A/N:
Iryll - Pronounced as Ay-ril
---*
Alira's POV
Dalawang oras na kaming nandito at halos 12 pm na sa relo ko. Wala ba silang balak pakainin kami?
Lumingon ako sa taong kasama ko dito. Tulog parin siya. Hindi ba siya nagugutom?
Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalaki. Mga amoy sigarilyo sila at may konting amoy ng alak.
Isinara naman agad ng teacher ang pinto.
"Uy. May chicks dito. Anong ginawa mo?" Lumapit sakin ang apat na lalaki.
"Nahuli ba kayong naghahalikan ng syota mo?" Tumingin ang lalaking medyo matangkad sa upuan kung nasaan si Iryll.
Hindi ko pinansin ang lalaking nagsasalita at kinuha ang headphone na nasa bag ko. Isinuot ko iyon at nagpatugtog.
Napapikit ako nang sinipa ng isang lalaki ang paa ng upuan ko. Ibinaba ko ang headphone na hawak ko at lumingon sa lalaking sumipa.
"Tinatanong ka, sumagot ka." Matigas na sabi niya. Mukha silang mga lasing na ewan.
Inirapan ko lang sila at isinuot ulit ang headphone ko.
Napatayo ako ng kunin ng lalaking nasa harap ko ang headphone ko at ibinato malapit kay Iryll. Hala!
"Anong problema nyo?" Nagtawanan naman sila. Nakita ko pa ang isang nagsindi ng sigarilyo.
"Ikaw kasi ayaw mo pang sumagot." Kinuha ng isang lalaki ang bag ko at binuksan iyon.
Lumapit ako sa kanya at inagaw ang bag ko.
"Pakialamero."
"Uyy. Matapang.." Inibato ng isang lalaki sakin ang sigarilyo niya. Natamaan ako sa binti. Medyo manipis ang long sock ko. Above the knee lang kasi ang palda dito kaya nag long sock ako.
Ramdam ko ang pagka paso ng binti ko kaya napaupo ako upang hipan. Ang hapdi!
Nagulat ako ng biglang may natumbang upuan kaya lumingon ako. Nakita kong nakatayo na si Iryll at nakatingin sakin.
"Sorry kung nagising ka." Tumayo ako at lumapit sa upuan.
"Uy Dave! Nandito ka pala!" Nilapitan sya ng dalawang lalaki at inakbayan.
"May kasama ka palang chicks di mo sinabi sana kami nalang ang-"
Nagulat ako ng bigla niyang sapakin yung lalaking nagsasalita.
"Lumayas kayo dito kung ayaw niyong tumahimik." Masama ang tingin ni Iryll sa kanilang apat.
Pansin ko naman na tila takot sila kay Iryll kaya natahimik sila.
Bumaling sakin ang tingin niya kaya napalunok ako.
Hindi naman ako maingay.
Nagsorry pa nga ako eh.
Lumapit siya sakin bitbit ang upuan niya.
Don't tell me ihahampas niya sakin yun?
Napapikit ako ng bigla niyang ilapit sakin ang upuan. Kuya koooo!
"Matutulog ako, pag may nagingay batuhin mo ng upuan." Napamulat ako sa sinabi niya.
Nakita kong nakatabi sa upuan ko ang upuan niya.
Bumalik siya sa pagkakayuko.
Samatalang nakita ko ang apat na lalaki na tahimik sa gilid. Napakurap ako.
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
Non-FictionIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...
