Chapter 21- " Found You "

3.1K 70 2
                                    

Gustong sumakay ni Elton sa carousel kaya 'yun muna ang inuna namin. Si Ella naman ay hindi ako sigurado kung anong pinagkakainteresan niya pero nasulyapan kong nakatingin siya kanina sa umiikot na swings.

Yumuko si Tyrus para pantayan si Ella.

"What do you want to ride Ella?", sipsip na tanong ni Tyrus. Napatingin ang anak ko sa kaniya.

"I am not obliged to answer you", masungit na tugon ni Ella. Tinignan ako ng anak ko. I winked at her tsaka ngumisi.

"Ouch!", umakto si Tyrus na parang nasasaktan, may pahawak-hawak pa sa puso niya. "Ang sungit mo naman", inirapan ko na lang siya.

Nang matapos si Elton sa carousel niya ay niyaya ko silang sumakay sa swing bilang pagsagip na rin sa pride ni Ella. Mahaba ang pila at mainit pa pero kaya naman.

"Mom, I don't want to ride this", reklamo ni Ella habang pinapaypayan ang sarili. Halata naman na gusto niya, ayaw niya lang mapagod sa kakapila.

"Just a little bit more baby. Patience is a virtue", sabi ko sa kaniya. Tinignan niya ako nang matalim. May nasabi pala akong ayaw niya.

"Oh, I'm sorry young lady", pagpapaumanhin ko sa kaniya. Maarte rin talaga siya minsan. Saan naman kaya nagmana 'tung batang 'to?

"Mommy, I'm hungry", singit naman ni Elton. I looked at him. Nakakagutom nga naman dahil mainit pero kung aalis kami ngayon. Pipila na naman kami ulit.

"Let's go buy some food Elton?", anyaya sa kaniya ni Tyrus. Tinignan ko siya nang matalim. At sino siya para sabihin 'yun?

"Really Tito Tyrus?", masayang tanong ni Elton. Kailan pa sila naging close?

Masyadong inosente si Elton kaya hindi ko puwedeng hayaang sumama siya kay Tyrus.

Napatingin ako kay Ella. Alam kong gusto niyang sumakay dito. I sighed.

"I'll go with you baby, Tyrus you stay with Ella", sabi ko. Wala na akong maisip na paraan. Kung iiwan ko si Ella kay Tyrus, hindi ako mag-aalala dahil matalino ang anak ko kaya hindi siya madaling lokohin.

Nagtaka naman ako sa reaksiyon ni Tyrus dahil mas lalo pa siyang natuwa.

"Anong nginingiti-ngiti mo? Nababaliw ka na ba?", tanong ko sa kaniya

"Oo baliw sa'yo", mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin. Masyado nang basag 'yung sinabi niya. Napailing naman ako.

"I'll follow you wherever you go and whatever you do, I've waited for you for four years dahil alam kong babalik ka rin", natulala ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Nahihibang-", natigilan ako. Bigla kong naalala ang e-mail tsaka note.

Posible kayang...

"Yieee!", mahinang hiyaw ng mga taong nakarinig sa sinabi niya. Nawala ako sa huwisyo sandali.

"Ang sweet naman ng asawa niya", saad ng isang tao. Marami pa akong narinig na katulad din nun.

Uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan. I can't take this anymore.

"Shut your mouth and take care of my daughter", malamig kong sabi kay Tyrus. Binalingan ko si Ella.

"Ella, please don't get lost", saad ko sa kaniya.

"Don't worry, I'm not stupid", seryoso niyang sabi. Tumango naman ako. Sigurado akong wala namang magiging problema sa kanila.

Hindi ko na tinignan pa si Tyrus at mabilis na umalis doon. Hawak hawak ko si Elton.

"Mommy, I want ice cream", nang marinig ko ang boses ni Elton ay unti-unti kong kinalma ang sarili ko.

"Okay baby", mahinahon kong sabi at sa wakas ay nagawa ko ring ngumiti.

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon