Chapter 31- " Caught "

2.6K 61 0
                                    









Nagising ako sa mga boses na naririnig ko.


"Andito na si Madame", rinig kong sabi ng isa.

Kinurap ko ang mga mata ko at nakitang medyo madilim ang paligid. Ramdam ko ang lamig at tigas ng sementong hinihigaan ko at nakatali ang mga kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Naka-tape din ang bibig ko. Pinagpawisan ako nang malamig nang biglang magbalik ang ala-ala sa'kin labing-apat na taon na ang nakararaan. Mariin kong ipinikit ang mata ko at inalis iyon sa isipan ko. I can't panic right now pero sino ba naman ang hindi kakabahan sa ganitong sitwasyon?


"Hoy, gisingin mo na 'yan", boses ng isang lalaki. Nakatagilid ako at nasa likod ko sila kaya hindi ko sila makita. Naramdaman kong may lumapit sa'kin. Hinawakan niya ako sa braso. Kinilabutan ako sa hawak niya.

"Hoy! Gising-", yuyugyugin niya sana ako pero nang makita niyang mulat na ang mga mata ko ay tumigil na siya. Kinakabahan na talaga ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano naman kayang kailangan ng mga ito? Pera ba? Wala pa naman silang ginagawa sa'kin, ibig sabihin ay may sadya talaga sila.

Pinilit kong magpakatatag. Matalim ko silang tinignan.

"Aba, matapang ka miss ah?", sambit ng isa na may hawak na mga baraha.


"Mmm", gumalaw ako para iparating na tanggalin ang tape sa bibig ko. Tatlo silang lalaki.


"Uh-uh, kahit maganda ka miss kung tatanggalin ang nasa bibig mo, hindi pa rin puwede", kinilabutan ako sa tingin ng isa. Pinigilan kong huwag mapaluha. Wala na pala ang cardigan ko kaya naka-white sleeveless blouse na lang ako. Naka-maskara silang tatlo hanggang sa ilong kaya mga mata lamang nila ang makikita.


"Hmmmm", hindi ako sumigaw subalit gumalaw lang ako para ipilit na tanggalin na ang tape subalit hindi na nila ako pinansin pa. Shouting is pointless...


Base sa mga kilos nila ngayon ay may pinuno sila at maaaring hinihintay pa nila ito.


'Andito na si madame', naalala ko ang sinabi nung isa kanina. Madame? Sinong madame?


Napatingin ako sa banda kung saan madilim subalit may maririnig kang mga yapak ng takong. Tinitigan ko ang bandang 'yun pero tumigil siya bigla at tanging nakikita ko lamang ay isang tungkod. Madilim pa kasi sa itaas na parte ng katawan kaya hindi pa kita ang mukha.


Tungkod? Matanda?


Nangliit ang mga mata ko nang dahan-dahan uli siyang naglakad at nakita kong nakasuot siya nang mahabang pulang palda. Base sa anino niya ay matanda na nga. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

This is very unexpected...

Napasinghap ako dahil si Donya Esperanza ang may pakana ng lahat?

She's the grandmother of Brix, Kylie's husband.

Sa lahat lahat ng taong gagawa nito sa'kin, isa siya sa mga hindi ko inaasahan. Mukhang minaliit ko ata ang mga Sylvester. So this is their true power? Violence...

Ipinakita na rin nila ang tunay nilang kulay. I can guess why she's doing this. Mukhang grabe nga talaga ang epekto nang pag-tanggal ko sa kanila sa kompaniya. Dapat lang din naman sa kanila ang ginawa ko.

"It's been a long time Elizaria", sabi niya sa boses na halatang may katandaan habang nakatingin sa akin nang nakataas-noo as if pipichugin lamang ako. She intends to insult me.

The Wicked Wife of the CEO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon