Chapter 29- " Leaving "

3K 59 1
                                    


"R-Reign? Carla?", gulat na gulat kong tanong.

"Hey, I'm here too!", singit ni Tyrus. Kahit kailan papansin talaga ang isang ito. Binalewala ko lang siya at nakatingin pa rin ako sa dalawang babae na nasa harap ko ngayon.

"Shut your face or I'm gonna punch you", napalingon naman ako kay Zack nang bitawan niya ang mga salitang iyon habang matalim na nakatingin kay Tyrus.

Nagtagisan sila ng tingin. Hindi pa ba sila nagkakaayos?

"Sige nga", panghahamon ni Tyrus kay Zack. Nanginginig na ang mga balikat ni Zack dahil sa inis. Bago pa siya makalapit kay Tyrus ay hinawakan ko ang braso niya.

Ang init naman ng dalawang 'to...

"Tigilan niyo na nga 'yang dalawa", awat ni Reign sa dalawa. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Elize!", tawag sa'kin ni Reign. We stared at each other for a moment. Suddenly, she went to me and hugged me tightly. Hindi agad ako nakakilos sa gulat.

"Reign...", tanging nasabi ko.

Miss na miss ko talaga siya and I didn't expect na ganito ang magiging reaksiyon niya. Akala ko na bibigyan niya ako ng cold treatment but then she came her in Zack's house because she's woreied about me.

"God! I hate you so much! Ba't ka naman umalis nang hindi mo man lang sinabi sa akin! Hindi ka man lang din nagparamdam ng apat na taon!", pagpapasingaw niya sa inis niya.

Sino nga ba naman ang hindi maiinis kung ang isang mahalagang tao sa iyo ay bigla na lang naglaho at hindi na nagpakita pa.

"Well...", wala akong masabi. Kasalanan ko naman talaga. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"You made me worry so much!", bulalas niya. Naiyak naman ako nang makita ko ang mukha ng matalik kong kaibigan. I'm so happy to see her and so glad that she's not mad at me.

"I'm sorry Reign", sabi ko habang pinupunasan ang mga luha.

"Hey, don't make my wife cry for goodness sake!", naiinis na sabi ni Zack. Natawa na lang ako sa kaniya. OA talaga ang isang 'to.

"Huwag ka ngang makealam diyan stupid jerk!", singhal ni Reign kay Zack. Inirapan naman siya ng pinsan niya. Napailing na lang ako.

"Hehehe, tumigil na nga kayong dalawa", saad ni Carla. Napalingon ako sa kaniya. Nagkatinginan naman kami.

"Elize... How are you?", saad niya sa mahinang boses. Somehow she's more civil now.

"I-I'm doing fine", sagot ko sa kaniya. Medyo naiilang pa din ako sa kaniya.

Kahit papaano ay masaya naman ako dahil nalampasan niya ang sakit niya at buhay pa siya ngayon.

Mukhang totoo nga talagang hindi nga sila nagkabalikan na ni Zack noon.

"By the way, ano bang ginagawa niyo dito?", ngayon mainit na ang ulo ni Zack. Sinapak ko naman siya sa braso dahil sa ipinapakita niyang ugali.

"Narinig namin ang nangyari sa balita tungkol kay Stephanie Cruzaldez", paliwanag ni Carla.

Hindi pa rin ako makapaniwala na naging masama ang first impression ko sa kaniya noon. Sa sobrang hinhin niya ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala.

"That explains... let's come inside first", sabi ko at naglakad na sa loob.

Wala ang mga kambal sa ngayon dito dahil bumisita sila kay mommy. Nangungulit kasi siya na padalawin na ang mga kambal sa kaniya.

Nakilala pala ni mommy si Zack sa isang event and from there, nasabi niya na mabait itong si Zack. Kaya naman nang magpakilala siya bilang ama ng mga kambal ay medyo nagulat at hindi pa makapaniwala si mommy pero dahil sa impresiyon niya kay Zack ay ipinagkatiwala niya ang kambal. I was too busy back then to notice what was happening.

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon