Chapter 9- " The Woman "

2.9K 69 0
                                    




"You might be suffering from a trauma", nagulat ako sa sinabi ng doctor.

I am now meeting the psychiatrist that Zack booked for me. Sinabi ko sa doctor ang mga napapanaginipan ko at 'yun ang sabi niya.

"Trauma? How could that be doc?", nagtataka kong tanong. Kailan naman ako nagkaroon nun? I was fine during my childhood days until now.

"Mrs. Lewiston, if you could, please tell me more about your past. Any gap of it that you could remember?", sabi niya.

Wala naman akong problema kung iku-kuwento ko sa kaniya. Wala namang masyadong ganap sa pagkabata ko.

"Papa told me that mom died because of illness and I could only remember her vaguely. Since then, I was home-schooled dahil hindi ako matutukan ni papa ng maayos. He was so protective of me. He was also married to my step-mom when I was young so someone could help him take care of me dahil naging busy siya noon sa business. Because of that I was able to go to a University with my stepsister which is in the same age as mine", kuwento ko. Hanggang doon na lang siguro muna ang sasabihin ko.

Napansin kong kumunot ang noo ni Doc. Did he notice something?

"Hindi ka inabuso ng step-mom mo?"

"Nope, mabait siya sa akin noong buhay pa si papa but suddenly, they mistreated me but I think that was not traumatic", natatawa kong sabi. Tumango-tango naman si Doc.

Hinawakan niya ang kaniyang salamin. May katandaan na rin kasi ito pero isang tingin mo pa lang ay masasabi mo nang magaling talaga siya.

"You said that you have vague memories of your mother so can you tell me what was that?", mas matalas pa ata ang memorya niya kesa sa'kin at para siyang detective sa pagka-observant niya.

Sa tagal ba naman niya sa field na ito Elizaria, nukaba!

Now that I try to think of it, natigilan ako. I don't remember any at all.

"Haven't  you seen your mother suffered from illness?", dagdag niyang tanong. May point si Doc sa tanong niya pero bakit wala akong maalala? Is it the gap?

Nanlamig ako nang mapagtantong may mali.

"Now we know where the gap is, you're dismissed Mrs. Lewiston", sabi ng doctor.

"You should not try to worry, just relax madame, I'll see you on Saturday", paalala niya. Tumango naman ako.

Hindi ako makapaniwala na may amnesia ako. How come ngayon ko lang na-realize na may kakaiba sa nakaraan ko. Is it papa? When I try to think of the past, bumibigat talaga ang dibdib ko. Who's that girl with bruises on my dream at ako ba 'yung batang babae?

Inalis ko muna 'yun sa isipan at dumiretso na sa opisina. I still have time since it was till 8:15. May 45 minutes pa ako kaya nag-desisyon muna akong kumain ng almusal.

Nag-ring ang phone ko and I thought that it was Reign pero nagulat na lang ako nang mag-flash sa screen ang pangalan ni Zack.

"How was it?", he asked this like he's been agonizing to call me. Imagination mo na naman Elizaria, sobrang wild.

"He said that I possibly have a trauma resulting into an amnesia", sabi ko.

"Is it serious?", Now I sense na nag-aalala talaga siya. Lumambot pa lalo ang puso ko dahil dito.

"We still don't know yet", sabi ko. Pakiramdam ko talaga nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Umiling ako. Maingat dapat ako at hindi basta-basta mag-assume.

"Okay, take care...", Hindi niya ako tinawag na Hon. Tinapos na namin ang tawag. Sapat na sa akin ang pag-aalala niya. Masaya na ako doon.

Pagkarating ko sa opisina ay sinalubong ako ni Mr. Flint.

"Mrs. Lewiston-", sumingit ako sa kaniya.

"Just Elize Sir", sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Okay Elize, uhmm, please can you give this to Mr. Buenaventura? He's in his house office. This is really important kaso may meeting din ako ngayon", nag-aalala niyang sabi.

"No problem", sabi ko. Binigay niya sa akin ang address at sumakay ako ng taxi papunta doon.

Their house is so beautiful-no I mean, it's a mansion. Ang ganda ng design ng bahay. Nag-door bell ako. Lumabas naman ang katulong at pinapasok ako matapos kong sabihin ang sadya ko.

Pagkapasok ko ay namangha talaga ako. I think it's Sir's own master piece, I can feel the personal touch on tgis house.

"Dito po ma'am", sabi niya.

Punasok ako sa itinuro ng katulong na office ni Sir and I saw him sitting on his table with a woman on a wheelchair at his side.

The woman was very familiar.

"Oh Elizaria, you're here!", bulalas ni Mr. Karl nang makita ako. Lumingon ang babae and I was stunned for a moment.

I see myself much in her and suddenly I jolted when tears started to form on her eyes. Kinabahan ako. Did I do something wrong?

"Nggg", pamilyar ang boses! Siya 'yung babae sa party dati!

"This is my wife Elize-", hindi naituloy ni Mr. Karl ang sasabihin nang makitang naiiyak ang asawa niya.

"Nggg", hindi siya maintindihan pero parang gusto niya akong lapitan. Kinabahan naman ako.

I stared at her face more but then there was a sharp pain on my head. Napahawak ako sa ulo ko. Sinubukan kong huwag ipikit ang mga mata dahil sa sakit pero hindi ko talaga kinaya at bumagsak na.

"Elize!"

"Nggg"

mga boses nila ang huli kong nadinig bago nawalan ng malay.

***

"Anak, pasensiya na", nagtaka ako nang marinig ko ang boses ng isang babae. Mommy?

"Mom?", tanong ko. Sinubukan kong hanapin siya pero sobrang dilim ng paligid.

"I love you Elizaria", naramdaman ko ang luha sa aking mga pisngi.

***

Nagising ako. Another dream that's related to my past. May improvement na ngayon dahil I'm sure it was mom. The woman in my dreams was my mom. May nangyari bang masama sa kaniya? Did she really die because of an illness.

These thoughts filled me when I realized that I was not in my room. The smell of the room was different. I looked around. The interiors have been designed really elegantly. I was mesmerized when somebody came in. Si Sir Buenaventura pala. Andito pa pala ako a mansion nila. I just remembered, I blacked out.

"Dear! You scared us!", he exclaimed nang makitang nagising na ako. Mabilis siyang lumapit sa akin. Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata.

"I'm sorry Sir", sabi ko. Nakakahiya naman dahil naka-disturbo pa ako sa kanila.

"No, that's fine, How are you? Are you hurt somewhere?", tanong niya habang tumitingin sa gilid ko. As if he was really assuming that I'm hurting somewhere.

"Ayos na po ako. Salamat po", sabi ko at tumayo na. Kahit papaano ay nararamdaman ko sa kaniha si papa. Nakaka-miss tuloy magkaroon ng ama.

"Mabuti naman, ihahatid ka na ng driver namin pauwi", sabi niya. Agad naman akong tumanggi.

"Hindi na po."

"No, dapat alagaan mo ang sarili mo. I tried to call your husband but he's out of reach", sabi niya.

Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Tinawagan ni Sir si Zach?

"Salamat po ulit", sabi ko bago umalis.

Hindi ko na nakita muli ang asawa niya. She's really weird kanina. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Pagkauwi ko ng bahay, I was shocked when I saw Carla at our gate.

She was standing there in a white flowing dress. Somehow kinabahan ako. Bakit kaya siya pumunta dito?

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon