now some puzzles fit. Wala akong makitang  mga balita sa pagkamatay ni mommy noon. Siguro hindi ito pinublicize ni papa. A woman named Steph tortured my mom and... pinilit kong huwag na namang umiyak pero ang sakit eh! Mom was... raped.

Umiyak na naman ako. Bumukas ang pintuan at tumakbo si Zack palapit sa akin.

"Shit! Why are you crying?", tanong niya habang tinitignan ako at hinawakan nang marahan ang mga braso ko. He was so gentle to me right now. Kahit na siguro dahil sa awa lamang ito, masaya pa rin ako. Hindi ko muna aalahanin ang mangyayari sa hinaharap. Pahalagahan ko dapat kung anong mayroon sa akin sa kasalukuyan.

Inabot niya sa akin ang baso ng tubig na dala niya.

"Nothing", sambit ko pagkatapos ilapag sa bedside table ang tubig.

"Okay, I won't force you to tell me but I'm always here to listen", ang tamis sa tenga pakinggan ng sinabi niya.

"Zack... mommy was...", gusto kong sabihin sa kaniya kaso hindi ko iyon magagawa nang hindi umiiyak. "raped", pumiyok ako sa huling salita. Niyakap niya agad ako nang mahigpit.

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon