Chapter 7- " I'm not sure "

3.1K 66 0
                                    


"Alam mo, KJ ka talaga, you're a member of the anti-party group!", naiinis na putak ni Reign.

She asked me to meet her at a cafe and so here we are. Pinapunta niya lang pala ako dito para ilabas ang hinanaing niya. Hindi na naman ako natuloy sa paghahanap ko ng trabaho.

"I'm just so tired, you know", sabi ko sa kaniya.

"I also saw tito and Carla left the party so early", nagtaka ako sa sinabi niya. "Zack and Carla wasn't together?", tanong ko.

"And why would they- Wait did you two planned something again?"

"It's just that the two of them could talk", Napailing siya sa sinabi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"You're so stupid sis, are you really fine about my cousin talking to her ex? Aren't you worried on the possibility that my cousin would be back with Carla?", I looked at her in disbelief.

"And why should I be worried?", tanong ko sabay higop sa kape ko.

"Hello? It's your husband that we're talking here", sabi niya na hindi makapaniwala sa akin.

Yeah it's my husband but it's just in the papers, not real.

"Please stop talking about the fake marriage", I said as I laughed slightly.

"I can feel that you like him", nabilaukan ako sa sinabi niya. Kumunot din ang noo ko.

"Why do you say so?", tanong ko. Paano naman kaya niya nasabi 'yun? Ako? May gusto sa mokong na 'yun?

"Just saying", ako naman ngayon ang napailing. Nahihibang na ba siya? Ako?

"Come on, it's just a fake...", nanghina ang boses ko sa huling salita.

Bigla kong naalala ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. I stopped for a moment. Kinabahan ako sa naiisip ko.

"What fake?", lumiwanag ang mukha niya nang makitang natigilan ako.

"Oh please stop this sis! I should go", sabi ko. Tumayo na ako at akmang aalis nang magsalita siya.

"you should be more honest with yourself sis."

Hanggang sa makarating ako ng bahay ay tumatak sa akin ang sinabi ni Reign. Did I really like him?

Umiling ako at inalis ito sa isipan ko. Am I crazy?

Nabasa kong may nag-text sa akin and it was Zack. Mabilis ko itong tingnan at bigla na lang tumatalon ang puso ko.

'Cook my favorite for dinner', sabi niya sa message. Napahawak ako sa dibdib ko. I can't even stop my face from smiling. Arghh! Nakakainis talaga ang mokong na'to.

Nagsimula na ako sa pagluluto ng menudo because it's his favorite dish. 'yun lang din ang normal o personal na information na nakuha ko talaga mula sa kaniya.

Medyo pinagpawisan na ako nang matapos. Hindi naman ako madaling mapagod pero ang bigat-bigat ata ng katawan ko gayon. Nang napagdesisyunan ko na munang umupo sa sofa ay may nag-text na naman.

'I was mistaken, I will be home late tonight. I'm sorry'

Ngayon naman ay bumagsak ang balikat ko at parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko. Sumama na ang pakiramdam ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba
nararamdaman ko ito? Nahuhulog na nga ba ako sa kaniya? Ayoko!

Come to think of simula nang dumating siya mula sa party kagabi nang magising ako mula sa paniginip kong 'yun, there's something different about him. Para bang lumiwanag ang mukha niya kumpara sa dati pero nang maalala ko naman ang mga mata niya kagabi nang magkatinginan kami ay bakit feel ko na nasasaktan siya? Ewan! Hindi ko talaga siya maintindihan.

Naging maayos na ba sila ni Carla?

I was in this thought nang may tumawag. It's   Tyrus...

Kinabahan ako. It's the first time he called me since he saved his number on my phone. Ano naman kaya ang kailangan nito? It's really stupefying.

"Tyrus...", tawag ko sa kaniya.

"Hello El! It's just yesterday that we met but I already miss you", pabiro niyang sabi at tumawa.

"Hehehe! Joker ka talaga, ano ba ang kailangan mo?", sabi ko sa pormal na tono.

"I just saw Zack with Carla...", sumeryoso ang boses niya. Kilala pala niya si Carla? Ay siguro malamang Elizaria, magkaibigan nga sila ni Zack diba?

Pero magkasama sina Carla at Zack ngayon? Hindi kaya...

"Yeah and why?", pagpapatay-malisya ko.

"Did you know about their past?", nag-aalala niyang tanong.

"I get it, don't worry, I trust Zack", sabi ko at binaba na ang tawag.

Bakit parang imbes na magsaya ako ay hindi ko magawa?

I looked at the dish on the table, parang wala akong ganang kumain ngayon... Masama na talaga ang pakiramdam ko kaya  at pagod na akong umakyat sa taas kaya sa sofa na lang muna ako matutulog...

***

"Help! Tulooong!", nakakarinig na naman ako ng boses ng isang bata at nahihirapan uli akong huminga.

Kinabahan ako dahil ito na naman iyong panaginip ko. Hindi ko pa nakikita ang hitsura ng bata at ng babae kaya sana ngayon ay makita ko na ito at nang malaman ko na ang dahilan kung bakit ko ito napapanaginipan.

"Anak! Please leave", sabi ng babae. Mag-ina siguro sila.

"No! No!", pagtanggi ng bata habang umiiyak.

"Run Elize! Run!", nabigla ako nglang tawagin ng babae ang bata sa pangalan ko. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.

***

Nagising ako nang maramdaman kong binubuhat ako. I saw a familiar man. Si Zack!

"Ibaba mo na ako Zack", sabi ko. Nakakahiya naman sa kaniya.

"You're firing hot and your face is red!" medyo pagalit niyang sabi. Napansin ko ngang mainit ako. "You're also out of breath what happened to you?"

"It's that dream again", mahina kong sabi. Tinitigan niya ako.

" ibaba mo na ako", pag-uulit ko.

" Why didn't you call me?", sabi niya. Nakarating na kami sa kuwarto ko at hiniga niya ako sa kama. Somehow, parang nagslow-mo ang paningin ko.

"I don't want to disturb you", natahimik siya sa sinabi ko. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam nang maisip ko na maayos na nga sila ni Carla. Anytime ay mag-aalok na siya ng divorce.

Hindi naman kailangan tapusin ang deal namin na 5 acts as long as ma-achieve na daw niya ang plano niya.

Umalis siya at mabilis din namang bumalik. Nakikita kong maingat siya ngayon. Napatingin ako sa wall clock at alas diyes na pala.

"Here drink this", sabay bigay niya sa akin ng gamot at tubig. Ginawa ko naman ang sinabi niya at nahiga na.

"uhmm Zack?", tawag ko sa kaniya.

If I really like this man...

"When shall we get the divorce?", malamig na tingin ang natanggap ko mula sa kaniya.

I will keep that to myself...

"The deal is when I achieved my plan", sabi niya.

"And when is that?", halata namang nagka-ayos na sila ni Carla, may iba pa ba siyang plano?

"I'm not sure", he said at tumalikod na para umalis.

Ano 'yun?

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon